Chapter 33

64 2 0
                                    

(Toll's POV)

''Welcome bro.''

Bati nung dalawa sa'kin.

Nang binuksan ni manang ang switch nang ilaw. Nakita ko na ang mga mukha nila. Talaga naman palang mga mukhang multo tong mga to eh.

''Greg, Fred. Anong ginagawa nyo dito? Akala ko, next week pa kayo mapunta sa bahay?'' Tanong ko sa kanila habang kinakalma ang sarili.

Hindi ko naman maikakaila na sa lahi namin ay lahat talaga, may itsura. Si Gregory ay medyo mahaba ang buhok dahil sa bangs na taglay niya. Medyo maputi siya dahil na rin sa kanyang tatay na taga-ibang bansa. Lean pero makikita mo na meron konting laki ang katawan.

Si Fred naman ay may hairstyle na barbers cut kaya medyo malinis siya kung titingnan at madali mo siyang maipagkaiba kay Gregory. Kayumanggi siya pero namana naman niya sa kanyang ama na taga-Australia ang kanyang mga mata na iba ang kulay. Lean din siya, hindi mataba, pero hindi rin naman mapayat. Sakto lang.

''Eh ito kasing si Fred eh, gusto na daw makilala yung kambal na kaibigan mo.'' Ito talagang mga to oh.

Nilipat ko ang tingin ko kay Fred at nakita ko siya na nakangiti lang sa'kin at siniko si Gregory na ngayon ay hinihilot ang kanyang tagiliran.

Nagtaka ako sa sinabi ni Gregory. Kambal?

"Kambal?" Tanong ko habang iniisip kung sila Mirei at Kirei ba o sila Eya at Ia?

"Iyong sinasabi mo na masungit tapos ano ba pangalan niya? M... Mi-"

Biglang lumiwanag ang utak ko dahil kilala ko na kung sino.

"Sila Mirei at Kirei?" Tanong ko sa kanila.

Pareho naman ngumiti ang dalawang baliw kaya roon ko nakumpirma na may gusto nga ang dalawa sa mga kaibigan ko.

"Mga loko! Hindi nagpapaligaw yun!" Sabi ko sa kanila at dahan-dahan lumapit.

"Baka lang naman." Sabi ni Fred habang umaalis sa puwesto nila sa likuran ng sofa.

Tumawa na lang ako sa sagot ni Fred at ganoon din si Gregory. Tumaas muna ako sa kwarto ko para magbihis at pagkababa ko ay nakita ko sila na nakaupo sa sofa. Tinawag ko sila at niyaya na sa kusina.

Naghanda naman sila manang ng nga pagkain sa hapag at umupo kami.

Napag-usapan namin ang buhay nila sa ibang bansa. Sinabi nila na boring dahil lahat daw ng tao roon, may gusto sa kanila, ultimo mga lalaki pa.

Kwinento rin nila ang tungkol sa mga sarili nila. Sa Paris nag-aaral si Gregory samantalang si Fred naman ay sa Sydney.

Nasabi rin nila Gregory at Fred kung gaano kaboring ang buhay nila sa ibang bansa dahilan na rin sa sikat ang pamilya nila at may inaalagaan na pangalan, kaya hindi sila makapagliwaliw. At dahil na rin sa kilala ang pamilya nila, ang mata ng publiko ay nasa kanila lahat. Kaya limitado lang ang galaw nila roon.

Wala pa silang masyadong alam sa Filipinas kaya't sabi ni mommy kanina ay sasamahan ko daw sila at mamasyal kami bukas, tutal naman ay biyernes bukas tapos kinabukasan ay sabado kaya't pwedeng magpapuyat.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa sala para kuhain na namin ang mga dala nila Greg at Fred para maiakyat na sa taas.

''Grabe naman kayo mga bro. Eh, saan kayo tutulog, eh hindi ko pa naaayos yung kwarto niyo.'' Tanong ko sa kanila habang pumapanhik kami sa itaas ng bahay namin.

''Ah bro, would you mind that we can sleep on your bed. Para tabey-tabey tayo.'' Sabi ni Gregory na hanggang ngayon ay pilipit pa rin ang dila.

Hahaha. TABEY-TABEY pala ha Gregory.

"Tabi-tabi! Not tabey-tabey." Sabi ko naman sa kanya na hindi na rin mapigilan ang ngiti dahil sa inasal ni Gregory.

''Yeah, so you can share your bed to us. Para din tayong magkakapatid-patid.'' Sabi naman ni Fred sa'kin habang tinatapik ang balikat ko ng may seryosong mukha.

Hahaha. Ang sakit na nang tiyan ko kakatawa. MAGKAKAPATID-PATID ano yun mapapatid? Naku naman si bro Fred oh. Ha, mga sinuswerte yata to'ng mga to ah.

Dinilaan ko sila pareho dahilan sa pagkakakunot ng noo nila.

''Ano kayo? Doon kayo matutulog sa kwarto niyo. Inayos na yata yun ni manang. Manang!!!'' Tinawag ko si manang at tatanungin ko kung ayos na yung kama nilang dalawa.

''Ano po yun sir?'' sabi ni manang sa'kin habang papaakyat sa'min sa taas.

''Ah manang, ayos na po ba yung room nila Gregory at Fred?'' Tanong ko kay manang kasi ayaw kong patulugin tong dalawang to sa kwarto ko. Ang lakas kayang humilik nang mga to.

''Ah yes sir, tapos na po. Pinaayos po ni Madam kanina.'' Sabi ni manang habang inaayos ang kanyang apron na may mantsa ng kung ano.

Alam din ni mommy na dadating sila dito ngayon sa Filipinas! Bakit di nila pinaalam sakin? Pero buti na lang at inayos na ni manang yung room nila kaya I'm save.

''Oh, ayos na pala. Gregory, Fred tayo na sa kwarto ninyo." Sabi ko habang sinasamahan ko sila sa magiging kwarto nila.

Pagkalapit namin sa pinto ng magiging kwarto nila ay dahan-dahan ko pinihit ang door knob at binuksan.

Isang malaking kwarto to na may isang malaking divider sa gitna para mahati sa dalawa ang kwarto. Usually dati itong guest room pero dahil nagpagawa na si Mommy sa may labasan ay ginawa na lang itong vacant room. Airconditioned ang kwarto at meron terrace sa may dulo na tanaw ang village kung saan kami nakaposisyon. Equipped din ang kwarto na 'to ng malaking tv at kung anu-anong mga libro.

''Oh! Bakit para kayong nakakita nang multo?'' Tanong ko sa kanila dahil silang dalawa ay nakasaluksok na sa'kin.

Nagulat na lang ako sa facial expression nila... Ahh, alam ko na. Kasi, takot sila sa GHOST.

''Ah bro, where? Where is the room that we can sleep.'' Sabi ni Gregory sa'kin habang nakalapat sa balikat ko ang kamay niya na ngayon ay sobrang nanginginig.

Iminuwestra ko ang dalawang kamay ko sa buong kwarto at naglakad papasok ng kwarto. Pagkatapos ay humarap ako sa kanila.

"Ito ang magiging kwarto niyo. Ayaw niyo ba?" Sabi ko sa kanila.

Hindi ko alam kung dahil nag-eenjoy lang ako sa dalawang ito o maaawa dahil sa itsura niya. Si Gregory panay ang tingin sa kwarto na magiging tulugan nila habang si Fred naman ay nakatayo at nagmamasid lang at kung titingnan mo ay kalmado lang pero iba ang sinasabi ng paa niya na nanginginig na.

Kaya rin dito pinatulog ni Tita itong dalawang pinsang macrat na'to kasi, paboritong-paborito ni Mommy sila Gregory at Fred kaya close na close itong magtiyahin na'to.

Pagkatapos kung maihatid silang dalawa ay bumagsak na ako sa kama ko. Inisip ko rin kung ano na ang nangyayari sa Trouble Trio at kung makapasok kaya ako sa POPUsolo. Sana... Biglang tumunog yung cellphone ko. Kira? Bakit napatawag si Kira ngayong midnight.

''Hello Kira, may problema ba...''

''Toll.(umiiyak), punta ka sa Hernandez Hospital ngayon. Kailangan kita ngayon please.'' Sabi ni Kira na humahagulgol sa kabilang linya.

Bakit kaya. Papunta na ako Kira hintayin mo ko.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

MGA SCAREDY CAT YUNG MGA PINSAN KO JEJEJE. TATAKUTIN KO NGA BUKAS. TEKA, ANO KAYA ANG REASON NI KIRA? BAKIT KAYA PINAPAPUNTA AKO NI KIRA SA HOSPITAL. SINO KAYA ANG NANDOON?

~END OF CHAPTER 33~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now