Chapter 6

211 3 0
                                    

(TIME SKIP)

(Toll's POV)

Nang pagpasok ko sa classroom kanina,napansin ako nila Kira at iba kong kaibigan na sobrang tahimik. Parang tingin nila meron akong iniisip na malalim. Nilapitan ako nila Armiece, Kirei, Mirei, Eya, Ia at Kira.

''Toll,masyado ka yatang seryoso ah may problema ka ba?'' Sabi sa akin ni Kira.

''Ah,wala, iniisip ko lang yung sa piknik kasama si Maam Hernandez.'' Sagot ko naman.

''Hindi may iba kang iniisip.'' Dudang sagot ni Kirei.

''Oo nga diba sabi mo totoo na yun.'' Pahabol na sagot ni Mirei.

''Ah wala talaga promise.'' Sagot ko naman.

''PROMISE???'' Pasiguradong sagot nina Armiece at Ia.

''Promise, cross my heart mamata....'' Sagot ko naman na biglang sinundan ni Eya.

''Mamatay man kaming lahat sa harapan mo ngayon?'' panakot na sabi ni Eya sa akin

''Ahhhhhh, Huwag naman ganoon.'' Sabi ko na parang natatakot.

''So, ibig sabihin hindi totoo yung sinabi mo kanina.'' Sabi naman ni Kira.

Pagkatapos nang mahabang salitaan. Nag walkout ako, hindi ko naman  alam lahat kung ang ginawa ba nila ay nakatulong sa akin o lalong nagpasakit nang dibdib ko. Pero noong oras na tumatakbo ako may nakasunggaban akong isang babae.

''Ah, Sorry hindi ko sinasadya yun pasensya ka nahhhh.'' Sabi ko na naputol ang pagsasalita dahil tumitig ako sa babaeng nakasunggaban ko.

''Sorry, naku, sorry talaga hindi ko alam.'' Sabi nang babae.

''Ahhh, anong pangalan mo?''sabi ko habang nanginginig.

''Ahhh, Angela Mercado ikaw anong pangalan mo?'' Sabi ni Angela

''Ah....To....Tolll....Toll....Toll Garcia.'' Sabi ko  na paputol putol.

Nagkatitigan kami dalawa hanggang sa makita ako nang mga kaibigan ko.

''OMG, ang cute nilang dalawa nakakakilig.'' Sabi ng mga kaibigan kong pabulong.

Pero bigla akong humirit na...

''Guys, lumabas na kayo halata naman kayo.'' Sabi ko kay kala Kira na parang nag iispiya.

''Ay, nahalata tayo.''sabi nila Kira.

Bigla namang nag-ring ang bell ng school kaya napatingin siya sa wristwatch niya.

"Ay sorry Kuya Toll, I need to go na. Medyo strict kasi ang first period teacher namin eh. See you around na lang po." Sabi ni Angela habang nagwe-wave ng isang kamay sakin.

Tinaas ko naman ang isang kamay ko at nag-wave din ako.

"Bye din. See you around." Sabi ko naman habang nakangiti.

Binaba ko na ang kamay ko at saka naglabasan naman sila na kanina pa nagtatago.

"Mukhang may tinamaan ahh?" Sabi ni Kira habang pataas-taas pa ang kilay.

Napaharap naman ako sa kanila at hindi ko pa rin mapigilang ngumiti.

"Sige na! Yayain mo na." Sabi naman ni Ia na parang iritado ang tono ng boses niya.

"Shut up guys. Halika na nga. Baka galitan pa tayo ni Maam Hernandez." Sabi ko naman habang naglakad na palayo papuntang classroom.

(TIME SKIP)

Ilang araw ang lumipas at nagkakausap na kami ni Angela sa personal at sa mga chat apps o text messages at masasabi ko na talagang mas naging close pa kami. Marami akong nalaman tungkol sa kanya and vice versa.

Nung naghapon na ay dismissal na namin at medyo maagap pa kaya naisip muna nilang tumambay sa may gate habang ako naman ay napag-isipan maglibot-libot.

Later on ay napansin ko na may babaeng nakaupo sa may stairs kaya nilapitan ko at pinat ko ang shoulder niya.

"Ahhh Miss? Okay ka lang?" Sabi ko with a concerned tone.

Pagharap niya sakin ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya.

"Angela?" Sabi ko na gulat na gulat.

Pinunasan naman niya ang mga luha niya at tumingin ulit sakin.

"I'm okay Kuya, don't worry. Wala to." Sabi niya habang pinipilit hindi magputol-putol ang salita niya.

Umupo naman ako sa tabi niya at kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko. Iniabot ko ito sa kanya at nginitian ko siya.

"Wala lang? Eh bakit ganyan ka umiyak? Ubos-ubos biyaya talaga?" Sabi ko at tumawa ng bahagya para gumaan ang pakiramdam niya.

Ngumiti rin naman siya ng bahagya at kinuha ang panyo ko sa kamay ko at pinunasan niya ang mga luha niya.

"Thanks Kuya." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya.

Napabuntong-hininga naman ako kaya napatingin siya sakin. Kahit kelan talaga, hindi niya ginagawa yun.

"Diba sabi ko drop the 'Kuya' term. Toll na lang." Sabi ko with a sign of sarcastic frustation.

"Sorry Ku- Toll." Sabi niya habang nginitian ulit ako.

Lumuhod ako sa haraan niya at hinawakan ko ang kamay niya. Bakas naman sa mukha niya ang gulat at confusion kaya medyo naapektuhan ako dun. Pero andito na eh. Uurong pa ba ako?

"Medyo matagak naman na tayong magkakilala Angela. And meron na rin tayong background sa isa't-isa. And because of that... I want to tell you something Angela." Sabi ko habang nanginginig na ang mga paa at kamay ko.

"Ano yun Toll?" Sabi niya na halatang clueless sa sasabihin ko.

"Hindi naman siya statement... more on favor. Kung pwede." Sabi ko while biting my lip.

"Spill Toll." Sabi niya na parang natatawa.

Before I say anything, I let out a deep sigh and umiwas ng tingin sa kanya. After few seconds ay binalik ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ko siya mata sa mata.

''Ahhh, Angela pwede ka ba mamayang gabi. Iimbitahan sana kita mamaya na makipag dinner date sa akin pwede ba?''sabi ko kay Angela.

Napansin ko na parang nag-iisip si Angela habang nakatingin sakin kaya medyo kinabahan ako.

What if she turn down my offer? What if she says no? Anong gagawin ko? Huwag naman sana.

''Ah oo naman pwede ako mamaya anong oras?''sabi ni Angela sa akin.

Nanlaki ang mata ko at talagang nagulat ako. Kaya naman hindi ko napigilan na yakapin siya at nagulat din ako sa ginawa ko.

Napabitaw ako sa kanya at nakita ko na nagukat din siya pero namumula siya. Ako rin ramdan ko na mapula na ang mukha ko dahil sa ginawa ko.

Pagkabitaw ko ay parang nagkaroon ng awkwardness kaya nagsimula na akong magsalita.

''Ah, 6:00 pm, mamaya sunduin kita mamaya sa bahay ninyo.'' pagmamadaling sabi ko.

''Ah, ok byebye.''sabi ni Angela na nagpapaalam.

''Sige salamat ha sa pagtanggap nang imbitasyon ko.''pasasalamat kong sabi ko kay Angela.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

MAGING SUCCESSFUL KAYA ANG DATE NILA TOLL AT ANGELA.ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER NG THE HIGHSCHOOL STORY

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin