CHAPTER FIFTEEN

43.1K 1.9K 93
                                    

Masasabi kong pinipigilan nalang nya ang pagtulo ng kanyang luha. Kahit kasi nakatingala ito, at ang kaunting liwanag mula sa buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa amin ay kitang kita ko ang pangingintab ng kanyang mata.

Tumayo ako at niyakap ng mahigpit si Farrah at ibinulong ang katagang, "Iiyak mo na 'yan."

Nagmistulang magic word ang sinabi ko dahil agad na bumuhos ang kanyang luha na kanina niya pa pinipigilan. Humarap sya sa akin at mabilis na isinuksok ang kanyang mukha sa aking tiyan at tsaka humagulgol. Unti-unti akong umupo habang hinahaplos-haplos ang kanyang buhok sa kanyang likuran.

Actually kanina ko pa siya pinagmamasdan, kahit nung nasa bus pa kami. Kahit na ngiting-ngiti siya, kahit na tawa sya ng tawa, halata parin sa mga mata niya ang kalungkutan. It was like, distraction. Yung pagpipilit niya ng ngiti, yung galaw niyang limitado dahil nasasaktan siya, at ang kawalang gana niya. Or it's just me who noticed it because I know her too well.

What happened, Farrah?

Iyak lang siya ng iyak habang tinatapik at hinahaplos-haplos ko ang likod niya upang sya'y mapakalma. First time ko siyang makitang umiyak ng ganito. Kapag kasi umiiyak siya, if it isn't because of her family, it's because of her barbie. And yes, that was years ago. May tampuhan kasi ang daddy at mommy niya noon at hanggang ngayon. At yung barbie na tinutukoy ko ay ang bigay ng daddy niya sa kanya na nasira dahil kinagat-kagat ng aso nyang alaga noong pitong taong gulang palang kami. See? Napakatagal na 'non. And seeing her cry like this is so new to me.

Masiyahin kasi siyang tao, at isa pa, hindi sya yung tipong immatured na kahit maliit na bagay ay pinapalaki. Kung alam nyang pwedeng palipasin iyon, gagawin nya. And sometimes she's the reason why people around her are so happy. Joker nga ang tawag sa kanya kahit na takot sya doon, e.

Why Joker? Because she always lightens up our mood. Nung elementary kami, ang tawag sa amin, moon and sun. I am the moon 'cause I'm serious, a woman with few words, and yes, tahimik lang ako. While Farrah is the sun, she's happy go lucky, lahat ng mapuntahan niya, lumiliwanag dahil sa kasiyahan nya.

Tumingin ako kay Farrah na sobra sobra ang pag iyak. Ako ang naaawa sa bestfriend ko sa aking nakikita. Sino ba naman ang hindi maaawa kapag nakita mo ang bestfriend mo sa ganitong lagay 'diba? She's pouring her heart out right now. You're not that heartless right?

Hindi nagtagal ay unti-unting humihina ang pag iyak nya. Patuloy ko lamang hinahaplos-haplos ang kanyang likuran hanggang sa kumalma na siya. Umalis kaagad siya sa pagkakayakap sa akin pagkatapos magpunas ng kanyang luha at matawa-tawang nagsalita.

"Ano ba 'yan best! Nabasa tuloy yung damit mo. At in all fairness, hindi ka masyadong nangangamoy. Ako kaya?" Inamoy-amoy pa niya yung sarili nya, habang ako'y nakatitig lang sakanya.

Again, she's making our mood light para makalimutan ang nangyari, para mapagtakpan ang kanyang kalungkutan- para itago sa ibang tao na nalulungkot siya. Pero ibahin niya ako, she can't fool me. I've known her since we're a child and she won't be able to hide this from me. She can't hide anything from me- I know she won't.

"What happend, Farrah?" Seryosong pagkakatanong ko sa kanya at pilit na pinag aaralan ang kanyang kilos. Napahinto ito sandali, ngunit maya-maya ay lumingon ito sa akin, ngumiti ng pagkatamis-tamis na para bang walang nangyari.

"Huh? What do you mean?" And she's in it again. Playing dumb and innocent as if she didn't cry her heart out earlier. As if nothing happened.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang magkaiba nyang balikat at tumitig sa kanyang mata. Pilit nitong pinapatatag ang kanyang sarili na tumitig sa akin habang nandoon pa 'rin ang kanyang ngiti sa labi. The side of her lips is twisting, yet she doesn't know it because she's busy keeping her smile, as if I wouldn't notice it. "I know you so well, Farrah."

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon