Special Chapter #1

25K 980 310
                                    

SPECIAL CHAPTERS ARE UNEDITED. YOKO NA, TINAMAD NA KO MAG EDIT. SALAMAT HAHAHAHAHA.

AE's POV

“Miss Kaesha,”

Humarap ako sa nagsalita at nakitang isa ito sa mga sundalo na nagbabantay sa amin rito sa loob ng malaking kuwarto na ito.

Pagkabalik namin sa main base ay rito kami agad pinapunta, upang para makita 'raw mismo kung may injuries kami na dala ng mga zombies sa labas. Idinala naman ng mga ito si Ashton sa kanilang laboratory para makuhanan ng dugo at maihalo ito sa formula na ginawa pa mismo nila Gia, kung paano nila ginawa ang cure sa Pilipinas noon.

Iyon lang naman ang kulang, ang dugo ni Ashton kung saan dumadaloy ang kumpletong formula na talagang makakapagpabalik ng zombies sa pagiging tao.

Iyon nga lang, hindi pa sigurado.

I mean, nung ininject nila sa akin iyon ay syempre, nagiging zombies pa lang ako noon. Paano naman 'yung mga matagal ng naging zombies, diba? Mas madaming virus ang kumakalat sa katawan nila kaysa sa akin noon. Kaya, kailangan pang pag aralan.

Isa pa, paano iyong may mga malalala na sugat? Ang alam ko kasi'y naghihilom lamang iyong may mga maliliit na sugat o tanging kagat lang, iyong nagkulang na balat o laman? Ganoon. Pero base sa narinig ko kanina, iyong may malalalang sugat ay kailangan raw ng surgery. Ang tanong, saan sila makakahanap? Hindi ko alam.

Napakarami pa 'rin talagang mga bagay na hindi namin alam ang sagot. Isa pa, hindi nga kami sigurado kung paano namin ito maii-inject sa mga zombies sa labas. What if it's fail? What if it's—

“Miss Kaesha,” Pag uulit ng sundalo na dahilan upang maputol ang aking iniisip. Humarap ako sa kanya.

“Yes?” Tanong ko sa sundalo. Maya maya ay may inabot ito sa aking earpiece na ikinanuot ng noo ko, ngunit kinuha ko ito at sinuot. Tumango ang lalaki sa akin bilang pagpapaalam na tinanguan ko rin pabalik bago tumalikod.

I turned on its power as I seat on one of chairs inside of this room.

“Baby,” I heard his husky voice. Tumaas ang gilid ng aking labi hanggang sa nauwi ito sa tawa.

“Hmm? You missed me already? It's just thirty minutes, Ashton.” I teased him, he just sighed.

“Well, yeah. I hate to admit but I want you by my side, always.”

Nakarinig ako ng pag ubo mula sa isang sundalo sa aking gilid kaya napatingin ako rito habang nakakunot ang noo, at unti unting nabura ang ngiti sa aking labi.

Nakita ko itong palihim na tumingin sa akin bago tumalikod. Napansin ko 'rin ang palihim na tinginan ng ibang sundalo sa akin na talagang ikinanuot ng noo ko.

Ngunit ng mapag alaman ko kung bakit ganoon ang kanilang mga kinikilos ay unti unting nag init ang pisngi ko.

Fck! Naririnig nga pala nila ang usapan namin ni Ashton!

“Shut up you ass!” Singhal ko rito sa pamumula. Narinig ko itong tumawa sa kabilang linya.

“Shut me up using your sweet pinkish lips, baby.” Mas lalong nag init ng pisngi ko.

His mouth really has no filter! Dmn it!

“Bahala ka nga sa buhay mo!” Mabilis kong pinatay ang earpiece at hinagis ito sa pinakamalapit na sundalo bago tumalikod. Bahala sya kung hindi nya 'yon nasalo. Bwisit.

***

“Broadcast flirting, lalalalala~”

Sinamaan ko ng tingin ang babaeng pakantang nagsasalita ngunit parang wala itong nararamdaman at pinagpapatuloy lamang ang kanyang ginagawa.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon