AFLW 18: Ang May Sala

889 29 8
                                    

AFLW 18: Ang May Sala

***

Prinsesa Yuki POV

Nagmamadali akong lumisan sa aking tahanan upang salubungin ang aking kapatid. Kararating lamang ng balita sa akin na biglaang naparito si Prinsesa Yuuna. Sa aking palagay ay tungkol ito sa paglason sa akin. Hindi ako natutuwa sa nangyari sa akin subalit hindi ko maiwasan ang masiyahan sa kanyang pagdating. Kahit aking natitiyak na ang una niyang gagawin ay ang pagalitan ako sa aking kapabayaan.

Napakalapad ng aking mga ngiti habang lakad-takbo patungo sa Punong Tanggapan. Hawak ko ng mahigpit ang laylayin ng aking kausuotan upang hindi maging sagabal. Sa aking likuran ay si Yoshie at ang aking mga taga-lingkod na humahabol sa aking paglakad-takbo.

Ang malapad na ngiti sa aking mga labi ay unti-unting naglaho ng masilayan ko ang aking kapatid na may kausap, hindi kalayuan sa Punong Tanggapan. Kumunot ang aking noo ng aking mapagtanto kung sino ang kanyang kausap. Hindi ko mawari ang kanilang pinag-usapan subalit nakakatiyak ako na hindi ito nagugustuhan ng aking kapatid. Sapagkat walang mababakas na anumang emosyon sa kanyang mukha. Ano ang nais ng Prinsipeng Tagapagmana sa aking kapatid?

Sinalubong ko si Prinsesa Yuuna ng magpatuloy na siya sa paglalakad. Saglit na aking sinulyapan ang Mahal na Prinsipe na nananatiling nakatayo sa kung saan siya iniwan ng aking kapatid. Ang kanyang paningin ay nakasunod sa pigura ni Prinsesa Yuuna na papalayo. Hindi ko maintindihan ang emosyon na nakapaloob sa kanyang ngiti at ang kakaibang tuwa sa kanyang mga mata.

"Prinsesa Yuuna!" Ang aking bati.

"Ayane! What the heck? Are alright you?" Puno ng pag-alala na kayang tanong. "You're crazy, you that right? I can believe you allow something like that to happened. You shouldn't be careless in a place you are not familiar with."

Bago pa ako makasagot sa kanyang mga tinuran ay tumikhim sina Ami at Yoshie ng sabay. Nagkatinginan pa sila at sabay na ngumiti. Humarap si Ami sa aming magkapatid.

"Prinsesa Yuuna, nakikiusap po ako. Nasa Palasyo kayo ng Imperyo at wala sa Kaharian ninyo. Kaya pakiusap po, sumunod naman kayo sa batas." Parang naiiyak na pakiusap ni Ami. Kaawa-awang Ami at nagkaroon ng pinaglilingkuran na matigas ang ulo.

"Tama si Ami, Prinsesa Yuuna. Mahigpit na ipinagbabawal dito ang pagsasalita ng banyagang lenggwahe. Kaya ako man ay nakikiusap na kung maaari, kahit sa pagkakataon lamang na ito, sundin po ninyo ang batas ng Palasyo ng Imperyo.

"Itigil na muna ninyo iyan." Ang aking sabi. "Tayo na muna sa a loopking tahanan upang kayo ay makapagpahinga. May kalayuan din ang inyong nilakbay mula sa Punong Lungsod." Baling ko kay Prinsesa Yuuna.

Tumango lamang siya bilang kasagutan. Tahimik naming tinuntun ang daan patungo sa aking tahanan. Sa aming pagdating ay may nakahanda ng pagkain at mainit na tsaa. Sinabihan ko din si Shuji na magbantay ng maigi sa paligid at walang hahayaan na makalapit sa aking tahanan. Hindi ko maiiwasang mag-isip na maaaring may magmanman sa aming kilos.

Natitiyak ko na mahalaga ang pakay ni Prinsesa Yuuna sapagkat hindi siya paparito kung ang gagawin lamang niya ay ang pagalitan ako sa aking kapabayaan.

"Ano ang dahilan ng iyong pagparito, Mahal kong kapatid? At hindi ko inaasahan na iyong kasama si Aike." Ang aking tanong ng umalis na ang mga nagsisilbi. Tanging sina Ami, Yoshie, Shuji at Aike.

A Fairy Tale Like WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon