AFLW 3: Kautusan ng Imperyo

1.4K 53 1
                                    

AFLW 3: Kautusan ng Imperyo (Imperial Decree)

****

Princess Yuki POV

Isang linggo na ang nakalipas mula ng ipaalam sa akin ng Mahal na Prinsipe ang kanyang nalalaman. Isang linggo na rin akong nanatili lang sa aking tahanan at hindi lumalabas o kahit mag-ikot man lang sa ibang bahagi ng Palasyo. Alam ko na nag-aalala na sa akin ang Mahal kong Ina at ang Mahal na Hari dahil hindi rin ako tumatanggap ng bisita. Nais ko lang mapag-isa at ng katahimikan.

Mababa na ang sikat ng araw at malapit ng dumilim. Nandito ako sa hardin ng aking tahanan sa likod, nakaupo at naaaliw na pagmasdan ang mga bulaklak. Napalingon ako ng may marinig akong mahinang pagtawag sa akin at inabala ang aking pamamahinga. Aking nalingunan sina Shuji at Yoshie. Batay sa emosyon na aking nakikita sa kanilang mukha, isang hindi magandang balita ang kanilang hatid. Dahan-dahan akong tumayo, naglakad ako patungo sa isang maliit na tulay. Sapat ang layo nito upang hindi marinig ng ibang mga tagapag-lingkod ang sasabihin ng aking dalawang tapat na taga-lingkod. Hindi na ako nag-abalang lingunin ulit sila, nakatitig lang ako sa tahimik na tubig sa baba ng maliit na tulay, isang maliit na lawa na gawa ng tao.

"Ano ang balitang dala niyo?" Marahan kung taong.

"Kamahalan...." ang salitang tanging nabanggit ni Yoshie at hindi na nagawang dugtungan pa. Puno ng pag-alala ang kanyang tinig.

"Wag na kayong mag-alinlangan pa. Sabihin niyo na sa akin kung ano ang nangyayari."

"May natanggap akong balita kamahalan," mahinang sabi ni Shuji. "Ang sugo ng Imperyo ay papunta na po dito. Ayun sa aking nakalap naka-alis na siya ng Imperyo kahapon pa."

Napapikit ako ng mariin sa aking narinig. Pinigilan ko na magpakita ng anumang emosyon. Dahil ayoko nang mas lalong dagdagan ang alalahanin ng dalawa.

"Ilang araw pa bago sila makakarating dito?" Pantay na tanong ko.

"Tatlong araw na lang Kamahalan at nandito na sila." Mababang sagot ni Yoshie.

"Yun lang ba ang nais ninyong iparating?" Walang mababakas na kahit anong emosyon sa aking boses.

"Yun lang po, Kamahalan." Sabay na sagot ng dalawa.

"Kung ganun, maghanda na kayo, maaaring pagkatapos ng isa o dalawang linggo ay lilisanin na natin ang lugar na ito." Natahimik ako saglit bago sila binalingan. "Maaari na ninyo akong iwan."

Sabay na yumukod ang dalawa kahit nakatalikod ako at sabay din nila akong iniwan. Napahawak ako sa hawakan ng tulay ng biglang naging mabuway ang aking pagtayo. Mahigpit na naikuyom ko ang aking kamay. Tatlong araw, yun na lang ang meron ako bago maging opisyal ang tungkulin na dapat kung gampanan.

"Chase!" Sa dami ng emosyon na biglang nagsalimbayan sa aking kamalayan, isang pangalan ang hindi ko sinasadyang maibulong.

Mag-uumpisa na, nagsisimula ng ilatag sa aking harapan ang aking responsibilidad at ang mga bagay na tunay na magbibigay daan para ma's lalo akong mapalayo sa lalaking mahal ko.

Napatingin ako sa mga bituin sa kalangitan. At lihim na pinagbigyan ang tunay hiling ng pinakasulok na bahagi ng akihg puso. Na sana makakabalik pa ako kung saan ako dapat naroon, sa loob ng yakap ni Chase.

*****

Makalipas ang tatlong araw.

Makukulay na bandera, maingay na tambol at trumpeta at mga mamamayan na nag-uumpukan sa gilid ng kalsada. Yan ang kasalukuyang nangyayari sa buong bayan, lahat at natutuwang pinapanood ang pagdating ng sugo galing Imperyo.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now