Chapter 79

26 0 0
                                    

(Toll's POV)

Umalis na kami sa bahay nila Kira. Hay, sana maayos nila yan. Konting tampuhan lang naman yan kaya, kayang-kayang nilang ayusin yan.

Nang makarating na kami sa bahay namin ay bumaba na kami si babe, sila Fred at Gregory din. Dumiretso kami sa kusina at naabutan namin si Mama na tinutulungan sila manang magluto.

"Oh mga anak. Andito na pala kayo. Dun muna kayo sa couch and wait for the food, okay?"-Mama.

Nagmano muna kaming apat kay Mama at dumiretso na kami sa may sala.

"Ahhh, Angela anak!"-Mama.

Napalingon naman kaming apat at tiningnan namin si Mama. Nakatingin siya kay Angela at hindi ko alam kung bakit.

"Ahhh babe, sige na mauna na kayo. May pag-uusapan lang kami ni Tita."-Angela.

Lumapit siya kay Mama at nagsimula na silang nagkwentuhan. Nakakatuwa silang tingnan, ang dalawang pinakama-mahal ko'ng babae sa buong mundo, nagkaka-sundo. Wala na akong hihilingin pa.

Nang makarating na kami sa sala ay agad akong napa-upo sa sofa.

"Ahhh 'insan. Bihis lang kaming dalawa ha. Akyat lang kami sa kwarto namin."-Fred.

"Oo nga. Dapat ang mga gwapo hindi nagpapa-basa ng pawis. Kahit na gwapo ako kahit pawis na pawis na ang buong kata..."-Gregory.

Hindi na siya nakatapos dahil binato ko siya ng unan. Binato naman niya pabalik sa'kin yung unan at nasalo ko naman.

"Nice catch, dude! Pero gwapo pa rin ak..."-Greg.

Hindi na naman niya natapos ang sasabihin niya dahil piningot na agad ni Fred ang tenga niya.

"Sige 'insan. Bababa na lang kaming dalawa ni Greg maya-maya."-Fred.

Tumaas na sila ng hagdan at pumasok na sila ng kwarto nila. Ako naman ay naiwan sa sofa na nakaupo at nag-iisip. Kumusta kaya sila Kira at JC? Ayos na kaya sila?

"Si Kira yun, Toll. Hindi niya hahayaang may umalis na taong malapit sa kanya."-Me.

Napa-kamot na lang ako sa ulo. Matulog sana muna ako pero biglang tumunog ang phone ni Angela.

Rrrrriiiiinnnnnggggg...

"Babe! May tumatawag sa phone mo."-Me.

Hindi siguro niya ako narinig kasi ang lakas ng tawa nila ni Mama sa may kusina. Kahit hindi pwede ay sinagot ko na ang tumatawag sa cellphone ni Angela.

"Hello? Who's this?"-Me.

Number lang kasi ang nakalagay sa caller kaya hindi ko naman kilala. Number nga lang eh so paano mo makikilala? Utak Toll! Umayos ka.

"Angela! Kahit anong gawin mo! Aagawin kita kay Garcia. Maghintay ka lang."-Caller.

"Sino ito!? Huwag ka na ulit tumawag sa number ni Angela!"-Me.

Narinig ko na parang nagulat ang nasa kabilang linya pero hindi pa niya ito pinapatay.

"Sino ito? Bakit ka tumatawag sa number ni Angela? Magkakilala ba kayo?"-Me.

"Hindi mo na kailangan malaman at wala ka'ng pakiala kung tumawag man ako sa number niya. Sino ka ba ha?"-Caller.

Medyo nainis ako dun sa sinabi nung lalake. Aba! Kung alam mo lang.

"Boyfriend niya ako. Ikaw, sino ka ba?"-Me.

Narinig ko na parang tumatawa sa kabilang linya ang kausap ko.

"Ex niya ako, bakit? At magiging hindi na rin. Kasi kukunin ko si Angela pabalik sa'kin. Maghintay ka lang. Kahit na buhay mo ang kapalit."-Caller.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon