AFLW 11: Impormasyon, Unang Misyon

1.1K 41 10
                                    

AFLW 11: Impormasyon, Unang Misyon

****

Prinsesa Yuki POV

Aking sinilip ang labas upang makita kung saang bahagi na kami ng bayan kung saan naroon ang Palasyo ng Imperyo. Ilang metro na lang at makakarating na kami sa bukana ng bayan, naroon ang Tahanan kung saan inihahanda ang lahat ng taong papasok ng Palasyo. Palabas kami ng Palasyo upang dumalo sa palaro na ang Mahal na Prinsipe ang magbibigay ng parangal. Hindi ko inaasahan na makakalabas pa ako ng Palasyo sa pagsisimula ng Pagpipili.

Nagpahinga lamang kami ng ilang sandali at tumuloy na sa lugar kung saan gaganapin ang laro. Ang aming kasuutan ay nanatiling tradisyonal sa kabila ng katotohanan na ang aming pupuntahan at isang modernong pagtitipon. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Umaasa ako na nandoon na sa lugar si Prinsesa Yuuna upang agad akong makapagpalit ng kasuotan. Matagumpay na naihatid ang mensahe sa aking mga kapatid. At nagpasabi si Prinsesa Yuuna na nais niya akong makausap kapag ako ay naroon na.

(Starting here I will be using Taglish, since you all aware that they're not inside the palace or the city where the palace is located. Which means, they are not bound by the dialect law anymore.)

Isang napagarang modernong sasakyan ang maghahatid sa amin sa lugar na pagdadausan ng laro. Aking pinagsawa sa magandang tanawin na aming nadaanan ang aking paningin. Ilang sandali na lang at makakatapak na uli ako sa modernong mundo na dati ay aking ginagalawan.

Sinalubong kami ng Konseho ng Imperyo sa labas ng Palasyo, ang konseho na nag-aasiko kapag ang angkan ng Emperador ay lalabas ng Palasyo. Inihatid kami sa isang silid ng Hotel malapit sa gusali na pagdadausan ng laro.

When we reach our room I automatically locked the door. I ransack the closet trying to find a pair of clothes. Unluckily, I haven't found any, only towel and extra undies. I sigh in frustration, I am in a hurry. I need to go meet my sister before we go watch the game. I can't go outside with this damn clothes I wear. I sat at the edge of the bed looking so frustrated, I don't even have a phone in me. Yoshie and Shuji just look at me in awe.

After a couple of minutes, we heard a knocked on the door. Shuji walk and open our unexpected visitor. Only to see my stunning sister in a black skirt, red tank top and a leather jacket with a 3-inches boots reaching her knees. Princess Yuuna or Ate Yen step in my room.

"Hey," lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "I brought you clothes. Dahil alam ko na wala kang dala. Hurry up and change so we can leave this place."

Kinuha ko ang paper bag na inabot niya at nagmamadaling pumasok ng banyo. Pero bago pa ako tuluyang makapasok pinigilan ako ni Shuji.

"Sandali, Mahal na Prinsesa, kailangan po nating umalis kasama ng Mahal na Prinsipe sa loob ng tatlumpong minuto. Magagawa niyo bang bumalik sa tamang oras?"

Napatigil ako saglit saka tumingin kay Ate Yen. "Do you have make up?" She nod. I turn to Yoshie. "Maghanda ka Yoshie, ikaw ang sasama sa Mahal na Prinsipe bilang ako."

"Subalit Mahal na Prinsesa --" pagtatangka ni Yoshie hindi sumang-ayon sa aking binabalak.

"Walang makaka-alam sapagkat natatakpan ang iyong mukha. At lalagyan ka ni Prinsesa Yuuna ng palamuti kagaya ng sa akin noong araw ng pagpapakilala. Susubukan man nilang tanggalin ang balabal ay wala makakakilala sa'yo."

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now