chapter 38

58 2 0
                                    

(Toll's POV)

Nandito kami ngayon sa clinic ng academy. Nakapalibot kami kay Kirei habang siya naman ay nakaupo lang at tinitingnan ang mga apparatus na nasa tabi ng hinihigaan niya.

Mabuti naman at nagising na si Kirei.  Kinabahan kami dun ah. Akala namin, napahamak na si Kirei. Pero ,mabuti naman at hindi siya napahamak.

''Ayos ka lang ba Kirei?'' Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako malapit sa kanya.

Tumango naman siya at tinignan niya ako sabay ngumiti.

''Ayos lang ako. Wala naman problema." Sabi niya at pinagmasdan kami lahat.

Natigilan ang paglibot ng mata niya sa amin lahat ng nakita niya ang dalawa ko'ng pinsan.

"Ahh, Kirei. Nalimutan ko'ng ipakilala sila sa'yo kasi wala ka naman kanina sa classroom." Sambit ko at inilahad ang kamay ko, "Siya si Gregory Chan, my cousin from France, and this is Alfred Aurelio, my cousin from Australia. Greg, Fred, this is my friend Maricar Cruz, but you can call her Kirei." Sabi ko sa may pagka-formal na tono.

Narinig ko na nagbulungan sila Eya kaya napatingin ako sa kanya. Nang nakita.ko na tinitingnan nila si Kirei ay napatingin din ako sa kanya.

Halos matawa ako sa itsura ni Kirei. Nakatulala lang siya at sobrang lapad ng ngiti.

"Kirei?" Sabi ko habang inaalog ko ng marahan ang balikat niya.

Narinig ko lang siya na nag 'hay' pero nakatingin pa rin kay Fred.

''Ah miss. Okay ka lang?'' Sabi ni Fred habang may accent pa rin ng Australian one.

Naka-tunganga pa rin siya.

''Kirei. Gising!!!''

Hiniyawan ni Mirei si Kirei kasi hindi na talaga siya gumagalaw. Para bang statwa na nakatayo lang.

''Bakit Toll? Ay, sino tong cute na to? Kakilala niyo.'' CUTE? Confirm. MY crush si Kirei kay Fred.

Napakamot ako ng ulo ko at napabuntong-hininga na lang ako.

"Kirei, pinakilala na siya ngayon lang ni Toll. Hindi mo narinig?" Sabi ni Ia.

Napatingin siya kay Ia at inosenteng umiling. Narinig ko naman na napabuntong-hininga din sila sa inaasal ni Kirei.

Tumingin siya kay Fred at tiningnan niya ito mata sa mata. Hindi naman nagpadaig ang pinsan ko at nilabanan naman niya ang gusto ni Kirei.

"Hi. Maricar Cruz. Friend of Toll. Nice to meet you." Sabi ni Kirei habang inilahad ang kamay para makipagshake-hands.

Kinuha naman agad ni Fred ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang kamay.

Mukhang nagulat si Kirei kaya agad niyang binawi ang kamay niya na nilahad kanina at inilagay sa may dibdib niya. Namumula na siya ngayon at kahit ang bigat ng hinga niya ay maririnig mo kahit malakas ang ugong ng aircon sa clinic.

Sa kabilang banda, nagulat din naman si Fred sa naging reaksyon ni Kirei sa ginawa niya.

''Ah, sorry. I didn't mean to scare you." Sabi niya habang bahagyang napaatras.

Normal na kala Gregory at Fred ang ganyang mga ways of greeting, pero mas applied nga lang kay Fred. Since 5 star hotel ang minamanage ng pamilya nila ay lagi silang naiimbitahan kaya sanay siya sa mga social-gatherings at turo sa kanya nila Tita at Tito ay batiin ang mga babae sa pamamagitan ng paghalik sa likod ng kamay nila.

Narinig ko na parang nagpipigil ng tawa si Greg kaya nung napatingjn siya sa'kin ay sinamaan ko siya ng tingin. Natigil naman siya pero magsasalita sana siya pero agad siyanh binatukan ni Fred.

Narinig ko na nagpigil ng tawa sila Eya, Ia at Mirei na nasa likuran ko at pinapanuod din ang nangyayari.

"Serves you right. Butu nga sayo." Narinig ko na bulong ni Mirei.

"Shhh..." Pagsita naman ni Eya sa kanya.

"Ako nga pala si Fred Aurelio. Pinsan ni Toll.'' Sabi ni Fred kay Kirei.

Yumuko ng bahagya si Fred para magpakita din ng respeto kay Kirei. Napatingin ako kay Kirei at nakangiti lang siya.

"Come in Fred, you can do better than that. That's the girl that you want to be with right?" Sabi ni Gregory.

Tumingin ako kay Greg at sinamaan ko na naman siya ng tingin.

Magsasalita na naman sana siya pero binatukan na naman siya ni Fred mula sa likuran.

"Kilala mo ako?" Tanong ni Kirei habang inilalahad ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.

''Its okay. I already know you. You are the girl that I always saw on our cousins' post." Sabi ni Fred with an Australian accent.

Tumango-tango naman si Kirei at ngumiti rin.

"Ah Kirei are you... are you dating somebody right now? I want to ask you if it's okay... for a d--''

Naputol ang salita ni Fred dahil biglang umentra si Mirei.

''Girlfriend? Wala pa. Kung pwedeng ikaw? Di na, ayos lang. Ano may idadagdag ka pa?'' Nakakatakot si Mirei. Parang mommy ni Kirei.

Tumingin naman sa kanya si Kirei at nagpuppy-eyes.

''Mirei. Hayaan mo na ko. Sige na. Please. Tsaka, paano mo naman nalaman na hinihingi niya ang kamay ko para maging girlfriend niya. Eh, wala pa ngang sinasabi eh. Huwag ka Mirei atat.'' Sabi naman ni Kirei sa kakambal niya.

Nanahimik na lang si Mirei habang papunta sa tabi ko at may binulong sakin.

''Kainis yang mga pinsan mo ha. Mga chickboy. Lalong-lalo na yang Greg na yan. Pagsabihan mo nga yan. Akala mo kung sinong cute eh.'' Sabi sakin ni Mirei.

''Hmmmmp, bala-bala ka pa diyan Mirei. Eh, crush mo din naman si Greg diba?'' Sabi ko sa kanya ng may pabirong tono.

Inaasar ko siya para hindi siya ma distract sakin at hindi niya na pinakialaman si Kirei. Habang nagkwekwentuhan kami ni Mirei ay nag-uusap naman sila Kirei at Fred.

Pero pagkatapos nung mga eksenang yun, ay agad na kinilig sila Eya, Ia at ang mga student sa Academy. Nang makita namin na nakaluhod si Fred sa harapan ni Kirei ay agad nag react si Mirei.

''Hoy! Huwag m...'' Ang daldal ni Mirei. Nakakainis na ha.

''Hm-mm-mm. Huwag ka nang magsalita.'' Tinakpan ko ang bibig ni Mirei at baka sirain ang moment nila Kirei at Fred. Bigla na lang sinabi ni Fred kay Kirei ang mga salitang...

''Kirei? Are you willing to give me the right to court you?'' Isang malaking YIEEE! Ang pinakawalan nang mga estudyante sa Academy.

Naghihintay nang sagot si Fred habang si Kirei ay nag-iisip kung ano ang isasagot. Nakangiti si Kirei at humarap kay Fred at sinabing...

''Yes Fred. Yes!'' Sinagot naman ni Kirei habang tinitingnan niya si Fred.

Nagulat si Fred at agad niyang niyakap si Kirei.

"Thank you so much Kirei." Sabi ni Fred.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

AYAN NA. MAY LOVELIFE NA SI KIREI SI FRED. PERO SA KABILANG BANDA; SAGUTIN KAYA NI MIREI SI GREGORY. O KAYA KUNG HINDI KAYA NI MIREI SAGUTIN  SI GREGORY. MAY DAHILAN KAYA? ABANGAN.

~END OF CHAPTER 38~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now