AFLW 21: Kapanalig at Kaaway

892 38 5
                                    

AFLW 21: Kapanalig at Kaaway

****

Prinsesa Yuki POV

Nakatayo sa hindi pansinin na sulok at pinanood ang pagkakagulo ng mga Opisyal, Ministro at Maharlikang angkan sa labas ng Punong Tanggapan. Aking tiniyak na walang makapansin sa akin. Tahimik akong nagmamasid sa mga nangyayari.

"Shuji, tiniyak mo ba na nasa maayos ang lahat?" Ang aking tanong na hindi humiwalay ng tingin sa Punong Tanggapan.

"Huwag kayong mangamba, Mahal na Prinsesa. Natitiyak ko na nasa maayos ang lahat."

"Mabuti. Hindi ko nais na mabigo tayo sa ating sinimulan. Samantalahin na natin ang nangyayaring kaguluhan sa kanilang panig." Ang aking wika habang nakatingin sa mga nagtitipon sa Punong Tanggapan. "Magpadala ka ng mensahe, Yoshie. Nais kung makausap ang ating mga kapanalig. Shuji, lalabas ako ng palasyo sa mga susunod na araw. Ihanda mo na ang mga dapat ihanda."

"Masusunod, Mahal na Prinsesa." Magkasabay na sagot ng dalawa.

Isang huling sulyap ang aking ginawa sa Punong Tanggapan bago tumalikod upang umalis.

"Tayo na. Marami pa ang dapat na ihanda. Hayaan na natin sila sa pagharap at paglutas ng kanilang suliranin. Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang ating mga balak."

Ng makarating sa aming tirahan ay agad nagpaalam si Yoshie na maghahanda para sa gagawin naming pakikipagpulong sa mga kapanalig.

Si Shuji naman ay tiyak ang kaligtasan ng paligid. Magmula ng mangyari ang pagkakalason sa akin ay naging mas maingat at mapagmatyag na si Shuji sa lahat ng pangyayari sa paligid. Hindi na rin siya nagtitiwala agad kahit pa sa mga tagasilbi.

Pagpasok ko sa aking silid ay agad kung kinuha ang Aklat ng Impormasyon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing ito ay hawakan. Sapagkat bumabalik sa aking alaala ang aming pagtatagpo ng lalaking aking pinakamamahal sa hindi inaasahang pagkakataon. Mga masasayang alaala na lamang ang tanging bagay na maaaring aking panghawakan sa aming dalawa.

Aking pinag-aralan ang mabuti ang laman ng Aklat at tinyak na hindi makakalimutan ang mga pangalang nakatala. Sa maka-ilang ulit na aking pag-aaral sa talaang ito ay hindi ko pa rin mapagtanto ang Pinuno ng Yakuza. Walang nakatala hingil sa kanya maliban sa isa itong maimpluwensyang tao sa lipunan. Walang kahit maliit na detalye ng kanyang pagkakakilanlan.

Hindi ko maiwisang bahagyang hilutin ang aking noo. Sapagkat hindi ko pa rin mawari ang aking maaaring gawin upang malaman kung sino sa aking mga kaaway ang aking hinahanap. Ang pagbagsak lamang ng Pinuno ang nakikita kung paraan upang tuluyang malutas ang nagbabantang kapahamakan sa aming Kaharian at sa buong Imperyo.

Subalit tama bang iasa ang mga bagay na ito sa babaeng tulad?

Hindi ko maiwasan ang magmaktol sa sitwasyong aking kinasusuongan. Batid ko na hindi magdadalawang isip ang Mahal na Prinsipe na ako ay tulungan. Subalit hindi ko maiwasan ang mangamba na baka hilingin niya sa akin ang isang bagay na napakahirap ipagkaloob sa kanya. Kung sana hindi lamang napagtanto ng Mahal na Prinsipe na ako ay kanyang mapapakinabangan hingil sa kanyang pansariling hangarin.

Hintayin ko lamang ang tamang pagkakataon upang hilingin ang kanyang tulong. Isa siyang kapanalig kaya sa oras na kailangan ko siya para sa katuparan ng aming balak ay wala siyang karapatang humiling sa akin ng kapalit.

Tumigil ako sa pagkakabisa ng mga pangalang nakatala sa aklat at lumabas ng aking silid. Nais ko muna ang lumanghap ng sariwang hangin upang makahinga ng maluwag. Sa aking paglabas ay nakita ko ang isang taga-lingkod ni Ginoong Wakamoto na nakikipag-usap kay Shuji.
Yumukod siya bilang paggalang ng makalapit ako sa kanilang kinatatayuan.

A Fairy Tale Like WorldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ