CHAPTER TWENTY-THREE (𝙸𝙸)

25.9K 1.1K 159
                                        

Kinabukasan at sa mga sumunod na araw ay hindi ako umattend sa mga training. What happened that day really pissed the hella shit of me.

At first, Farrah and the others tried hard to wake me up in the morning to attend our training but always failed because I constantly pushed them out of my room. Ang mga sumunod na araw ay ginusto ko mismong hindi umattend.

Actually, tinatamad talaga ako. Tsaka, nilibot ko ang lugar kung nasaan kami. Syempre, medyo matagal na kami rito tapos hindi ko pa nililibot ng maayos at nang nag eenjoy. Duh?!

Kaya ngayon, laking gulat nila ng makita nila ako sa loob ng training room mula sa limang araw na hindi pagpapakita sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko sa kanila at nakitang lahat ito'y nakatayo ng deretso, tipong mga sundalo na nasa harapan ang kanilang heneral.

At take note, ang babaeng nakasagutan ko noon ay humingi ng tawad sa akin, at tsaka ko nalaman na nagswitch ito ng leader, at naging ako. Well, wala namang hamak sa akin 'yon. Basta ba magtitino siya. At tsaka napatawad ko naman na siya sa kalandian nyang taglay, after all, we are women.

Malalantod.

Everything's alright. Iyan ang narinig ko nang makibalita ako kay ate Tracy kagabi ng pumunta siya sa bahay. Matutuwa na sana ako kung 'di lang niya dinagdagan ng exception, at 'yun nga, si Adam at Eve na hindi makasunod sa mga tinuturo.

Well, sabi rin naman ni Farrah-ang mata ko sa training room, na ayos na ang lahat, kumbaga well-experienced na raw at talagang nakatulong ang experience namin noon dahil ay nakakasunod naman. Ngunit may pero rin itong sinabi, at iyong mga 'yon rin ang dahilan.

Kaya nabuo ang pasiya sa aking utak: I'm going to train those two. At ang reaksyon ni Farrah nang sinabi ko 'yan?

"Huy best, hinay hinay lang ha! I mean, huwag mong masyadong pahirapan. Nakakatakot kasi 'yang ngiti mo," She said with a terrified expression in her face.

Na inirapan ko lang. Paano sila matututo kung hindi ka maghihigpit, 'diba?

Kaya ngayo'y nandito kami sa labas. . . open ground training na malapit sa building na pinagte-trainingan nila ng mga nakaraang araw-na dito talaga kami dapat nakapwesto. Ako ang nagvolunteer nito. Maluwang kasi, at isa pa, what they need is fresh air.

Ngayon ay switched na. Ang ituturo na nila Ashton-sana, ngunit wala siya rito, ay ang tamang paghawak ng baril na siguradong alam na ng iba, habang ang iba'y ang close ranged na ang pagtututunan.

Wala si Ashton, kasama sila Travis dahil pinatawag raw muli ang mga ito. At, oo nga pala. Nung araw na wala raw ako rito ay laging nandito si Brooklyn upang asikasuhin si Ashton. Laging nakaupo sa isang gilid, may dalawang tubig at bimpo, na mabilis lalapit kay Ashton sa tuwing maririnig ang salitang break.

"Pinapanindigan ang fiancee duty, magpabebe ka pa kasi at maaagawan ka na," Exactly the line that Farrah said that day.

Duh?! Wala akong pake. Magsama pa silang dalawa rito at harap-harapan ko.

Well, close ranged combat style pa rin ang tuturuan ko, you know, Adam and Eve happened.

"Adam, Eve, step forward"

Nagulat ang lahat nang marinig akong magsalita. Lahat nagpapakiramdaman ngunit. . . teka, anong nangyari noong wala ako at ramdam na ramdam ang takot nila sa akin?

Bahagya akong lumapit kay Justine, isa sa kasama namin na nakatayo sa gilid ko at busy sa pagtetext gamit ang kanyang upgraded cellphone, at bumulong.

"Ano nangyari nung mga nakaraang araw? Bakit parang takot sila?" Mahina kong bulong rito. Sumagot ito nang hindi inaalis ang tingin at nakakakilabot na ngiti sa kanyang cellphone, para bang may naalala. Promise, ang creepy ni Justine ngayon ha!

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now