▶︎ 𝚒𝚒. 𝗘𝗣𝗜𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘

31.7K 1.1K 385
                                    

"I don't fucking care! Just inject it you fucking asshole!" Mad Ashton is really scary.

Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto at nagpasukan ang ibang nakalab gown at mga armadong lalaki habang nasa gitna nito ang lalaking may katandaan— 'sing edad ng baliw kong ama at may mga armadong lalaki 'rin itong kasama na nakapalibot rito.

"My son is right, it's not yet fully completed," Ngumisi ito, at base sa ngisi nito ay may masama itong binabalak.

"Fuck!" Sigaw ni Lucas nang pinalibutan kami ng mga armadong lalaki. Napaupo pa rin ako at nasa tabi ko ang aking mga baril. Hindi ako magdadalawang isip na pumatay ng tao, lalo na't nakapatay na ako, at ang sarili kong ama iyon.

Umatras si Lucas at nakita ko ang palihim na pagsiko nito kay Ashton na nasa tabi nito. Tumingin si Ashton rito ngunit iginalaw ni Lucas ang syringe sa likod nito na naglalaman ng cure. Nakuha ito ni Ashton kaya palihim 'rin nitong inabot iyon at inabot rin sa pinakamalapit sa amin.

"Ah... Francisco's really weak, huh?" Leandro Smith, the hospital owner, smirked when he saw my father lying on the cold floor, lifeless.

Nang makuha ni Damien ang syringe ay saktong pagharap ng mga ito sa amin habang may ngisi sa labi. I want... I fucking want to erase that fucking smirk on his face but no... Ipapaubaya ko na iyon sa anak nito.

Halata naman kay Lucas na ayaw nito ang ginagawa ng ama niya eh.

Palihim kong ginalaw ang leeg ni Kaesha at medyo tinagilid ng hindi inaalis ang tingin sa mga ito. Mabuti na lamang at napapalibutan kami ng mga kasama namin kaya hindi kami napapansin. Kitang kita ang ugat na bumakat sa katawan nito. Namumutla na talaga ang balat niya at medyo humihina na rin ang kanyang panghinga.

Itinurok ko ang cure sa kanyang leeg hanggang sa ito'y maubos. Pagkayari ay mabilis ko iyong tinanggal at hinagilap ko ang malamig na kamay nito at mahigpit itong hinawakan. Come on, best. Fight! Just fight.

"Give me the cure," Muli ay narinig ko ang boses ng isang baliw na dapat i-assassinate. Dahil sa sinabi nito ay napahalakhak ako ng malakas. Rinig ko ang pagkasahan ng mga baril sa aming paligid ngunit hindi iyon ang aking inisip.

The cure's not yet completed, right? Then, how about dying here with my best friend, then? After all, wala na kaming mauuwian.

Dahan dahan kong inilapag ang ulo ni Ae sa sahig ngunit mabilis na lumuhod si Miss Rhian at ito mismo ang humawak sa ulo ni Kaesha at inilagay sa kanyang binti bago ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako at tumayo habang hawak ang syringe na walang laman tsaka ito itinaas habang may pang asar na ngisi sa aking labi.

"Cure? Oops, I already injected it to her," Tsaka ko hinagis ang syringe rito.

Aligaga nitong sinalo ang syringe at itinapat sa mukha upang pag aralan. Nang makitang ang cure nga iyon ay huminga ito ng malalim na parang wala lang, na nangyari na at wala na silang magagawa.

"Well, hindi na 'rin naman siya magigising. Nagpapabagal lamang sa pagkalat ng zombie cell ang gamot na ini-inject nyo kaya hindi nyo itong matatawag na cure," Ngumisi ito na siyang nagpainis sa akin-sa amin. Ngunit pinigil ko ang galit ko at pinilit na maging kalmado.

"So, where's the real cure?" Diniinan ko ang salitang real. Tumawa ito ng pagak.

"The US army- Gaston Petterson stole it two years ago for his personal reasons. We really thought he's our ally," He said mockingly while shaking his head, looking at Ashton Kyle who's looking so serious right now.

Natigilan ako... hindi, kaming lahat ay natigilan. Two years ago...

"We couldn't create as successful as that cure because the one who created it was now dead... we killed him!" Tsaka ito tumawa ng parang nababaliw ngunit hindi namin ito pinansin.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon