Chapter 68

28 2 0
                                    

(Kirei's POV)

Nandito kami ngayon nila Toll sa cafeteria at kumakain ng foods. Bigla naman dumating si Fred.

"Kirei, mag-usap naman tayo please? Please lang oh."-Fred.

Ano pa ba'ng pag-uusapan namin? Wala naman na diba?

Aalis na lang ako dito, nakaka-badtrip. Kailangan talaga magpa-kita siya sa'kin habang kumakain ako. Ayan tuloy, nawalan na ako ng gana.

"Guys, aalis na ako. Una na ako sa classroom ha. Sunod na lang kayo. May gagawin pa kasi ako eh"-Me.

Kinuha ko yung bag at gamit ko at tumayo ako ng upuan ko. Nag-lakad na ako palayo sa kanila.

''Kirei please, let me explain. You have the wrong thoughts Kirei, please."-Fred.

Kinapitan niya kamay ko kaya na-tigilan ako sa pag-lalakad. Anong trip nito?

"Greg and I are drunk back then. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari?"-Fred.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa dahil lasing lang siya kaya niya nagawa yun. Hindi ko alam kung I will trust him pa after sa lahat ng nangyari.

"Why are you drinking alcohol in the first place? Hindi sana mangyayari lahat ng to kung hindi ka uminom."-Me.

Umiwas ng tingin sa'kin si Fred. Napa-isip siya yata sa sinabi ko.

"The truth is, si Louise ang nag-utos na uminom kami. Kasi sabi niya sa'kin, hindi ka na daw pupunta dun kala Toll kasi, may ka-date ka daw na iba. Kaya ayun, napasubo na ako dun sa alcohol."-Fred.

Hinawakan niya kamay ko at tumingin sa'kin. Malungkot ang mukha niya kaya parang bago sa'kin. Normally kasi si Fred, masayahin. Kaya bigla ako naawa.

"Please Kirei, give me another chance. I won't waste it."-Fred.

Gustuhin ko man ay baka hindi ko rin magawa. Lalo na at baka masaktan lang siya. Pero, I'm willing to give him a chance. But, what if masaktan na naman ako. Pero baka ako mag-sisi kung hindi ko siya biguan ng chance.

"I have to think this through, Fred. Let's just see."-Me.

Binitawan niya ako at ngumiti naman ako sa kanya. Naglakad na ako papalayo sa kanya. Pero bakit parang nahihilo ako? Ang sakit ng ulo ko. Umiikot?!? Ahhhh!!!

Bumagsak na yata ako.

-_-

Unti-unti ko minulat ang mga mata ko at na-realize ko na nasa hospital pala ako. May nakita ako'ng lalake na nakatalikod sa'kin pero hindi ko makilala kung sino. Nung humarap na siya. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Fred?!? What are you doing here?"-Me.

Ngumiti siya sa'kin tapos pinatong niya yung tray na may foods sa may table na malapit sa'kin.

"Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina habang naglalakad ka. Kaya dinala kita sa hospital."-Fred.

Medyo napa-ngiti ako dun sa sinabi niya. Talagang ginawa niya yun para sa'kin? Na-touch naman ako dun.

Tumingin ako kay Fred pero sobrang lungkot ng mukha niya. Bakit kaya?

"Fred. Are you okay?"-Me.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti lang siya. Tumayo siya at papunta siya sa pintuan ng kwarto.

"Tatawagin ko lang yung nurse. Sasabihin ko gising ka na."-Fred.

Bakit ganun ang boses niya. Parang malungkot at tsaka para siyang umiiyak? Ano ba'ng nangyari sa kanya?

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon