Chapter 82 ~ Bonus Chapter

90 1 0
                                    

(Toll's POV)

Hay salamat. After 4 years sa junior high, ga-graduate na rin kami. Andito kami ngayon sa school kung saan ginaganap ang ceremony.

Rrrrriiiiinnnnnggggg...

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na nagca-calling si Kira.

"Hello bestfriend, bakit?"-Me.

"Punta ka rito sa may sa'min. Mapicture tayo nila Greg. Halika na."-Kira.

Natawa naman ako kasi, para siyang bata na gustong magpabili ng kung ano sa mama niya. Andito kasi ako sa unahan kasi ako ang top 1 sa'min buong batch at top 3 naman si JC. Top 2 naman si Mikoh.

"Okay, so let's now call our batch valedictorian. Mr. Toll Garcia!"-Emcee.

Nagpalakpakan naman ang mga tao at ang mga estudyante habang paakyat ako ng stage. Narinig ko naman ang sigaw ni Kira na nangingibabaw sa applause ng mga tao. Siraulo talaga. Haha.

Pumunta ako sa may podium at inayos ko ang mic.

"For the past 4 years of our junior highschool life, there are many times that we encounter some problems or sometimes, difficult situation. We cannot avoid them because that's part of our lives. Minsan, hindi na natin kaya, minsan susuko na lang tayo pero kapag ba sumuko tayo? Maaayos ba? Hindi! Kaya andyan ang mga kaibigan natin."-Me.

Tumigin ako kay JC, Gregory, Fred at Kira na humahagulgol na sa kakaiyak. Tumigil muna ako ng konti at ngumiti ako sa kanila.

"Sila ang tutulong sa'tin para malampasan natin ito. Hindi madali oo, pero magagawa naman nating lampasan. So, as your batch valedictorian, Toll Garcia, wishing all the fresh graduates of school year 2015-2016 in Academy of Greatest Knowledge. CONGRATULATIONS TO ALL OF YOU!!!"-Me.

Naghiyawan ang lahat kaya napangiti ako. Hinagis na rin nila ang mga nasa ulo nila at nagsimula na silang magkuha ng mga pictures kasama ang mga kaibigan nila. Ako naman, lumapit muna ako kala mama at papa

"We're so proud of you anak. Ang dami mo'ng achievements. Kung nandito pa sana si ate mo..."-Me.

Nginitian ko si mama at napatingin naman siya sa'kin.

"Don't worry po Ma. For sure po, masayang-masaya si Ate dahil sa natanggap ko'ng achievement at syempre, masaya din siya kasi, masaya po kayo."-Me.

Niyakap naman ako ni mama at hinawakan naman ang balikat ko ni Papa.

Mali ang hinala ko na si Kira ang kapatid ko. Totoong namatay siya dati kasi sa car accident. May magkakatugma lang na bagay sila Kira pero hindi naman pala sila iisa. Hay. Mamaya na nga lang yan.

Bumitaw ako kala Mama at Papa at nagpaalam muna sa kanila. Lumapit naman ako kala Kira na nakatayo habang tinitingnan si JC na maraming nagpapa-picture.

"Huy!"-Me.

Nagulat naman siya kaya napatawa na lang siya.

"Bestfriend! Grabe ka. I'm so very proud of you. Valedictorian ang bestfriend ko. Haha."-Kira.

Napansin ko na nasa likuran na ni Kira si JC pero parang hindi pa niya alam.

"Sa'kin? Di ka ba proud?"-JC.

Napatingin si Kira sa likuran niya at nakita niya si JC. Ang mokong naman, nagpacute at nagpout sa harap naming dalawa. Ang baliw ko'ng bestfriend naman ay nagpa-uto at niyakap niya si JC.

"Congratulations babe!"-Angela.

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Angela at Anne. Binigay ni Angela ang regalo sa'kin pati na rin ang regalo ni Anne.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now