AFLW 25: Pagtataksil

772 27 6
                                    

AFLW 25: Pagtataksil

***

Prinsipe Daisuke POV

Isang linggo. Nagpalakad-lakad ako sa likuran ng aking tahanan at hindi mapalagay. May isang linggo ako upang pag-iisipin ang aking dapat gawin. Natawa ako ng mapakla. Hindi ko inaakala na pag-iisipan ko ang inaalok ni Binibining Miyako. Ang alam kung nararapat gawin ay ang tanggihan ang kanyang alok. Subalit aminin ko man o hindi sa aking sarili ay nagdadalawang isip akong tanggihan ito. Batid ko na sa pinakasulok ng puso ko ay naroon ang lihim na pag-asam na sana ako na lang ang naging Tagapagmana upang ako ang maging kabiyak ni Prinsesa Yuki kung sakaling siya ang mapili.

At ang pag-asam na iyon ay nagkaroon ng pag-asa ng sabihin sa akin ng Binibini ang maaaring mangyari. Ang mga bagay na matagal kung hindi pinapansin dahil naisip kung hindi tama. Subalit kailan ba naging mali ang umibig at ipaglaban ito? Kahit kailan ay hindi magiging mali ang umibig subalit ang mali ay ang ipaglaban ito ng lihis sa tama. At iyon ang kalalabasan kung tatanggapin ko ang alok ng Binibini. Hindi ko lang dudungisan ang aming Angkan kundi maging ang aking dangal at paniniwala.

Subalit ano ang silbi ng lahat ng iyon kung hindi ko lang din makakasama ang babaeng aking iniibig? Kayang bang pawiin ng dangal at paniniwala ang sakit at pangungulila? Maaaring pagiging makasarili ang aking gagawin subalit kaligayahan ko ang magiging kapalit. Magagawa ko bang itapon ang lahat ng mayroon ako makasama lamang siya?

Sa ngayon, hindi ko kayang sagutin ang lahat ng tanong sa aking isip. Ang lahat ay hinahanapan ko pa ng sagot sa aking sarili. Naguguluhan ako at nahahati ang aking damdamin at isip. Kailangan kung isaalang-alang ang lahat ng bagay bago magpasya.

"Pinunong Hitane," ang aking tawag.

"Anong maipaglilingkod ko, Prinsipe Daisuke?" Ang kanya ng tanong ng makalapit sa aking kinatatayuan.

"Maghanda ka, aalis tayo at tutungo sa siyudad. Nais ko munang umalis ng Palasyo upang makapag-isip ng maayos. Hindi magagawang mag-isip tuwid hangga't nasa paligid lamang ang mga taong dahilan ng kaguluhan ng aking kalooban. At anumang oras ay maaari ko silang makita. Nais kung sa aking pagbabalik ay may mabubuo na akong pasya."

"Ihahanda ko ang iyong paglisan ngayon din, Mahal na Prinsipe." Yumukod siya at mabilis ng tumalikod upang maghanda.

Napabuntung-hininga ako ng malalim ng makaalis na si Pinunong Hitane. Kung ano man aking mapagpasiyahan ay umaasa akong tama ang aking mapili. Ngunit isang lang ang natitiyak ko, kung ano man aking magiging pasya ay aking paninindigan. Sapagkat higit sa lahat ay iyon na lang ang matitira sa akin.

****

Gabi na ng dumating kami sa siyudad. Sa halip na dumiretso sa tahanan na laan sa amin kami ay nandito, ma's pinili kung tumuloy sa silid kung saan ko nakilala si Chase.

That guy. One thing I am sure about him, he held a special place in Prinsesa Yuki, Shandra rather. He maybe had nothing to do with the Princess but in her alter ego, being Shandra that she was, he is one of the important person in her life. Not even her responsibility and will to do what it's right can take that away.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Sino ang nakakaalam ng mga nangyari sa kanila ng umalis ako dito noon? Ayokong mag-iisip ng hindi maganda subalit hindi ko maiwasan.

Why I choose this place in the first place? Maybe because it bring back memories of our first encounter. Shandra and I. That first encounter that made my heart beat fast for the first time. Unfortunately, I am aware that even I do everything I can't have her. Not when someone owns her heart already. Not when I just let her. Not when it is not by force. But can I force her? Knowing her mysterious personality, I'm not really sure.

A Fairy Tale Like WorldOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz