Chapter 43

44 1 1
                                    

(Kira's POV)

Pagkaalis ko sa classroom namin nang tumatakbo at nang tago na ako sa kanila, ay binagalan ko ang bawat hakbang ko hanggang sa napatigil ako. Nang napahinto ako ay dun na bumuhos ang luha ko.

Grabe na to. Sobra naman si God. Please God. Huwag niyo na pong kunin si JC sakin. Parang-awa niyo na po.

Kinuyom ko ang kamay ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko kung sino dapat ang sisihin sa nangyari. Is it JC, dahil pinilit niya pa'ng labanan ang mga barumbado na yun, or is it me because I let him.

I tried to wiped some of my tears and slowly walked towards the infirmary with only blurred thoughts in my head.

May mga estudyante na tumitingin sa'kin at nagbubulungan pa paglalagpas na sa'kin, pero hinayaan ko na lang sila.

Basta ako, isa lang ang gusto ko, ang makita ulit si JC.

Pagdating ko sa infirmary ay kumatok muna ako ng tatlong beses sabay dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ay agad na tumambad sa'kin ang nurse na in charge sa infirmary ng Academy namin.

Nag-bow ako sa kanya at agad ko rin inangat ang ulo ko. Pag-angat ko ay nakita ko naman siya na nakangiti.

"What do you need?" Tanong nung nurse sa isang napakalambot na boses.

Tumikhim pa ako kaya medyo nag-iba ang timpla ng ekspresyon ng nurse.

"Are you okay Miss?" Tanong niya sa'kin habang bahagyang tinagilid ang ulo at sinipat ang mata ko na nakatago sa bangs ko.

Tumango-tango muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.

"Yes po Miss. Pasensya na po kayo kung ganito ako ngayon." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Pagkasabi ko noon ay bahagya ko'ng nilibot ang buong clinic at nakita ko na wala ng patient na nakahiga sa bawat beds ng clinic.

"Looking for someone?" Sabi nung nurse sabay narinig ko ang isang tunog ng ballpen na parang binubuksan.

Napalingon ako sa kanya at nakita ki na parang alam niya kung ano ang iniisip ko.

"Nasaan na po si John Carlos Dela Fuente? Yung patient po na dinala dito kanina?" Tanong ko dun sa nurse na ngayon ay may sinusulat sa isang pirasong papel.

"Siya ba? Dinala na siya sa hospital kani-kanina lang. Nakulangan kasi sa dugo dahil sa overflowing ng dugo niya kanina." Sabi nung nurse at agad na inabot sa'kin ang isang papel.

Tiningnan ko ito at pangalan ito ng isang hospital na malapit sa Academy namin.

Agad ko'ng ginumos ang papel at inilagay sa bulsa ko. Yumuko din ako ng bahagya sa nurse na nagbigay sa'kin ng lokasyon kung nasaan si JC at nagpasalamat din ako later on.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Agad ko'ng tinahak ang labasan ng Academy namin at pumara ako ng tricycle para mabilis na makapunta sa hospital na sinasabi nung nurse.

Habang nakasakay ako sa tricycle ay hindi ko maiwasang maisip ang mga lwedeng mangyari kay JC.

Agad ko'ng tinanggal ang mga iyon sa ulo ko at tumingin na lang ako sa dinadaanan ng tricycle.

Nang makarating na kami sa hospital ay agad ko'ng binayaran ang driver at tumakbo na papunta sa reception counter.

"Excuse me Miss? May I know kung ano po'ng room si John Carlos Dela Fuente?" Tanong ko dun sa nurse na ngayon ay nakikinig sa'kin.

Agad naman niyang binuksan ang parang journal na nasa may counter niya. Nang nahanap niya ay agad siyang tumingin sa'kin.

"Kaka-charge pa lang po niya dito. Nasa ER pa po siya and on-going pa po ang pag-aayos and pag-iidentify nang lagay ni sir. Might as well upo po muna kayo diyan sa mga bench and tatawagin ko na lang po kayo kapag may result na." Sabi nung nurse.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz