CHAPTER SEVENTEEN (𝙸𝙸)

24K 1.2K 141
                                    

Clutching my katana tightly with both of my hands simultaneously, bracing myself for what I was about to do. Panibagong chapter ng katangahan ni Kaesha Unice Esteban.

Tumakbo ako papalapit sakanila at sinipa ang zombie na kusang sumulpot sa gilid ko at balak akong dakmain. Mabuti na lamang at naunahan ko ito at pinutol ang kanyang ulo gamit ang kanan kong katana. Ang kaliwa nama'y pinamputol ko sa kamay ng zombies na balak akong kalmutin sa kabila, bago ito muling sinipa at pinutol muli ang ulo nito.

Dahil ako ang pinakamalapit ay sa akin muli nagpupuntahan ang mga zombies na dapat ay papunta kila Blake. Hindi rin gaanong makabaril si Travis dahil siguro'y natatakot na baka ako'y matamaan. Umatras ako bago sinugod ang pinakauna.

Wasiwas ng katana rito, hampas roon. Sinipa ko ang isang zombie sa aking kaliwa at pinugot ang ulo ng nasa kanan ko.

"Kaesha, yuko!" Rinig kong sinabi ni Travis kaya yumuko ako.

Nakarinig ako ng pagbagsak ng katawan sa aking likod at nakita kong zombie iyon na hindi ko napansin kanina. Tumingin ako kay Travis at tipid na tumango bago pinutol ang kamay ng nasa harapan kong handa akong kalmutin. Muli akong yumuko nang itinapat muli ni Travis ang baril sa aking banda at alam kong babaril ito, na hindi naman ako binigo kasabay ng pagbagsak ng zombies sa aking likod.

Ganon lamang ang aking ginagawa hanggang sa ako'y mapagod at punong-puno ng dugo ang damit ko.

Nang wala ng matira ay napaluhod ako at binitawan ang dalawang katana sa aking magkabilang gilid. Marahas kong inalis ang mask kong puno rin ng dugo at tinapon sa gilid upang mas makahinga ng maayos. The smell of smokes is still lingering at the air, however, it isn't as thick as before which I assumed, they successfully extinguished the fire.

Napakasakit ng kamay ko dahil sa paulit ulit na hampas kanina, ngunit aminado akong may ngiting nakapiskil sa aking mukha dahil sa wakas, ngayon lamang ulit ako nakipaglaban ng ganito.

Idinala ko ang kanan kong kamay sa aking tainga at in-on ang earpiece. Sunod-sunod na salita muli ang aking narinig.

"Miss Kaesha, I don't think we will able to go there now," Nakarinig ako ng sunod sunod na tunog ng baril mula rito. I think they're on the worst scenery right now.

"It's okay, I'm fine, and I'm already with my friends right now," sabi ko at tumingin sa tatlong lalaki na papalapit sa akin. Nathan offered his hand to help me get up. Inabot ko naman ito at tumayo.

"Are you safe?" I heard Ashton said as I could hear his footsteps with some gunshots in his background. Napangiti ako at yumuko para pulutin ang katana.

"We're safe-" Natigilan ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na ungol mula sa aming harapan, sa hagdan. And from there, a horde of zombies are coming to us.

"Shit naman oh!" Blake said as he threw his gun that I think, there's no bullet left in its magazine.

Kumabog ang dibdib ko at mabilis na pinulot ang aking mga katana.

"Kaesha?" I heard Ashton's voice again. His voice was mixed with worry as I'm already thinking of a plan. What to do?

"We're safe, don't worry, see you later," I turned off the earpiece as I look in front of us.

They're so many. I mean, hindi namin kakayanin ang mga ito. Lalo na't wala ng bala ang iba sa amin at ako'y pagod na at nananakit ang aking kamay sa ngayon. Kaya ko pa pero sa dami ng nga ito, impossible.

Think of plan, Ae.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto nila Blake dito sa hospital na nakabukas, at mula roon, napatingin ako sa bintana. Mula sa bintana, may mga daan naman d'on na pwede naming tapakan, diba?

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon