Chapter 31

73 2 0
                                    

(Toll's POV)

(Time Skip)

Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa result ng audition ko kahapon. Matanggap kaya ako? Maging miyembro kaya ako ng POPUsolo? Bahala na.

"Toll."

Napalingon ako dun sa nagsalita at pagkakita ko kung sino yun ay si JC pala. Sinarado ko naman ang librong binabasa ko at tinanggal ang isang earphone na nakalagay sa kaliwang tainga ko.

Lumapit siya sakin at umambang mahigh five. Ginawa ko naman at nginitian niya ako.

"Galing mo kahapon ah. You really slay some music spirit out there." Sabi ni JC habang umuupo sa lamesa ng armchair na nasa tapat ko.

"Nadala kasi ako nung mga tao eh. Kaya nagwala na rin ako dun sa stage kahapon." Sabi ko naman sa kanya habang inaayos ko ang buhok ko.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kung anu-anong bagay at maya-maya lang ay dumating na sila Kira, at Armiece.

Nilagay nila ang bag nila sa mga upuan nila at lumapit sakin agad.

''Toll!!! May sulat ka o, para sayo daw.'' Medyo nacurious ako dun sa hawak-hawak na sobre ni Kira.

Kinuha ko ang sobre at tiningnan ko muna ng mabuti. Pagkatapos ay tumingin ako kay Kira, confused.

"Kanino galing?" Tanong ko kay Kira habang inaayos niya ang buhok niyang nakalugay.

"Pina-received yan ni Tita kay Mommy. Siya ang kumuha niyan at may pangalan mo kaya technically speaking, sayo yan." Sabi ni Kira in a matter-of-fact tone.

Tumango-tango ako sa sinabi niya at tiningnan ko ulit ang sobre.

''Akin na, patingin daw.'' Sabi naman ni Armiece.

Grabe naman si Armiece, hindi ko pa nga nababasa. Kinukuha na kaagad.

Pagkabigay sakin ni Kira, agad kong binuksan ang nasa loob nang sobre at nagulat ako nang padating ang mga pinsan ko na sila Gregory Chan at Fred Aurelio. Mga philam sila kaya, medyo kailangan nila nang guide.

Dear Toll,

Bro, papunta kami diyan sa place ninyo. Our parents said that we are going to study our remaining school years on your school. We are gonna be there in a few weeks. Tita Genie are working on our transferee papers. So, see you in a few weeks.

Sincerely Yours,

Gregory Chan and Fred Aurelio

P.S: Pakilala mo kami sa kambal

''Ano ang nakasulat? Basahin mo nga.'' Sabi ni Armiece.

Excited naman na masyado si Armiece kaya wala na akong nagawa. Binasa ko na para marinig nila, pero hindi naman yung as in malakas. Moderate lang.

Binasa ko sa kanila aloud yung letter ng mga pinsan ko at nakinig naman sila.

''Dito na sila mag-aaral?'' Sabi ko ng pabulong sa sarili ko.

''Ay hindi, hindi. Kababasa pa lang tapos magtatanong pa. Aba Matinde.'' Barang bara talaga itong si Armiece.

''Hindi naintindihan ko. Pero, ang yaman yaman nila. Pero, bakit sila dito mag-aaral?'' Napag-isip isip ko.

"What do you mean?" Tanong ni Armiece sakin habang umuupo sa upuan katabi ko.

"Gregory's parents, they are the most wealthiest clan in Paris. Sila rin ang nagmamay-ari ng largest and famous coffee shop sa parehong bansa. And Alfred, his parents own a famous resort in Australia back then, but now, it's a famous and luxurious 5-star hotel." Sabi ko sa kanila.

And I'm not lying.

"Who's gonna believe that?" Sabi ni Armiece na may bahid ng pagdududa sa kanyang mukha.

"Oh. So yun yung dalawang pinsan mo na sinasabi mo sakin na nasa ibang bansa at yung kausap ko one time nung hinanap kita sa bahay ninyo?" Tanong ni Kira habang nag-lean sa lamesa ko.

Tumango ako ng marahan at tiningnan ko ulit si Armiece. She is now looking at Kira with a half-opened mouth.

She looks funny.

Maya-maya ay dumating naman sila Kirei, Mirei, Eya at Ia para ibigay sakin din ang sobreng hawak nila.

''Toll!!,'' Sabay-sabay talaga ha.

''Bakit ano yun?'' Tanong ko naman sa kanila.

''May sulat ka. Galing kay Maam Hernandez. Pinabibigay daw ni Mr.Principal.'' Natatawa ako sa salita nila. Talagang sabay-sabay.

"Ang dami namang dumadating na sulat sa akin ngayon." Sabi ko na lang sa sarili ko.

Inabot nila ang sulat sakin at agad kong binuksan. Pagkabukas ko ay agad nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang nilalaman ng sulat.

"Ano? Para ka diyang engot? Anong laman?" Sabi ni Ia na halatang iritado na bakas sa kanyang tono.

''Guys tanggap ako sa POPUsolo.'' Sabi ko sa kanila casually at inabot ko ang sobre sa kanila.

Ano kaya ang magiging reaction nila. Siguro matutuwa sila sakin, kasi kasali na ako. I cocongratulate nila ako.

''BLOWOUT, BLOWOUT, BLOWOUT. '' Sabi nila sabay-sabay.

Napatingin naman ang lahat ng mga ka-classmate namin samin dahil sa hiyawan. Nagpalakpakan pa ang iba dahil sa narinig na nila at ang iba ay binati pa ako.

"Woah! Nice one Toll."

"You deserved it. Ang galing mo kaya kahapon."

"Oo nga. Welcome to the POPULARS ORGANIZATION!"

Tumingin ako sa kanila at nginitian ko lang sila habang kinakamot ko ang ulo ko.

"Tama ba ang narinig ko?"

Napabaling kaming lahat sa direksyon kung saan nagsalita si Louise. Pagkatingin namin sa kanya ay nakita namin ang ekspresyon niya na parang gulat na gulat.

"Oo Louise. Tama ang narinig mo. Kasama na si Toll sa POPUgroups. Aangal ka?" Sabi ni Ia sabay hinawi niya ang buhok niya.

Lumapit siya samin ng dahan-dahan at sinipat niya ng tingin si Ia. Lalapitan sana niya ito pero hinarangan siya ni Kira.

"Going somewhere?" Tanong ni Kira na may bahid na sarcasm sa tono niya.

"Pumasok lang ang kaibigan niyo sa populars, naging mayayabang na kayo? How pathetic." Sabi ni Louise.

"Ganito na kami noon pa Louise. Hindi ka ba nainform?" Sabi ni Mirei sabay crossed ng arms.

Tumingin siya kay Mirei at ambang lalapitan siya nito, pero humarang na kaagad si Ia.

"Try me on for size. Let's see who's going to be the best cat in this fight." Sabi ni Ia habang nakataas ang isang kilay nito.

"I loved to." Sabi ni Louise at sinugod si Ia at agad itong sinabunutan.

Agad namin pinigilan sila Louise at Ia sa away nila. Nilalayo namin si Ia pero hinigpitan pa niya lalo ang kapit sa buhok ni Louise dahilan kung bakit hindi namin siya matanggal-tanggal sa away nila.

"Araaaaay!" Sabi ni Louise habang nilalayo si Ia.

"Ginusto mo yan! Hindi pa ako tapos." Sabi ni Ia at inangat niya ang ulo ni Louise sabay tinulak ito palayo sa kanya.

Agad siyang inalalayan nung iba naming mga kaklase at  tinulungang tumayo.

"Serves you right. Hindi pa yan ang mangyayari sayo if you keep messing with me and with us. Tandaan mo yan." Sabi ni Ia sabay hinawi ang buhok at lumabas para magflag ceremony.

Ibang klase talaga si Ia. Nakakatakot.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

SINO KAYA ITONG SI GREGORY TAPOS SI FRED, AT ANO ANG IBIG SABIHIN NILANG 'IPAKILALA SA KAMBAL' .SINO KAYA YUN?

~END OF CHAPTER 31

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now