Chapter 35

61 2 0
                                    

(Toll's POV)

Pumasok na ako sa kotse na nakaparada labas ng bahay namin at sumunod naman ang dalawang mokong. Pagkapasok ko ay agad ko'ng pinasok ang susi sa susian at pinaandar ang kotse na ngayon ay lumilikha na ng ingay.

Pumasok si Gregory sa may upuan katabi ko at pumasok naman si Fred sa likuran ng inuupuan namin ni Gregory.

Pagkapasok nila ay agad ko'ng pinaandar ang sasakyan at kasalukuyang tinatahak ang daan papunta sa hospital na sinabi ni Kira sa text kanina.

"Toll, where are we going?" Tanong ni Gregory habang inilalagay ang dalawang nakapulupot na braso sa ulunan ng inuupuan niya.

"May nangyari kala Tita, parents ni Kira. I hope kilala niyo siya?" Tanong ko pero hindi pa rin inaalis ang paningin sa dinadaanan ng sasakyan ko.

"Kira? Hey that name sounds familiar..." Sabi ni Fred habang huminto ng bahagya.

"The one that went to our house to check on me. And the playmate that you used to play with when I wasn't around." Sabi ko sa kanila habang pinipilipit ang manibela palabas ng village namin.

Biglang tumahimik sa buong sasakyan kaya hindi ko napigilang mapatingin sa rear view mirror ng sasakyan. Nakita ko sila na nakatingin sa labas at makikita mo na nag-iisip sila.

Nag-iisip din pala ang mga ito.

"Oh? I remember her. She was the one who hit me on my--" Hindi na natapos ni Gregory ang sasabihin niya dahil bigla siyang siningitan ni Fred.

"And you looked horrible back then." Sabi ni Fred habang pinipigilan ang tawa.

"Damn you Fred." Sabi ni Gregory at gumalaw ng bahagya.

Nagkuwentuhan pa sila ng kung anu-anong bagay kaya buti na lang hindi ako inantok. Medyo malayo kasi ang hospital na sinasabi ni Kira sa village namin kaya nababahala ako na baka makatulog ako. Pero dahil sa dalawang loko na 'to, nanatili ako'ng gising at nagmaneho.

"Hey, that's the hospital right?" Sabi ni Fred habang tinuturo ang hospital sign ng isang kilalang hospital sa Maynila.

Agad ko'ng pinihit ang manibela sa parking lot ng hospital at tumingin ng pwedeng mapag-parkingan.

Nang makahanap kami ay agad ko'ng pinuntahan ang bakanteng parking lot at tinigil doon ang sasakyan.

"Tara na?" Sabi ko sa kanila habang pinapatay ang engine ng sasakyan.

Bumaba na ako ng sasakyan at pagkatapos ah sinarado ko ang pinto sabay nilock ito. Tinakbo ko ang distansya ng hospital hanggang sa nakarating ako sa information desk ng hospital.

Lumapit ako roon at tinanong ang nurse na may inaayos sa lamesa niya.

"Excuse me po? Pwede po magtanong?" Tanong ko habang nakalapat ang braso sa may desk at tinitingnan ang nurse na incharge sa information desk.

Tiningnan ako nung nurse at bigla niyang tinigil ang ginagawa niya.

"Of course naman sir. Uhm, ano ba ang itatanong mo?" Tanong nung nurse pero halata naman na iba ang tono ng pananalita niya.

"Pwede po ba'ng malaman kung nasaan ang room nila Mr. and Mrs. Bermundo?" Tanong ko ulit sa kanya pero nakatingin na siya sa'kin ngayon.

Tinitigan muna ako nung nurse tsaka siya nagbuntong-hininga. Hinawi ko naman ang buhok ko dahil humaharang na ito sa mata ko at makiliti sa may taas na parte ng mata ko.

"Ahhm, sir. Nasa room 21 po. Gusto niyo po samahan ko na po kayo?" Yaya sa'kin nung nurse.

Palabas na sana siya at papayag na sana ako ng bigla ko'ng nakita yung hagdan na may nakalagay na label na '21-30'. Binalik ko ang tingin ko roon sa nurse at pinigilan siya.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Onde histórias criam vida. Descubra agora