Chapter 34

62 2 0
                                    

(Kira's POV)

Nasa kwarto ako at nag-iisa kasi sila mama at papa ay umalis papuntang Baguio City para may asikasuhin na trabaho doon sa isang branch. Kaya't ang kasama ko lang sa house ay si manang kaya't kumakain kami ngayon nang popcorn habang nanonood nang Horror Movie.

Biglang may sumagi sa isip ko. Naalala ko tuloy nung sinabi sa'kin nila Mama at Papa na adopted child lang daw ako. May nag-iwan daw sa'kin sa labas ng pinto ng bahay nila kaya kinupkop na lang din nila ako at tinuring bilang isang anak.

Hindi ko lubusan maisip na meron mga magulang na pinipiling iwan o ipaampon na lang ang mga anak nila. Oo, meron silang mga rason tulad ng kakulangan sa pero at sa pantustos ng mga kakailanganin, pero hindi namahn ibig sabihin nun na ipapamigay na lang nila ang mga anak nila kung hindi nila kaya itong buhayin.

Dahil sa matagal ko ng itinatago itong pakiramdam na 'to ay napasalita na lang ako kay manang.

''Ah manang. Sabi po ni Mama dati, ay adopted child lang po ako. Totoo po ba yun?'' Inosenteng tanong ko kay manang.

Aware ako na adopted child ako at ever since naman, hindi ako naging pabigat sa kanila. Siguro mabuti na nga yun.

''Ay! Alam mo na po pala maam. Kasi po baka po ako galitan ni madam eh...'' Sabi ni manang habang lumayo ng bahagya sa'kin sa sofa.

''Ayos lang yun manang. So, ano po. Totoo po bang adopted child ako? Kung adopted child po ako.'' Sabi ko at tiningnan ko ng may kuryusidad si manang.

Tanggap ko naman eh. Tanggap ko na ampon lang ako at hindi ako tunay na Bermundo. Pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit ipamimigay na lang ako ng tunay ko'ng magulang sa hindi nila kakilala. Matatanggap ko pa kung sa tiyahin ko o sa lola ako pinaalaga. Pero ang mga tao na kahit isang ebidensya o koneksyon sa tunay ko'ng magulang, wala.

''Ah, kasi po maam. Sabi po noong isang katulong dito dati, eh hindi raw po nagkakaanak ang sila Madam dahil may karamdaman daw si Madam at hindi na pwedeng magkaanak at kung siswertehin man, mahihirapan at baka manganib si Madam. Kaya hindi na lang nila pinilit." Seryosong sabi ni manang.

Medyo tumahimik ng bahagya sa paligid namin kaya napaisip ako.

"Nasabi po ba nung dati rito na katulong kung sino ang mga magulang ko?" Sabi ko kay manang na may pag-asa sa mukha.

Umiling si manang dahilan ng paghugot ko ng malalim na hininga.

Kung magtatangka ako'ng hanapin ang tunay ko'ng magulang, baka mahirapan lang ako dahil walang ebidensya, walang koneksyon, wala kahit anong pwede na simulan.

At bakit ko pa hahanapin ang taong ayaw naman sa'kin? Parang pinapahirapan ko lang ang sarili ko kung ipagpipilitan ko kala Mommy na hanapin ang tunay na magulang ko, at baka hindi rin sila pumayag sa gusto ko.

At kung mahanap ko man sila, tanggap ba nila ako? Siguro makuntento na lang talaga ako sa kung ano ang meron ko ngayon, dahil kung nakasulat sa mga bituin o tadhana na magkukrus ang landas namin, ay hahayaan ko na lang sila ang magtuloy sa plano ko.

Pero syempre, hindi ko rin naman maiiwasan na makaramdam ng kakulangan sa pagkatao ko lalo na sa pangungulila sa mga tunay ko'ng magulang.

Pero ayos lang.

Hindi naman sa ayaw ko na hanapin ang tunay ko'ng magulang, pero siguro may paniniwala ako'ng some things are better if it's left untouch. At huwag ng gambalain ang hindi dapat ginagambala.

Pagkatapos ko'ng maisip ang mga iyon ay napabuntong-hininga na lang ako at kumuha ng popcorn sa bowl na hawak ni manang at nilagay sa bibig ko. Tumingin ako kay manang at niyakap ko rin siya.

"Thank you manang for sharing kung ano ang nalalaman mo sa pagkatao ko." Sabi ko habang yakap-yakap ko siya.

Bahagya niyang tinapik ang braso ko na nakasabit sa leeg niya at narinig ko siya na tumawa.

"Walang anuman hija. Basta kung kailangan mo ng makakausap at mahihingian ng payo, andito lang ako." Sabi ni manang habang patuloy na tinatapik ang braso ko.

Tumawa naman ako at nilagay ang tingin sa telebisyon.

"Kumusta na kayo ni JC?" Sabi ni manang.

Nanlaki ang mata ko at agad na uminit ang pisngi ko nung sinabi yun ni manang. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang hinahabol ng isang dosenang kabayo. Naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko dahilan kaya napbitaw ako sa pagkakakapit kay manang at ako naman ang bahagyang umatras.

"Paano mo nalaman manang?" Tanong ko sa kanya at nakita ko naman siya na bahagyang tumawa.

Kwinento sa'kin ni manang kung paano nalaman ni manang ang tungkol sa'min ni JC at pagkatapos noon ay nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay biglang tumunog ang telepono namin kaya dinalo ko ang telepono na katabi lang ng sofa na kinalalagyan namin.

''Hello sir, welcome to jollibee.'' Tawa kami ng tawa ni manang habang nagkakain kami nang popcorn. Pero parang nagseryoso yung kausap ko,

''Hello po? Bermundo's residence?'' Doctor? Pero bakit doctor ang kausap ko. Ano ba ang nangyayari?

''Yes po this is the one. Bakit po?'' Medyo nawalan ako doon nang tuwa ah.

Pagkasabi ko noong mga salitang yoon. Bigla na lang may nabasag na litrato sa harapan namin ni manang at papunta naman si manang doon sa larawang nabasag para tingnan kung anong larawan yung nabasag. Bigla na lang nagulat si manang pagkakita nang larawan.

''Diyos ko panginoon. Huwag naman po sana. Parang awa niyo na.'' OMG, parang kinabahan na ako doon ah.

''Bakit po manang? Ano po yang picture na yan?'' Biglang tumayo si manang at hinarap yung picture sakin.

Bigla na lang tumulo yung luha ko sa aking mukha nang makita ko ang picture nila mama at papa na may crack. Agad namang nagsalita yung doctor.

''Kayo po ba ang anak nila Mr and Mrs Bermundo? Pumunta po kayo sa Leon D. Hernandez Hospital. Naaksidente po sila sa kahabaan nang Maharlika Highway.'' Bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko at tumulo na nang tumulo ang luha ko.

''Manang. Tara po sa Hospital. Naaksidente po sila mommy at daddy.'' Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Kaya't pumunta na kami sa Hospital.

Pagkapunta na pagkapunta ko sa Hospital ay agad kong tinawagan si Toll.

''Toll (umiiyak). Pumunta ka ngayon sa Hernandez Hospital please. I need you.'' Kailangan ko lang talaga ngayon si Toll.

''Okay papunta na ako. Hintayin mo ako.'' Sabi naman ni Toll sa'kin

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

OH AYAN NA YUNG HINIHINTAY NIYONG CHAPTER. AS I SAID, ADDITIONAL LANG YAN NA NANGYARI NOONG NALAMAN NI KIRA NA NAAKSIDENTE ANG KANYANG MOM AT DAD.

~END OF CHAPTER 34~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now