Chapter 1

1K 13 0
                                    

(Third Person's POV)

Pasukan na at kinakabahan si Kira sa pagpasok sa kanyang bagong eskwelahan at kung sino ang kanyang magiging mga bagong kaibigan.

"Oh my gosh, bakit kinakabahan pa rin ako. Dapat wala lang to sakin eh."sabi ni Kira habang kinakabahan ang boses.

Pumunta si Kira sa may bulletin board at tiningnan ang mga student's list per block.

Nang hinahanap na ni Kira ang kanyang classroom, bigla na lang siyang nagulat nang makita niya ang kambal na sila Ia at Eya Cruz na papunta sa direksyon niya.

"Girls, musta na kayo, Long time No see" tumatawa pang sabi ni Kira.

"Ikaw din Kira or I'll say Kimaw, kumusta ka na, may boyfriend ka na ba?" biglang sabi ng dalawang kambal.

"Ah, eh, wala pa eh, pero, parang..." biglang salita ni Kira habang nagblu-blush na pabasag-basag ang tinig.

Biglang tumigil sa pagsasalita si Kira nang narinig nila ang boses ni Mr. Disciplinarian.

"Bilisan niyo nang pumasok sa inyong classroom, para na rin makapagsimula na kayo sa inyong klase."matapang na salita ni Mr. Disciplinarian.

Bilis-bilis hinanap nila Kira, Ia at Eya ang kanilang mga pangalan sa bawat classroom nang biglang...

"ARRRAYYYY!!!" Sigaw ni Kira dahil may nakabungguan siya.

Nalaglag ang mga gamit niya pero tinulungan siya nitong pulutin. Binigay niya kay Kira ang mga gamit na nahulog at ngumiti sa kanya.

"Mauna na ako. Sorry nga pala ulit." Huling sabi nung lalake.

Lumapit sila Eya at Ia kay Kira at agad nila itong ibinalik sa realidad.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa kanya? Crush mo no?" Paniniguradong sabi ni Ia.

"Siguro nga. Crush ko na siya. Sino ba yun?" Sabi ni Kira na hanggang ngayon ay nakatingin parin dun sa lalake habang papalayo.

"Paano mo naman naging crush eh, naka-shades siya, naka-cap tsaka naka-hood. Paano ka naman nakakasigurado na mahal mo na yung tao?" Dudang tanong ni Eya.

Tiningnan ni Kira ang dalawa. Seryoso ang mukha niya at mukhang seryoso din ang sasabihin niya. Nag-buntong-hininga siya.

"Alam niyo guys, kapag in-love kayo, wala ng rason para isipin. Basta tinamaan ka dun sa taong yun. Wala ka ng magagawa. Yun na yun eh." Pangangaral na sabi ni Kira.

Tumango-tango na lang sila Eya at Ia at tsaka tiningnan si Kira.

"Opo Ms. Love Guru." Sabi ni Ia na parang sarcastic.

Ngumiti naman si Kira at hinila sila Eya at Ia para hanapin ang classroom nila.

"Ah Kira? Sasali ka ba sa POPUgroup? Magi-start na ang audition mamaya after uwian? Ano?" Tanong ni Eya na parang hinihintay ang sagot ni Kira.

Nag-kibit balikat na lang si Kira na ibig sabihin ay hindi niya alam.

"Manunuod kami ni Eya mamaya. Sama ka?" Masayang sabi ni Ia.

Tumingin si Kira sa may daanan na parang nag-iisip. Pagkatapos ay ngumiti siya at tumingin sa kanilang dalawa.

"Sige sasama ako, pero sa isang kondisyon." Sagot ni Kira.

"Ano yun?" Sabay na sa sagot nung dalawa.

"Kailangan tulungan niyo ko'ng makilala si Mr. Hood kanina okay?" Sabi ni Kira.

Literal na napanganga sila Ia at Eya at parang hindi makapag-salita.

"Seryoso ka talaga sa kanya Kira? Why all of a sudden?" Sabi ni Ia.

Humawak si Kira sa may dibdib niya at niramdam niya ang tibok ng puso niya.

"Kasi pagkakita ko pa lang sa kanya, tumibok na ang puso ko sa hindi malamang dahilan." Sambit ni Kira.

Kumunot ang noo nila Ia at Eya na nagsasabing hindi naiintindihan ang pinagsasabi ni Kira.

Napa-buntong-hininga si Kira at pumikit na parang nag-iisip. Pagkamulat niya ay tumingin siya kala Eya at Ia.

"Sabi kasi nung lola ko. Kapag first time mo'ng na-encounter ang isang tao tapos biglang bumilis ang tibok ng puso mo. May possibilities na siya ang SOULMATE mo." Pagpapaliwanag ni Kira.

"Seryoso ba si lola mo diyan?" Paninigurado ni Eya.

"Oo naman. Seryoso kaya lagi sakin si lola. Never siyang nagsinungaling." Sagot ni Kira.

"Baka naman pinagti-tripan ka lang ni lola mo? Hindi mo lang alam." Sabi ni Ia na parang nagpipigil ng tawa.

Napatingin si Kira kay Ia at sinamaan nito ng tingin. Tumigil naman sa pag-ngisi si Ia at nanahimik.

"Halika na nga. Hanapin na natin yung classroom. Gagalitan tayo nito ni Mr. Disciplinarian eh." Pagpapa-alalang sabi ni Kira sa kambal.

Tumakbo na lang sila para mapabilis ang paghahanap pero maya-maya lang ay...

"AHHH! " Sigaw ni Kira.

Nalaglag na naman ang mga gamit niya pero pinulot niya din ito. Tinulungan namn siya nung nakabunggo niya.

"Heto oh. Sorry. Mag-iingat ka na lang sa susunod." Sabi nung lalake.

Umalis na yung lalake pagkabigay kay Kira nung gamit niya. Sinundan niya naman ng tingin yung lalake hanggang sa mawala yung lalake sa paningin niya.

"Type mo noh?" Sabi nila Eya kay Kira.

Umiling lang si Kira na parang nagkakaroon ng doubt.

"Iniisip ko lang kung nag-sorry siya dahil hindi niya sinasadya yung nangyari, o nag-sorry siya dahil napilitan lang siya?" Sagot ni Kira.

Nagkatinginan sila Eya at Ia. Mukhang naguguluhan din sila sa mga pinagsasabi ni Kira.

"Anong sabi mo Kira?" Tanong ulit ni Ia kay Kira.

"Wala. Halika na. 5 minutes na tayong late. Baka tayo galitan nung adviser natin." Pagbabago ng idea ni Kira.

Tumakbo na naman sila sa mga pinto ng bawat classroom at tinitingnan ang mga section. Maya-maya pa ay biglang...

"Jackpot, nahanap ko na pangalan natin." biglang sabi ni Kira na akala mo ay nanalo sa sweepstakes.

"Grabe ka naman, nakakagulat ka." sabi ni Eya.

"Tara na, pasok na tayo, baka saraduhan tayo nang adviser natin, sige na at baka mapagkamalan tayong janitor dito." panirang sabi ni Ia.

"Ikaw lang ang mapagkakamalan. Ha! Maganda kami ni Eya para mapagkamalang janitress. Haha." Sabi ni Kira.

Tinaas naman ni Ia ang kanang kilay niya at tumingin kay Kira.

"Bakit? Marami namang mga magagandang janitress diyan ah. Bakit ba lagi kang kontra sa mga banat ko ha?" Pagtatanong ni Ia.

"Wala lang. Nakakatawa ka kasi kapag napipikon ka. Haha." Tumatawa pang sabi ni Kira.

"Halika na nga! Upo na tayo sa loob at ang sakit na ng paa ko as in super-duper na." Pag-uusisa ni Ia.

Agad-agad na pumasok silang tatlo sa classroom nila at nasiyahan sila nang makita ang magkakatabi na sila Kirei,Toll,Mirei at Armiece.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

ABANGAN ANG SUNOD NA CHAPTER NA GAGAWIN GUYS HUWAG NIYONG IDELETE YUNG STORY KO HA AT PROMISE KO SA INYO PAPALAYUIN KO PA ITONG STORY KO PROMISE YUN

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now