Chapter 66

26 2 0
                                    

(Ia's POV)

Hindi pa rin ako maka-move on kagabi. Paano naman kasi, si Cross, talagang parang binasa niya yung laman ng utak ko. Kasi alam na alam niya talaga yung gusto ko. Hay, ang swerte ko sa boyfriend ko.

Papasok na kami ni Eya ng classroom ng bigla ko nakita yung ka-gang member ni Cross. Nilapitan ko siya at nagulat ako sa mukha niya.

"Max? Bakit ganyan itsura mo? Parang tinatakbo mo na ang buong mundo. Nasan si Cross?"-Me.

Umiwas siya sa tingin ko at nagpatuloy ng lumakad. Aba, sira pala to eh. Kinuha ko yung kamay niya at pinaharap ko siya sa'kin. Tumingin siya sa'kin pero parang takot na takot siya.

"Wala po Miss Ia."-Max.

Tiningnan ko siya ng masama at yun pinagpapawisan na yung mukha niya. Nakakatakot ba talaga ako?

"Answer me. Or else, I will tell Cross na may hindi ka sinasabi sa'kin."-Me.

"Yun na nga po Miss Ia. Siya po yung nagsabi na wag na lang daw po sabihin sa inyo."-Max.

Siya?!? Naiinis na ako dun sa loko na yun ah. Nasan kaya yung siraulo na yun? Ang aga-aga oh. May pasok pa yun eh, lagot talaga yun sa'kin.

Tiningnan ko ng masama si Max at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Wala na akong ibang magawa para maisabi niya kung nasan si Cross. He leave me no choice.

"Where's Cross. Or else, I will kill both of you."-Me.

Grabe ang pawis niya. As in talaga ang dami. Naaawa na nga ako eh. Pero I need to know where Cross is.

"He's in the hospital Miss Ia. Binabantayan niya po yung ka-member namin. Bini"-Max.

Binitiwan ko na si Max sa pagkakahawak ko tapos tiningnan ko ulit siya ng masama. Malay ko ba kung nagsasabi siya ng totoo.

"Are you telling the truth?"-Me.

"Yes Miss Ia."-Max.

Nung paalis na siya ay may inabot siyang papel. Dito yata ang address nung hospital kung nasan si Cross. Pupuntahan ko na lang siya mamaya after ng class.

(TIME SKIP)

hay salamat tapos na rin ang class. Nakakapagtaka, bakit wala man lang ni-isang reply from Cross? Ano kaya problema nun?

"Hoy Ia. Pupuntahan mo ba si Cross?"-Toll.

"Oo Toll. Pupuntahan ko siya. Nasa hospital lang daw siya eh."-Me.

"Diba sabi nung kausap mo kanina. Kasama lang niya yung nasa hospital, hindi siya. Kaya bakit pupunta ka. Close ba kayo nung binabantayan niya sa hospital?"-Eya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti siya at parang umiwas ng tingin sa akin. Bigla na lang siyang tumawa pero patago lang.

Aba, chismosa to'ng babaeng to ha. Paano niya nalaman yung usapan namin ni Max? Pambihira.

"Paano mo nalaman ang conversation namin ni Max?"-Me.

Tiningnan niya si Toll tapos tumingin siya sa'kin. Seriously? Ang weird ni Eya ngayon ha.

"Ahhh... ano?!? Ah Toll, diba sasamahan mo ko sa mall ngayon. Mabili lang ako ng books tsaka earphones. Diba?"-Eya.

Tumingin ako kay Toll pero parang takang-taka siya. Naku Eya, next time na gagawa ka ng palusot, huwag yung masyadong obvious. Obvious eh.

"Ahh oo nga pala. Sige Ia, una na kami. Say hi to Cross for us."-Toll.

Buti sinakyan siya ni Toll. Hay naku. Makapunta na nga lang kay Cross. Nami-miss ko na siya eh.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu