Chapter 78

32 1 0
                                    

(JC'S POV)

Hinahanda na namin nila Greg at Fred ang mga gagamiting namin para sa pag-surprise ko kay Kira. Andito kami ngayon sa tapat ng bahay nila at inaayos na namin ngayon ang mga kakailanlanganin namin para mamaya.

"Bro, sigurado ka ba dito?"-Greg.

Tumingin ako kay Gregory ngumiti ako sa kanya.

"Oo naman. Pwede ba'ng hindi ako sigurado pero hinahanda ko?"-Me.

"May point ka... ay hindi! Hindi yun. Ito! Sigurado ka ba na ito ang magugustuhan ni Kira?"-Greg.

Napaisip-isip ako dun sa mga sinabi ni Greg.

"Tama si Gregory, JC. Kapag ginawa natin to pero hindi naman niya ito gusto, useless din yan."-Fred.

May point si Fred at ang mokong. Pero ito nga ba ang gusto niya? Grabe! Bakit ko iniisip yan.

"Basta ayusin niyo lang ang pagkanta. Kaya niyo yan."-Toll.

Lumingon kami sa may likiran namin at nakita namin si Toll at Angela na naka-upo sa may bench at pinapanuod kami.

"Oo nga guys. Kaya niyo yan. For sure magugustuhan yan ni Kira."-Angela.

"Sana nga."-Me.

"O' , 'insan!"-Gregory.

Tinapon ni Gregory ang gitara kay Toll at lumapit naman siya dito.

"Aray!"-Gregory

Lumingon ako kay Gregory at nakita ko na naghihilot na siya ng ulo niya.

"Bakit mo yun ginawa 'insan? Ang sakit kaya."-Gregory.

"Ang ingay mo kasi. Tsaka huwag ka ngang OA. Hindi naman malakas yung pagkaka-pukpok ko sa ulo mo."-Toll.

"Brutal mo talaga."-Gregory.

Umiling na lang kami at inayos na namin ang mga gamit namin.

Nang makaayos na kami ay agad pumasok si Angela sa bahay nila Kira at hinintay namin siya sa labas.

(Kira's POV)

Nagbabasa ako ngayon ng libro sa room ko dahil gusto ko mawala ang mga sinabi sakin ni JC kanina sa resto. Naiintindihan ko naman siya na pagod siya at mas mahal niya ang club niya. Pero sumbatan ako ng ganun? Kahit na hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ko? That's a different story.

Bbblllllaaaggggg...

Halos mahulog ako sa kama ko ng marinig ko ang malakas na pagbarag ng pinto ng room ko.

"Angela? Ano'ng ginagawa mo dito?"-Me.

Hindi siya sumagot at instead, hinila na niya lang ako sa may bintana at nang buksan niya yun, ay hindi aki makapaniwala sa mga nakita ko.

Si JC...? Nasa labas? Ng bahay ko?

"Kira, para sa'yo to."-JC.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay ini-strum na nila Toll yung string ng guitar na hawak nila at saka kumanta naman si JC. Hindi ko pa naririnig kumanta si JC kaya talagang nagulat ako. Nakita ko rin sila Gregory at Fred na pangiti-ngiti pa sa'kin kaya napatawa na lang ako. Tumingin naman ako kay Toll at nakangiti rin siya.

After nilang kumanta ay bumaba na kami ni Angela sa bahay at pumunta kami sa may pinto. Lumapit si JC sa'kin at lumapit naman din sila Greg, Toll at Fred.

"I'm sorry."-Me and JC.

Sabay naming nasabi ni JC at nagka-tinginan pa kami sabay ngumiti. Tumingin naman ako kila Toll at Fred na naka-ngiti at kay Angela na kinukurot na ako baka siguro sa sobrang kilig.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now