AFLW 23: Ang Hinahanap

791 28 4
                                    

AFLW 23: Ang Hinahanap

****

Prinsesa Yuki POV

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinihintay na pagbagsak ng aking katawan sa tubig. Sa taas ng bangin ay umabot ang aking pagbagsak hanggang sa pinaka-ilalim ng tubig. Nabulabog ang payapang pag-agos nito dahil sa aming pagbagsak. Hinayaan ko lamang na lamunin ako hanggang sa kailaliman nito at hindi ko sinubukang lumangaw paahon.

Kung ito ang aking magiging wakas ay tatanggapin ko ng maluwag sa aking dibdib. Kung sa pamamagitan nito ay magawa kung takasan ang aking responsibilidad ay mas makakabuti. Alam kung kaduwagan ang hilingin ang sariling kamatayan subalit kung ito ang magwawakas sa aking paghihirap ay hindi maiwasang hilingin.

Sapagkat kung sakaling ako ay sumakabilang buhay ay hindi ako na makakaramdam pa ng pang-uusig ng aking budhi dahil nagawa kung talikuran ang aking tungkulin. Wala na akong mararamdaman na kahit ano at wala na akong alam sa mga nangyayari sa mundo. Hindi na ako makakaramdam ng pangungulila kahit kailan.

Dala ng aking kaduwagan at pagnanais na tapusin na ang lahat ay hinayaan ko ang tubig na ako ay lamunin hanggang sa kung saan niya ako nais dalhin. Subalit ang inaasahan kung dulo na puro lamang kadiliman ay hindi nangyari sapagkat ramdam ko ang maingat at puno ng pagmamahal na yakap.

"Wake up, Shan. You have to wake up. This not your time yet."

Isang masuyong boses ang aking narinig at binubulungan akong gumising. Ang kanyang mga yakap at boses ay pamilyar. Sa lakas ng tibok ng aking puso ay batid ko na ang yumakap sa akin ay ang taong dahilan ng aking pangungulila. Sa pagnanais makilala kung sino ang nagsasalita ay unti-unti kung iminulat ang aking mata.

"Chase." Mahinang kung wika ng masilayan ko ang kanyang mukha.

Initaas niya ang kanyang palad at masuyong hinaplos ang aking pisngi. "Shan, you have to wake up. This is not the right time to surrender, lady." Hinalikan niya ang aking noo.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit niyang labi na nakalapat sa aking noo. Hindi ko maiwasang mapangiti subalit agad din itong naghalo ng maramdaman ko ang pagluwag ng kanyang mga yakap. Mabilis akong nagmulat ng mata at hinakawan ang kanyang kamay bago siya makalayo. Batid kung sumigaw ako subalit walang lumabas na tinig sa aking bibig.

"Mahal kita, Shan." Ang kanyang wika bago tuluyang bumitaw.

"Chase!" Napabalikwas ako ng bangon. Napaubo ako at sumuka ng maraming tubig. Ramdam ko ang marahang paghaplos sa aking likuran. Binalingan ko ito ng tingin at aking nakita si Prinsipe Daisuke na siyang naka-alalay sa akin.

Napatingin ako sa paligid matapos kung mailabas ang lahat ng tubig na pumasok sa akin ng mawalan ako ng malay. Nasa gilid na kami ng ilog at walang bakas ni Chase. Taliwas sa nangyari kanina lang ng hinayaan ko na ako ay lunurin ng tubig. Isang panaginip o isang paalala. Napahawak ako sa aking puso at napapikit.

I miss you so much, Chase. And I love you.

Hindi ko maiwasang ibulong sa hangin ang mga katagang iyon.

Prinsipe Daisuke

Nagulat ako ng bigla na lamang hilahin ni Prinsesa Yuki. Subalit lalo akong nagulat ng mamalayan ko na parang lumulutang at ilang sandali pa ay bumagsak ang aking katawan sa tubig. Kasabay ng aking pagbagsak sa tubig ay ang pagbagsak din ni Prinsesa Yuki hindi kalayuan sa akin. Saka lamang aking napagtanto na kami pala ay nahulog sa bangin. At ang aming kinabagsakan ay ang pinakamalalim na bahagi ng ilog.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now