AFLW 13: Sulyap at Pag-asam

1K 41 35
                                    


AFLW 13: Sulyap at Pag-asam

***

Prinsipe Daisuke POV

Napatingin ako sa relo na nasa aking bisig. Maghahating-gabi na subalit narito pa rin ako sa central park sa siyudad. Sa loob ng halos tatlong buwan pagkatapos ng nangyaring pag-atake dito sa siyudad, ilang beses na ba akong nagpabalik-balik dito? Hoping against hope to take a glimpse of the beautiful girl I met that day. But no luck at all, because I haven't seen her since then. I even hired an investigator to locate her but no result. It seems like she disappear after that day.

"Shandra Bethany Davies, where the hell are you?" I whispered. I was able to find out her full name and do a background check.

She's the youngest child of the business magnate, Ethan Arshone Davies of McArden Empire. The main base of the company is in Iceland, but she was not there. The Davies's led a very private life, so, I only got a limited information about her. And the siblings never showed in public.

When the clock strikes 12mn I decided to walk back to the hotel where I stayed. Lumipas na naman ang isang pagkakataon na hindi ko man lang nasilayan ang babaeng kumuha ng buong interes ko. Simula ng makilala ko siya ay araw-araw na akong umasam na makita siya muli.

"Hindi naman naging makabuluhan ang iyong pagtakas sa Palasyo, Prinsipe Daisuke. Sa loob ng halos tatlong buwan na ito ay iyong ginagawa, wala pa ring nangyayari. Baka panahon na upang kayo ay sumuko?"

Napatingin ako sa aking punong bantay, si Pinunong Hitane. Alam kung may punto siya subalit hindi ako susuko. Pasasaan ba at matatagpuan ko din si Shandra.

"Gaya ng iyong sinabi Pinunong Hitane, ilang buwan pa lang ang lumipas. Naniniwala akong matatgpuan ko din siya kaya hindi ako susuko."

He sigh. "Iyong nabanggit na may tumulong sa kanya ng araw na iyon. Nalaman mo ba kung ano ang kanilang ugnayan?"

"Ang sabi sa akin ni Shandra kaibigan niya daw ang lalaki na ipinakilala niyang Chase. Ayon sa impormasyon na aking natanggap Chase Rayon Scamper ang kanyang buong pangalan. Nakatira sa Pilipinas at nag-aaral sa CAU, ang paaralan na pag-aari ng Kaharian ng Daichi. Naging magkakaklase at magkaibigan sila bago lumipat sa ibang lugar si Shandra. Lugar na hindi pinangalanan ng kahit sino sa mga naging kaibigan niya sa Pilipinas."

"Napansin mo ba Prinsipe Daisuke na mukhang maraming lihim ang pagkatao ng babaeng hinahanap mo?" Nakahawak sa baba at nag-iisip na wika ni Pinunong Hitane. "Sino at ano ba talaga ang pagkatao ng babaeng iyon?"

"Isang beses ko lang siyang nakita. Pero masasabi ko na hindi siya ordinaryo o simpleng babae lang. Kaya nga lalo akong nabibighani sa kanya."

Napailing lang si Pinunong Hitane sa aking tinuran. "Magpahinga na kayo Kamahalan, maaga tayong babalik ng Palasyo bukas. Ayokong madamay kapag kayo ay parusahan ng iyong Ama dahil sa iyong pagtakas."

Tinapik ko ng magaan ang kanyang balikat. "Kapag ako ay naparusahan kasama ka Pinuno sapagkat ako ay iyong kinunsinti." Nakangisi akong nagpatiuna sa paglalakad patungo sa aming tinutuluyan.

***
Kasalukuyan akong tumatakbo upang takasan ang mga sundalo na ginawan ko ng kalokohan. Tumalon ako sa maliit na pader malapit sa Hardin ng Palasyo. Palabas na ako ng Hardin ng mamataan ko ang Prinsipeng Tagapagmana na nakatulalang naka-upo. Sa halip na magtago upang hindi makita ng mga sundalo ay nilapitan ko ang Mahal na Prinsipe.

"Kamahalan, kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman kung anu ang iyong iniisip?" Umupo ako sa kanyang tabi. "Aking napansin ang iyong malalim na pag-iisip magmula ng ikaw ay manggaling sa labas ng Palasyo."

A Fairy Tale Like WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora