AFLW 8: Ang Umpisa

1.1K 46 1
                                    

Note: English in Italic are just in mind or prohibited to speak in our Princess POV.

AFLW 8: Ang Umpisa

***

Prinsesa Yuki POV

Ngayon na ang araw. Isang malaking pagtitipon ang magaganap ilang sandali mula ngayon. Ang pagtitipon ay laan upang maipakilala sa buong Palasyo ang mga babaeng pagpipilian upang maging kabiyak ng Mahal na Prinsipe. Ang maaaring maging susunod na Emperatris ng Imperyo, ang pinakamakapangyarihang babae sa buong Imperyo.

Sa aming mga babae na nandito, ilan kaya ang naghahangad na makuha ang posisyon? Ang kapangyarihan na kalakip nito, hindi man kasing lakas ng sa Emperador. Ilan kaya sa kanila ang kaalyado ng Yakuza?

Imbitado ang lahat ng mga maharlikang angkan sa nasabing pagtitipon. Tanging ang maharlikang angkan lang ng Ishida ang walang pupunta. Isa sa mga bagay na hiniling ko sa Mahal na Hari ay ang huwag pumunta sa alin mang pagtitipon na ihahanda ng Imperyo. At hindi niya rin maiiwan ng ganun na lang ang Kaharian kahit sabihin pa naroroon lang si Prinsipe Yuuji. At bilang isang Kaharian na ma's piniling mananatili ang sinaunang pamamaraan ng pamumuhay ay kailanman hindi pinilit ng Imperyo na dumalo sa alinmang pagtitipon.

Pumasok sa aking silid sina Yoshie at Shuji upang tulungan ako sa aking paghahanda. Kasalukuyan akong may inilalagay na palamuti sa aking mukha ng pumasok sila. Ng lingunin ko sila ay pawang gulat at pagtataka ang mababakas sa kanilang mukha.

"Anong binabalak mo, Prinsesa Yuki? Bakit naglalagay ka ng ganyan sa iyong mukha?" Pasigaw na tanong ni Shuji at tumakbo palapit sa akin. Akma niyang pupunasan ang aking mukha subalit pinigilan ko ang kanyang mga kamay.

"Mas nanaisin mo ba na makita ng lahat ang mukha na palaging natatakpan?"

"Anong ibig mong sabihin, Mahal na Prinsesa?" Kunot-noong tanong ni Shuji

Tinapik ni Yoshie ang kanyang balikat bago umupo sa aking harapan saka nagsimula akong tulungan sa paglalagay ng palamuti.

"Maaaring hilingin ng karamihan na makita ang mukha ni Mahal na Prinsesa, Shuji. At ito lang ang paraan upang hindi na nanaisin ng sino man ang pagtangkaan na makita ang mukha ng Kamahalan." Paliwanag ni Yoshie.

Tahimik na nag-isip si Shuji ng ilang saglit bago nagsalita. "Akin ng naintindihan ang iyong nais mangyari, Mahal na Prinsesa. Kung sakali man na hilingin ng mga dadalo sa pagtitipon na masilayan ang iyong mukha, ang kanilang makikita ay isang pangit at nakakadiring mukha. Sa ganoon, hindi na nila hihilingin na masilayan pa ulit ito."

"Tama ang iyong tinuran, Shuji. At sa pamamagitan nito mas binigyan natin sila ng katibayan upang paniwalaan ang tungkol sa usap-usapan na kumakalat. Ang tungkol sa taguring Prinsesang Itim at tungkol sa sumpa ng aking pagsilang."

"Subalit bibigyan mo rin ng pagkakataon angniyong mga katunggali na ikaw ay hamakin, Mahal na Prinsesa. Kapag iyong ipapakita sa lahat na naroon ang ginawa mo ngayon sa iyong pagmumukha ay pagtatawanan at pandidirihan ka ng lahat." Nag-aalalang wika niya.

Nagpatuloy ako sa paglagay ng palamuti sa aking mukha gayundin si Yoshie na mas piniling manahimik. Isang pangit at nakakadiring mukha ang masisilayan ng lahat ng dadalo sa pagtitipon. Sa tulong ng mga palamuting nasa aming harapan, nilagyan ko ng parang mga sugat na hindi gumagaling at sa paligid nito ay nagmumukhang namamaga, natutuklap at bahagyang nagtutubig na mga balat.

A Fairy Tale Like WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon