Chapter 72

32 3 1
                                    

(Mirei's POV)

Nandito na ako sa living room at hinihintay ko na lang si Greg. Bakit ang tagal niya? 3pm na ah. Hindi ko rin maintindihan yun ah.

"Maam? Nandito na po si sir Greg."-Manang.

Pagtingin ko kay manang ay nakita ko si Greg na katabi na niya. Grabe ang gwapo niya sa checkered polo niya, naka-short pa siya tapos naka-sapatos. Grabe, ang gwapo niya talaga.

"Hoy lovey dabs!!! Hoy!!!"-Greg.

Bigla akong natauhan sa sigaw ni Greg. Natulala ako dun ah.

"Ha!!! Bakit lovey dabs!!!"-Me.

Shet anong nasabi ko? What the heck! Lupa please, eat me now.

Tiningnan ko si Greg tapos bigla siyang ngumiti pero parang paloko ang smile niya.

"Oh, bakit ka tumatawa?"-Me.

Ngumiti pa ng ngumiti si Greg tapos bigla siyang tumingin sakin.

"Anong sabi mo? Lovey dabs?"-Greg.

Bakit pa niya sinabi yun. Tuloy nakatingin samin si manang. At mukhang kinikilig pa siya ha.

"Huy manang! Wag ka ngang kiligin diyan. Grabe siya. Tara na nga Greg, sige na manang, aalis na po kami."-Me.

Hinila ko si Greg palabas ng bahay at tumigil kami sa labas ng gate. Hinawakan ko ang pisngi ko at na-feel ko na nag-iinit siya.

"Lovey dabs. Okay ka lang? Bakit ka nakatalikod?"-Greg.

Binitawan ko ang pagkakahawak sa pisngi ko, at tumingin ako kay Greg. Hindi ko naman na nararamdaman na nag-iinit pisngi ko so feeling ko hindi na siya namumula.

"Bakit ka namumula lovey dabs? Yiee, kinikilig siya."-Greg.

Hinampas ko siya nung shoulder bag ko.

Tumawa siya ng sobrang lakas na as in parang hindi na siya makahinga. Kainis rin to eh no?

"Tara na nga. Gutom na ako."-Me.

Tumigil siya sa pagtawa at binuksan niya pinto ng kotse niya. Pumasok ako dun tapos pumasok siya sa driver's seat. What the...

"Ikaw magda-drive? Day ngayon Greg. Baka makabangga ka."-Me.

Pinaandar niya yung car niya na parang wala lang yung sinabi ko. Is he crazy? Parang wala siya sa sarili niya. Kanina lang, tumatawa-tawa siya. Ngayon, para siyang pinagsakluban ng langit dahil sa itsura niya. He is creepy when he's serious.

"Greg?!?"-Mirei.

"Don't worry lovey dabs. I got this. Tulog ka na lang muna, medyo malayo yung pupuntahan natin eh."-Greg.

Hinawakan ni Greg ang kamay ko kaya medyo nag-calm ang isip ko. Medyo inaantok pa naman ako kasi tinapos ko na yung mga papers na pinapatapos ni Dad. Pinikit ko ang mata ko at nakatulog.

-_-

Nung minulat ko ang mga mata ko ay nasa highway kami. Walang masyadong sasakyan kaya ang bilis magpatakbo ni Greg ng car. Medyo natakot ako kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Greg, you're too fast! Slow down a bit. Mamaya, baka maaksidente pa tayo niyan eh."-Me.

Tumingin sakin si Greg ng dahan-dahan at ngumiti siya sakin. Tapos bigla na lang may nag-busina na sasakyan at nung tumingin ako ay nakita ko ang truck na mabubungguan na namin. Tumingin ako kay Greg at ngumiti siya.

"I love you Mirei."-Greg.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ko ang ulo ko.

-_-

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now