AFLW 24: Pain At Tukso

790 34 7
                                    

AFLW 24: Pain at Tukso

***

Prinsipe Daisuke

Ilang araw na ang nakalipas magmula ng mangyari ang aksidenteng iyon sa amin ni Prinsesa Yuki. Natagpuan na din ang mga sumugod at nagtangka sa aming buhay subalit nananatiling tikom ang kanilang bibig. Walang nais magsalita kung sino ang nag-utos sa kanila upang pagtangkaan ang aming buhay.

Sa nakalipas na mga araw ay ma's pinili kung manatili sa aking tahanan. Hindi tumatanggap ng bisita maging ang aking kapatid na Prinsipe. Tanging ang aming Mahal na Ina lamang ang hinayaan ko na makapasok at madalaw ako. Ang Mahal na Emperador ay maraming gawain para sa Palasyo kaya minsan lamang siya nagkakaroon ng pagkakataon upang puntahan kami. Madalas ay kami ang kanyang pinapatawag sa bulwagan o sa kanyang tahanan.

Sa mga araw na lumipas ay pinili kung umiwas sa mga taong tiyak na magdudulot lamang ng sakit sa akin. Si Prinsesa Yuki, ang unang babaeng minahal ko. At ang Mahal na Prinsipe, na matagal na palang alam ang mukha sa likod ng telang nakatakip subalit hindi man lamang ipinaalam sa akin. Walang akong nais makita isa man sa kanila.

Subalit hindi ko rin natagalan ang pananatili sa aking tahanan kaya isang hapon ay lumabas ako upang maglakad-lakad sa Hardin ng Palasyo.
Napapikit ako at tipid na ngumiti ng humaplos sa aking mukha ang mabining hangin. Aamoy ko ang mabangong halimuyak ng mga naggandahang bulaklak na kamumukadkad pa lamang.

Napabuntung-hininga ako at ninamnam ang kapayapaang sumakop sa akin. Gumaan ang aking dibdib sa upang saglit na pananatili sa Hardin. Kailangan ko lang pala ang mga bulaklak upang mapagaan ang aking damdamin.

Palabas na ako ng Hardin ng may naulinigan akong mga boses na masayang nagtatawanan. Pamilyar sa akin ang mga boses kaya napatigil ako sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako upang makita kung saan nanggaling ang tawanan. Subalit wala akong nakita, ng muli ay marinig ko ang tawanan, sinundan ko kung saan nanggaling ang mga boses.

Sa likod ng isang malagong halaman at napalibutan ng mga iba't ibang uri ng magagandang bulaklak, nakitang ko na ang Mahal na Prinsesa at ang Mahal na Prinsipe. Masaya silang nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Mahigpit kung naikuyom ang aking mga kamay ng maramdaman ang hindi maipaliwanag na emosyon sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagkabigo at sakit subalit mas lamang ang paninibugho sa aking nakita. Batid ko na wala akong karapatan subalit pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng dalawang taong mahalaga sa akin.

Napapitlag ako ng may humawak sa aking kamay at tinanggal ang pagkakakuyom nito. Pagbaling ko ay nakita ko si Binibining Fukuri.

"Hindi mo dapat pinipigilan ang galit na iyong nararamdaman, Prinsipe Daisuke. Ipakita mo, iparamdam mo sa kanila na nagkamali sila na ikaw ay saktan, pagtaksilan." Isang matamis na ngiti ang umalpas sa kanyang mga labi.

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi, Binibini." Binawi ko ang aking mga kamay at umiwas sa kanyang tingin.

Tumayo siya sa aking tabi. "Pagmasdan mo ang dalawang taong masayang nagtatawanan, Prinsipe Daisuke. Hindi mo man aminin, batid ko na nasasaktan ka sa iyong nakikita. Ang babaeng iyong tinatangi ay natutuwa at masaya na kasama ng iyong Mahal na Kapatid."

Napatingin ako sa mga taong kanyang tinutukoy. Tama siya, nakapasaya nga ng dalawang taong mahalag sa akin, na kapiling ang isa't isa. Tama din ang Binibini, nasasaktan ako subalit hindi ko aaminin ang bagay na iyon sa kanya.

"Sapat na sa akin ang makita silang masaya." Ang aking sagot.

"Isang kahangalan!" Ang matigas na wika Miyako. "Bakit mo hahayaang mapunta sa iba ang babaeng iyong tinatangi? Ang Mahal na Prinsipe na ang Tagapagmana ng Korona, pati ba naman ang babaeng gusto mo ay hahayaan mong mapunta din sa kanya?"

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now