AFLW 34: Paghahanda

682 32 3
                                    

AFLW 34: Paghahanda

***

Prinsesa Yuki POV

Sinalubong kami ng mga Ministro at Opisyal ng Palasyo sa aming pagdating. Ang Punong Tanggapan ang unang bahagi ng Palasyo na aming pinuntahan. Sapagkat naroon na ang Mahal na Emperador at Mahal na Emperatris, hinihintay ang aming pagdating. Pagkatapos bumati at nagbigay pugay sa Kamahalan ay saka kami hinayaang makabalik sa aming tirahan at magpahinga.

Pagal ang aking katawan sa paglalakbay pabalik ng Palasyo subalit hindi kaaya-aya para sa akin ang pagpahinga. Sa halip ay naroon ako sa likod ng aking tirahan at palakad-lakad habang may malalim na iniisip. Hindi ko batid subalit iba ang aking pakiramdam sa aking pagbabalik. Sa aking pakiramdam may isang bagay o mayroong pangyayari na dapat kung malaman o hindi man ay nakaligtaan. Kakaiba ang kaba ng aking dibdib sa tarangkahan pa lamang ng Palasyo. At hindi ko mawari at maintindihan ang aking sarili. Ano ang dahilan ng kakaibang pagkabahala na aking nadarama? May nararapat ba akong matuklasan?

"Prinsesa Yuki?"

Naigtad ako sa gulat ng may nagbanggit ng aking pangalan. Lumingon ako at aking nakita si Pinunong Shuji na nag-aalalang nakamata sa akin. Si Yoshie ay papalapit at may nakasunod na tagasilbi dito na may dalang tsaa.

"Kanina ka pa balisa, Mahal na Prinsesa. Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong iniisip?" Malumanay na tanong ni Shuji.

"Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, Shuji. Subalit sa aking palagay ay may kakaibang nangyari dito sa Palasyo habang tayo ay wala. Hindi ko tiyak kung ano ang pangyayaring iyon subalit iba ang aking nararamdaman. Hindi ako mapalagay sa kaba kanina pa lang ng pumasok tayo sa tarangkahan." Bahagya ko nahaplos ang aking braso sa anyong ako ay nilalamig subalit hindi. Nais ko lamang mapayapa ang aking dibdib sa ganoong paraan.

"Huwag na kayong mabahala, Mahal na Prinsesa, aalamin ko nangyari sa mga nakalipas na araw." Sagot ni Shuji.

Yumukod siya at tumalikod subalit aking pinigilan. "Magpahinga ka muna Shuji, pagkatapos ay saka mo alamin kung tama ba ang aking sapantaha. Huwag mo na lamang akong pansinin at hayaan mo na lamang akong mag-isip kahit sandali. Maya-maya lamang ay magpapahinga na rin ako."

"Kung iyo pong mararapit. Salamat, Mahal na Prinsesa."

"Batid ko na napagod din kayo sa ating paglalakbay." Binalingan ko si Yoshie at nakita ko na paalis na ang tagasilbi pagkatapos ihanda ang tsaa. "Halika, sabayan ninyo ako ni Yoshie na magtsaa. At, hindi ko tatanggapin kung sakaling ako ay inyong tanggihan."

Tahimik kaming sumimsim ng tsaa sa umpisa. Ninanamnam namin ang sarap ng tamang init na dumaan sa aming lalamunan. Dalawang linggo rin na kami ay hindi nakainom ng tsaang dito lamang sa Palasyo matitikman. Ilang sandali lamang ay binasag ni Yoshie ang katahimikan.

"Kakaiba ang katahimikan ngayon sa buong Palasyo, Mahal na Prinsesa. Hindi ko batid ang dahilan subalit parang may napakabigat sa pakiramdam na bumabalot sa Palasyo na hindi mawari." Nagtatakang inikot ni Yoshie ang kanyang paningin sa paligid na sa iyong akala ay nakita niya ang buong bahagi ng Palasyo.

"Kakasabi ko lamang kay Shuji hinggil sa bagay na iyan, Yoshie. At tulad niya at aatasan din kitang alamin ang maaaring nangyari rito noong tayo wala."

"Maaasahan mo, Prinsesa Yuki."

"Ikaw na ang bahala dito sa loob ng Palasyo, Yoshie." Wika ni Shuji. "Ako naman sa labas ng Palasyo."

Tumingin sa akin si Yoshie. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Shuji. Tama siya, upang mapabilis ang aming pag-alam sa tunay na nangyari.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now