CHAPTER TWENTY-SIX (𝙸𝙸)

23.6K 1.1K 194
                                    

The scariest day of my life.

"Fuck! Kila Kaesha ako! No buts!" Sigaw ng isang bugnot na lalaki sabay halukipkip at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo. Napatawa ako sa kanyang itsura. Nasa harapan kasi siya, at nirequest ng kanyang ama, kaya hindi niya ako kasama ngayon.

Ngayon kasi ay ginugrupo na nga kami. Thirty persons in a group, just like what he said before. And Ashton's becoming a mad man because he heard his name on other's group, and I'm not part of it.

"But mister-" Segunda ng lalaking speaker ngunit pinutol agad ito ng Presidente.

"Let him where he wants," Natatawang sabi nito na siyang ikinatawa ng iba.

Three weeks have passed, pansin kong medyo naglilighten-up na ang iba sa Presidente, pati ito mismo.

Parang ayos lang ang lahat, kumbaga para lamang kaming nagpapalaro, kung saan masaya ang lahat.

Speaking of microchip, we already removed ours. Hindi naman namin masabi sa ibang grupo dahil malalaman ng mga nasa itaas. Sa Presidente ay ayos lang ngunit sa iba'y hindi. At isa pa, hindi alam ng iba na nakikipagsabwatan sa amin ang Presidente.

"But please put Miss Kaesha Unice Esteban in his exchange," Dugtong ng Presidente, at mapaglarong sinabi. Natawa ng tuluyan sila Farrah habang ako'y napangisi lamang kay Ashton.

Sumama lalo ang mukha ni Ash na siyang mas ikinangisi ko. Serves you right, Ashton.

"You old man!" He gritted his teeth. Mas napatawa ako nang humarap ito ng nanlilisik ang mata sa Presidente. Pikon talaga. Alam na ngang niloloko lang siya eh.

O baka hindi? After all, Ashton doesn't know the word joke.

"Just kidding son," natawa rin ito bago humarap sa announcer na may hawak ng list at nagsalita. "Proceed," He even nodded his head.

And it happens, I'm with my fourteen people, sila Farrah syempre. Added Adam ang Eve, Accel, Lucas and Max with Austin and Andrea-which I just found out that she have a secret trainer and Accel let him join too, what a cool brother.

And yes, gusto raw niyang makipagbakbakan pero mapanganib, ngunit wala kaming magagawa. She's a special child raw, magaling, iyon ang sabi nila Lucas. Kasama sila Shan, Zoe, Travis, Blake, Nathan, Ashton, and the couples, Shinoa and Ace.

Si ate Tracy kasi ay nasa ibang group kasama ang ibang trainers. Oh, kasama nila sila Ashley na kasama sila Brooklyn-even though it was clear to me, I still got annoyed whenever I mention her name, tapos narinig ko pang binanggit nito ang pangalang Byun Yeol, feeling ko narinig ko na 'yon somewhere.

And you know what's strange? Farrah's quiet.

Hindi ko alam, pero nang mabanggit ang name na Shaina ay nagsimula itong tumahimik. Well, that name reminds me of Damien's little cousin who died because she chose to save Farrah. Do you still remember her?

Tumingin ako kay Farrah na nakaupo-nakayuko habang yakap ang kanyang mga binti. Mabuti na lamang at nakapalibot kami rito kung hindi, baka kanina pa 'to nadadaan-daanan ng mga tao.

At oo, alam kong sinisisi niya pa 'rin ang sarili niya sa pagkawala ni Shai, kahit wala naman siyang kasalanan. Napakatagal na nito ngunit hanggang ngayon ay baon niya pa rin ang kahapon. Why can't she just move on, by the way?

But I understand it. That's really hard to forget. Kahit nga si Sasha ay minsan ay naaalala ko at sinisisi ko pa rin ang aking sarili, ngunit wala naman akong magagawa kung hindi ang muling tumayo dahil kung hahayaan kong lamunin ako ng kahapon ay hindi ako makakausad.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon