Mabilis akong nagpabigat patagilid at nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay mabilis akong umayos ng tayo nang hindi na binigyang pansin itong lalaking nanatiling nasa sahig at hinarap ang mga bagong dating mula sa kabubukas na pinto. Tinitigan ko sila. I don't know them but they look somewhat familiar.
Saan ko na nga ba sila nakita? Nanatiling pinapasadahan ko sila ng tingin, isa-isa, pilit inaalala kung saan nga ba sila nakita.
Lima silang pumasok, tatlong lalaki at dalawang babae. And based on their auras, hindi sila basta-bastang mga tao. Their aura shouts royalty- as if they weren't used to living a simple life. Sa tindig at ayos pa lamang, hindi na mapagkakaila iyon.
"Tss, what are you doing here?" Nagulat ako ng magsalita itong kapreng nasa tabi ko. Mabilis ko itong tinignan at nakita ko itong minamasahe ang kanyang braso- he's doing a triceps stretching while he's glaring at me. His muscles are flexing with every move he's doing.
Tsaka ko lamang naalalang halos itinulak ko sya para mapatagilid ako at mas mabilis na makatayo. Ang awkward kaya na nasa taas nya ko kanina!
At Kapre, kasi tinawag nya akong maliit. Psh, hanggang leeg niya naman ako. At tsaka hoy, may katangkaran kaya ako! Pangatlo ako sa pinakatangkad sa amin! 5'6 ang height ko. Aba! Aba! Maliit pa ba 'yon?
"Well dude, aren't you happy that we're here? Diba ang magkakaibigan, hindi nag-iiwanan?" Pabirong sabi ng lalaking may kulay itim na buhok ay mukhang hindi sinusuklay at kasabay noon ay ang paglalakad nila palapit sa amin. Ah I get it, this is Ashton's squad. Kaya pala ay pamilyar sila.
Nakita niya akong nakatingin sa kanila kaya lumapit ito sa akin. I wasn't taken aback because Ashton is more intimidating. Kumbaga, they look some normal wolves but Ashton is their Alpha, but of course, I'm not intimidated by them, not even their Alpha. . . Okay, slight lang.
Ngunit nang nasa harapan ko na ito ay huminto siya, sabay ngisi ng malandi at bumulong, "Hi babe, what's your name?" He made his voice husky and it sends shivers down my spine. Not because of the quality of his voice. . . well, kinda, but because I found it creepy as hell that I couldn't help but to cringe.
Itutulak ko na sana siya ng maunahan ako nitong kapre kasi hinila niya ang damuho niyang kaibigan palayo sa akin, which is I'm kind of thankful of course.
Halata namang close na close ang mga ito base sa paghihila lang nila sa isa't isa, huh? How I wish to have friends like those. To have bonds as they have with each other. Well, how could I even have when I keep on pushing people away because. . . admit it, having friends means you have to worry about them too, and for me, I'm all fine worrying about myself only.
Mula sa likod nang lalaki ay may biglang humila sa lalaki at piningot ito nang marahan lamang, ngunit dahil taynga iyon ay malamang masakit rin. Napaaray sa sakit ang lalaki at nagmakaawa na bitawan ang kanyang taynga. And the girl, I can sense that she's timid. She looks as if one of those shy type girl-
"Aba, kailan ka ba titigil dyan sa kalandian mo!?" Nah, I'm taking back what I've said. She just looks modest and demure but it's the total opposite. Looks can really be deceiving.
"Nakakahiya dito kay Miss―?" She faced me and look at me in the eye as if she is asking my name, and so I gave her what she wanted.
"Kaesha," Maikli kong sabi. Mabilis naman nyang inalis ang kanyang tingin sa akin at muling ibinalik sa lalaking nakangiwi parin hanggang ngayon, dahil hindi nya parin binibitawan ang taynga nito.
"―kay Miss Kaesha, wala talagang pinapalagpas 'tong bwisit na 'to," Pagpapatuloy nito at ibinulong niya lamang ang mga huling salita na hindi nakalagpas sa aking pandinig bago humarap muli sa akin.

YOU ARE READING
Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓
Action#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their homeland, and it began in their school. Now, Kaesha Unice's ordinary life turned into a cycle th...