AFLW 4: Ang Punong Ministro
****
Kararating lang ng Punong Ministro sa kanyang tahanan. Siya ay nanggaling sa isang bahay-aliwan kasama ang mga kapanalig niyang ministro at iba pang matataas na opisyal ng palasyo. Palihim silang nagpulong hinggil sa pagpapadala ng Kaharian kay Prinsesa Yuki sa Imperyo. Palihim na nakipagkita at nakipagkasundo sa kanya ang isang opisyal ng Imperyo na kasama ng sugo na dumating sa kanilang Kaharian.
Ang opisyal na kasama ng sugo at nakipagpulong sa Punong Ministro ay lihim na kapanalig ng Yakuza. Napagkasunduan nila na kapag tinulungan sila ng Punong Ministro na hindi si Prinsesa Yuki ang mapili bilang kabiyak ng Prinsipeng Tagapagmana, hihinto na ang Yakuza sa mga tangka niyong pagwasak at pag-angkin sa Kaharian ng Daichi.
Subalit kasabay ng planong ganoon ay ang planong pagtataksil ng Punong Ministro sa Mahal na Hari. Mababawasan ang tiwala ng mamamayan sa angkan ng Hari kapag hindi mapili si Prinsesa Yuki. At kapag mangyari yun iniisip ng Punong Ministro na iyon na ang tamang pagkakataon upang maagaw ang trono.
Kapapasok lang ng Punong Ministro sa tarangkahan ng may isang palaso ang tumama sa pinto ng kanyang tahanan. Isang anino ang kanyang namataan sa itaas ng pader na mabilis na tumalon palayo. Agad niyang inutusan ang ilan sa mga tauhan na habulin ito.
Hindi nadakip ng kanyang mga tauhan ang anino na naaninag. Kinuha ng isang bantay ang palaso at inabot sa Punong Ministro ang mensahe na nakatali dito. Ang mensahe ay nakasulat sa isang maputi at manipis na tela.
Pumunta ka sa dulong bahagi ng bayan, Punong Ministro, hanapin mo ang isang kubol, hindi ka maaaring magsama ng iba maliban sa iyong bantay. Hihintayin kita bukas ng gabi.
Maikling mensahe lang nakapaloob dito subalit may dalang panganib. Ang telang hawak niya na may mensahe ay katulad ng mga telang natagpuan malapit sa bangkay ng mga kasamahan niyang karumaldumal na pinatay ng isang walang-awang nilalang. Kahit may kaunting takot natagpuan ng Punong Ministro ang sarili na nagdesisyong puntahan ang nasabing lugar. Kailangan niyang malaman kung sino ang taong nasa likod ng mga pagpatay. Nais din niyang gapiin ito at pagbayarin sa mga naging kasalanan nito.
*****
Prinsesa Yuki POV
Sinalubong ko ang pagpasok ni Shuji sa aking tahanan. Yoshie at ako nalang ang gising ng mga oras na iyo, tulog na ang lahat ng mga taga-silbi sapagkat malalim na ang gabi.
"Nagawa mo ba ang aking iniutos, Shuji?" Ang aking bungad sa bagong dating.
"Matagumpay ko po na nagawa ang aking misyon, Mahal na Prinsesa." Sagot ni Shuji na bahagyang yumukod bilang pagbati.
"Magaling, kahit kailan hindi mo ako binigo. Magpahinga ka na at bukas ihanda mo lahat. Nais kung masiguro na magtagumpay ang aking balak."
"Nainitindihan ko, Kamahalan."
Tumuloy na ako sa aking silid at hinayaan na silang magpahinga. Marami pa kaming dapat na ihanda kinabukasan sapagkat sa susunod na araw na kami aalis patungo ng Mansiyon ng Imperyo para sa tatlong buwang pagsasanay. Kailangang matutuhan muna namin ang lahat ng mga batas sa loob ng Palasyo ng Imperyo sa pamamagitan ng pag-aaral sa paaralan ng mga maharlika. Mahigpit ang batas sa loob, at isang maliit na pagkakamali ay may karampatang parusa.
BINABASA MO ANG
A Fairy Tale Like World
Historical FictionThis a Book 2. Book 1: That Gangster Is A Princess... For Real? It's time to face her world being a Princess for real. Living in a fairytale-like world, but this world is not magical. A fairytale-like world surrounded by people full of greed, envy...