AFLW 5: Palasyo ng Imperyo

1.3K 47 13
                                    

AFLW 5: Palasyo ng Imperyo

****

Prinsesa Yuki POV

(Ang pangyayaring ito ay pagkatapos ng pangyayari sa Prologue: Paninindigan)

Kasabay ng pagtapak ng aking paa sa malaki at magarang tarangkahan ng Palasyo ng Imperyo ay ang mariing pagpikit ng aking mata. Naka-alalay sa akin si Yoshie upang tuluyan kaming makapasok. Pagbukas ko ang mata ay sumalubong sa aking paningin ang mga taong maayos na nakahanay di kalayuan sa aming kinatatayuan. Kung pagbabasehan ang suot ng mga nasa unang hanay walang na opisyal sila ng Imperyo.

"Maligayang pagdating sa Palasyo ng Imperyo, Prinsesa Yuki." Nakangiting bati ng may katandaang lalaki sa gitna saka yumukod ng bahagya. Sumunod namang bumati ang iba pa at sabay-sabay.

"Maraming salamat sa pagsalubong." Bahagya din akong yumukod pati sina Shuji at Yoshie bilang tanda ng paggalang at pagbati.

"Ako Punong Kalihim ng Imperyo at ako ang inatasan ng Mahal na Emperador na sumalubong sa iyong pagdating Mahal na Prinsesa."

"Ipagpaumanhin po ninyo kung nakaka-abala kami--" agad niyang pinutol ang aking sinabi.

"Karangalan ko ang sumalubong sa'yo at ihatid sa Mahal na Emperador at Mahal na Emperatris, Mahal na Prinsesa. Ang iyong lolo, ang Mahal na Hari ay isang malapit na kaibigan."

"Ikinagagalak ko kayong makilala, Punong Kalihim. Hindi nabanggit sa akin ng Mahal na Hari na may malapit siyang kaibigan dito." Bahagyang natawa ang Punong Kalihim.

"Hindi ugali ng Mahal na Hari na ipangalandakan ang mga kaibigan niya na opisyal ng Imperyo. Siguradong alam mo iyan, Mahal na Prinsesa."

"Tama po kayo, Punong Kalihim." Nakangiting na aking sagot. Hindi man makita ng Punong Kalihim ang aking sapagkat natatakpan ang aking mukha alam ko naman na nararamdaman niya ito.

"Tayo na, Mahal na Prinsesa, ihahatid na kita sa Punong Tanggapan ng Imperyo."

"Maraming salamat po, Punong Kalihim." Bahagya akong yumukod ulit sa kanya bago siya sinundan patungo sa sinabi niyang Punong Tanggapan.

Pagdating sa bungad ng Punong Tanggapan ay ipinagbigay alam ng Punong Kalihim ang aming pagdating. Agad naman itong inanunsyo ng isang sundalo. Pagbukas ng pinto ay hindi ko maiwasang mamangha sa gara ng loob. Mas higit na magara sa Tanggapan ng aming Palasyo. Sa magkabilang gilid ay nakatayo ang mga opisyal ng Imperyo. At sa gitna, sa dulo ng aking kinatatayuan naka-upo sa upuan na kumikinang at napapalamutian ng ginto, ang walang duda, ay ang Emperador. Sa kanyang kaliwa, mababa ng isang baitang mula sa kinauupuan ng Emperador ay isang napakagandang babae, ang Emperatris.

Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Yoshie sa aking likuran kaya nagising ako sa saglit na pagkamangha sa aking nasilayan. Bahagya kong inilibot ang aking paningin upang makita kung may iba pa bang katulad ko ang nandito sa Punong Tanggapan. Subalit wala akong nakita kahit isa. Baka nauna na ang iba o hindi pa dumating. Natuon ang aking paningin sa bakanteng upuan sa kanan ng Emperador. Napaismid ako, hindi man lang nag-abala ang Prinsipeng Tagapagmana na salubungin ang maaari niyang maging kabiyak.

Naglakad na ako sa gitna ng mga opisyal patungo sa harap ng Emperador at Emperatris. Agad lumuhod sina Shuji at Yoshie yumukod bilang paggalang at pagbati sa taong may pinakamataas na kapangyarihan sa buong banda. (One bended knee, yung isang tuhod lang ang nakaluhod ha,)

Yumukod naman ako ng bahagya bilang paggalang at pagbati. Hindi ko kailangan lumuhod dahil kanilang ako sa angkan ng Maharlika at Prinsesa ng malayong Kaharian ng Daichi.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now