Chapter 44

36 2 0
                                    

(Armiece POV)

TIME SKIP

Kakatapos pa lang ng klase namin at nagkataon na wala na kaming afternoon classes dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga faculty staffs about the upcoming event sa Academy.

Andito kami ngayon sa may labasan ng school namin at hinihintay ang iba pa dahil pinatawag sila ni Maam Hernandez.

2 pm na nang hapon kaya mapunta na kami sa hospital kung saan si JC ay naka-confine dahil sa mga suntok  na nakuha niya nung nakaraang araw.

Tatawagan ko na nga sila Toll. Wait lang, may message, Joshua? Teka, hindi ganito si Joshua magtext ah.

''Armiece, si Billy to, barkada ni Joshua. Na car accident siya. Kagagaling pa lang niya kasi sa isang party. Punta ka sa hospital kung nasan din si Dela Fuente.''-Billy.

Ano! si Joshua? Teka, bakit ako umiiyak? Anong karapatan ko.

Nang walang anu-ano'y naramdaman ko na lang na lumalandas na ang mga luha sa pisngi ko na animo'y hinahabol ng isang dosenang kabayo.

Pinunasan ko ang mga ito bago pa man makapatak sa lupa.

"Armiece...?"

''Toll. Bilisan niyo... Si Jo... si Joshua. Na... na car accident. Punta ka kung nasan si JC.''-Me.

Nanlaki ang mata ni Toll at agad na binaba ang cell phone na nakalapat sa tainga niya.

''Ha! Pati si Joshua? Teka lang. Sige na, una ka na. Tatawagan ko na lang sila Mirei." Sabi ni Toll at pinara ang isang tricycle na papalapit sa'min ngayon.

"Sige na. Mag-iingat ka Armiece. Tatawagan na lang kita kapag nandun na kami." Sabi ni Toll sa'kin at sinensyasan na anh driver na umandar na.

''Ok.'' Sabi ko at hinayaan ko ang sarili ko na umiyak.

Hindi ako makapaniwala. Ang tagal ko'ng walang narinig na kahit ano'ng balita sa kanya at ngayon, tsaka ko na lang malalaman na naaksidente siya?

Papunta na ako sa hospital kung nasan si Joshua at si JC. Nang nakarating na ako sa hospital. Agad kong tinanong ang nurse kung nasan si Joshua .

''Ah nurse, san po ang room ni Joshua Ocampo?'' Tanong ko kaagad habang hinihingal pa dahil sa pag-iyak at sa pagtakbo ko kanina.

Agad namang sumagot yung nurse pagkatapos niyang tingnan sa log book, I think.

''Ah... Room 78 po.'' Sabi nung nurse at tinuro sa'kin kung nasaan ang room na iyon.

Talagang tumatakbo na ako nun, kahit sinabihan ako nung guard na magdahan-dahan eh, hindi ko pa rin binagalan.

Nang makarating na ako sa room 78. Nakita ko ang isang guy na lumabas sa kwarto ni Joshua. Baka si Billy yun.

Tatawagin ko na sana siya pero agad ako'ng napahinto at nagtago sa may tagong sulok kasi kasalukuyan may kinakausap yung Billy.

Sinipat ko ng tingin ang dalawa at nagulat ako sa aking nakita. May inabot si Billy na isang naka-envelope at nang buksan niya iyon ay may laman iyon na isang makapal na pera.

''You did a good work, nagawa mong palabasin na aksidente ang nangyari kay Joshua.'' Sabi niya dun sa kausap niya sabay abot nung envelope.

Nang nakaalis na yung guy na inabutan nang pera, agad naman akong lumabas sa kinatataguan ko.

''Billy?'' Sigaw ko sa kanya.

Nagulat siya nang nakita ako.

''Oh! Armiece? Halika, pasok ka sa kwarto. Ah, nadating ka pa lang ba?'' Tanong ni Billy sa'kiin.

Nag oo na lang ako at baka ako mapahamak.

''Ah oo? Bakit?''-Me.

''Wala naman.''-Billy.

''Ah, sino yung guy? kausap mo kanina?''-Me.

''Ah wala yun, nakikibisita lang. Hindi ko nga yun kilala eh.''-Billy. Plastic ha.

Nang pumasok na ako sa loob nang room 78. Nakita ko si Joshua, nakahiga siya at parang hirap na hirap sa pag-aangat sa sarili at parang nahihiya siya sakin.

''Armiece! Anong ginagawa mo dito?''-Joshua. Ang lakas ng loob ko no? Hindi kasi sinama ni author yung part na nag-uusap kami ni Joshua, kaya hindi ninyo alam.

''Ah, binibisita ka, bakit? Masama ba? Okay lang naman diba? Oh sige kung ayaw mo, uwi na lang ako.''-Me. Paalis na ako nun nang biglang...

''Hindi. Dito ka lang...Beside me. Huwag kang aalis.''-Joshua. Kakilig.

''Okay.''-Me. Agad naman akong umupo beside Joshua. May sasabihin ako sa kanya in private kaya, pinaalis ko muna sa kwarto ni Joshua si Billy.

''Ah pwede ba Billy, give us privacy. May sasabihin lang ako kay Joshua.''-Me. Sasabihin ko na ang totoo at ang narinig ko kay Billy at dun sa kausap niya.

''Ah Joshua, may kagalit ka ba sa mga barkada mo?''-Me. Curious, nag iimbestega ako.

''Ah meron...Si Billy. Kaya nga ako nagulat nung siya yung nagdala sakin sa hospital. Bakit?''-Joshua. Siya yata.

''Wala naman. Saan ka na car accident?''-Me. isang clue.

''Sa may bandang gubat, kasi tinawagan ako ni Billy na may mapadaan daw dun. Ako lang yata yung nagdridrive nung mga oras na yun.''-Joshua. Isang question na lang.

''Sabi ni Billy, galing ka daw sa isang party. Totoo ba. Sabihin mo sakin kung anong nangyari pagkatapos nung party.''-Me. Interrogation lang ang bet.

''Ah oo. Magka-usap kami ni Billy nun dahil may sinasabi siya sakin at nagkaaway pa nga kami nun eh. Tapos bumalik lang ako sa party nang konting minuto dahil umihi lang ako, pagkabalik ko, nagulat ako at parang inieksperimentuhan niya ang kotse ko. Tapos nung nandun na ako sa may gubat. Bigla na lang akong nawalan nang preno. Yun yung sanhi nang pagkaka-aksidente ko. Bakit?''-Joshua. Confirm. Kilala ko na ang suspect kung sino. Hahaha.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
NAKAKATAWA SI ARMIECE DIBA? PARANG INVESTIGATOR. PERO AGREE BA KAYO NA SI BILLY NGA ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NAAKSIDENTE SI JOSHUA. TSK. KAWAWA MAN SI JOSHUA. BUTI AT ANDYAN SI ARMIECE. KILIGMUCH!!!

~END OF CHAPTER 44~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now