AFLW 20: Pagtupad sa Kasunduan

888 36 14
                                    

AFLW 20: Pagtupad sa Kasunduan

****

Prinsesa Yuki POV

Aking sinalubong ang bukang-liwayway sa Hardin ng Palasyo ng puno ng pag-asa. Sapagkat akin ng sinimulan ang mga nararapat gawin upang aking matupad ang aming tunay na layunin sa pagpasok dito sa Palasyo. Gagawin ko ang lahat upang magtagumpay. Ang pagkabigo ay walang puwang sa aming layunin.

Sa tuluyang pagsikat ng araw ay bumalik na ako sa aking tirahan at naghanda. Ilang sandali na lang ay ipapatupad na ang parusa sa dalawang nagkasala. At kailangan ko itong mapigilan upang makamit ko ang aking nais. Hindi ako maaaring umurong sa kasunduan.

"Hindi na ba magbabago ang iyong pasya, Mahal na Prinsesa?" Nag-aalalang tanong ni Yoshie.

"Paumanhin, Yoshie, dahil palagi kitang pinag-aalala." Ang aking sagot.

Bumuntung-hininga siya. "Sa loob ng ilang taon na aking pagsisilbi sa iyo, Mahal na Prinsesa, akin ng tinanggap na ilalaan ko ang aking buhay sa pag-alala sa iyo. Subalit sa pagkakataong ito ay ibang pag-alala ang aking nararamdaman. Hindi mo man ilalagay sa panganib ang iyong buhay subalit ilalagay mo sa alanganin ang iyong dignidad at katayuan. Hindi karapat-dapat na ikaw ay magmaka-awa upang iligtas ang mga taong nagtangka sa iyong buhay."

"Hindi ako magmamaka-awa, Yoshie, ako ay magpapatawad lamang. Kung ang maging kapalit ng aking pagpapatawad, kahit sa taong itinuturing kung kaaway, ay ang magtagumpay, malugod kung gagawin maging ang magpapakababa."

"Wala na bang ibang paraan, Prinsesa Yuki, maliban sa iyong gagawin?"

"Maraming paraan Yoshie subalit ito ang aking pinili. Pagtatawanan ako ng karamihan at iisiping nasisiraan ng ulo subalit ang maging kapalit ay natitiyak ko na higit pa sa aking inaasahan."

"Nawa'y matupad lahat ng iyong hangarin sa iyong gagawin, Mahal na Prinsesa."

"Iyan ang isang bagay na aking titiyakin, Yoshie. Sa tulong mo at tulong ni Shuji. Batid ninyong dalawa na kayo ang aking pinagkakatiwalaan higit kanino man."

"Maaasahan mo kami sa lahat ng pagkakataon, Mahal na Prinsesa."

Ipinagpatuloy na namin ang paghahanda. Ng pumasok si Shuji upang sunduin kami sapagkat handa na ang lahat ay humayo na kami patungo sa bulwagan. Sa aming pagdating sa bungad ng bulwagan ay nakita na namin na marami na ang nagtitipon at naghihintay ng mangyayari. Nagsismula na rin ang Punong Kalihim ng Emperador sa pagbasa ng hatol at pagpapatupad ng parusa. Sa tabi ng Punong Kalihim ay naroon ang dalawang Prinsipe.

Si Prinsipe Daiki ang nagpapatibay ng kaparusahan habang buo ang suporta ng ni Prinsipe Daisuke sa kanyang kapatid. Na sa hindi ko malamang kadahilanan ay kanina pa ako hindi hinihiwalayan ng paningin magmula sa aking pagpasok hanggang na naglalakad ako gitna.

Ang lahat ng paningin ay natuon sa akin. Batid ko na hindi nila inaasahan ang aking pagdalo lalo na ang abalahin ang ginagawang pagpapatupad.

"Mahal na Prinsesa, anu ang dahilan at pinangahasan ninyong pumasok at tumuloy sa gitna ng bulwagan?" Ang tanong ng Punong Kalihim.

"Paumanhin Punong Kalihim, subalit sa aking palagay ay hindi kataka-taka na dahulan ko ang pagpatupad ng parusa sa mga taong nagtangka sa aking buhay. Subalit bago ang lahat maaari ko bang makausap ang Mahal na Prinsipe?" Tinapunan ko ng tingin si Prinsipe Daiki.

"Nasa gitna tayo ng magpapatupad ng kaparusahan sa mga taong nagkasala. Kung ano man ang iyong nais sabihin ay makakapaghintay hanggang sa matapos ang pagpapatupad ng parusa." Si Prinsipe Daisuke ang sumagot.

A Fairy Tale Like WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon