AFLW 15: Zander, Heneral Rin

957 34 6
                                    

AFLW 15: Zander, Heneral Rin

***

Prinsesa Yuki POV

"Ano ang iyong balak, Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Yoshie habang tinutulungan akong mag-ayos ng sarili. Salamat sa paunang lunas na binigay ng manggagamot ng Prinsipe, nagagawa ko ng iangat ang aking katawan ng mag-isa. Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito sa akin. Na may maglakas-loob na lasunin ako.

"Ano ang iyong ibig sabihin, Yoshie?"

"Ipinaalam sa amin ng Mahal na Prinsipe na kailangan kayong dalhin sa labas upang gamutin. Malubha ang iyong kalagayan at hindi matiyak ng manggagamot ang iyong kaligtasan."

"Hindi ako maaaring umalis dito. Dahil sa oras na umalis ako hinayaan ko na rin na matakas ang may gawa nito sa akin. Magkakaroon sila ng pagkakataon na linisin lahat nang naiwang patunay sa ginawa nilang krimen."

"Subalit -"

Hinawakan ang kamay ni Yoshie. "Huwag kang mag-alala Yoshie. Walang mangyayaring masama sa akin kaya ipanatag mo ang iyong sarili. Hindi hahayaang sa ganitong paraan tayo babagsak. At kapag malaman ko kung sino ang may pakana sa lahat ng ito, mararanasan niya ang uri ng ganti ko na hindi niya nanaiisin."

"Higit sa ano pa man, ang iyong kaligtasan ang higit na mas mahalaga, Prinsesa Yuki, kaya hindi mo maiaalis sa amin ang labis na mag-alala. Si Shuji at halos hindi na nagpapahinga matiyak lamang na walang panganib."

"Ganun ba?" Napabuntung-hininga ako. "Ipatawag mo si Shuji, nais ko siyang makausap."

Yumukod si Yoshie at umalis na upang tawagin si Shuji. Ilang sandali lang at pumasok na ang Pinuno na hindi magawang itago ang pagod na nakabalatay sa kanyang mukha. Nanlalalim ang mga mata tanda ng walang matinong tulog at pahinga.

"Maayos na po ba ang iyong kalagayan, Prinsesa Yuki?" Nag-aalalang tanong ni Shuji.

"Hindi na ganun kahina ang aking pakiramdam. Nagagawa ko ng gumalaw ng marahan. Patawad kung pinag-alala ko kayo ng labis." Aking paghingi ng paumanhin sa kanila. Sa kabila ng aking katayuan marunong pa rin akong magpakumbaba at tumanaw ng utang na loob. Matagal ng naglilingkod sa akin ang dalawa kaya alam ko na labis ang kanilang pag-alala.

"Wala kayong dapat ihingi ng tawad, Mahal na Prinsesa. Batid namin na hindi ninyo sinasadya na kami ay pag-aalalahanin. At hindi ninyo maiaalis sa amin ang mag-alala sa bawat masamang mangyayari sa iyo."

"Kung ganun, " Ngumiti ako sa kanya. "Nais ko na ipahinga mo ang iyong sarili. Ibibigay ko sa'yo ang buong araw at gabi na upang makapagpahinga ka ng mabuti. Ito ay isang utos kaya kailangan mong sumunod."

Napailing na napangiti siya sa aking mga sinabi. Batid niya na hindi niya mababago ang aking pasya kapag sinabi ko ng isa itong utos.

Binalingan ko si Yoshie. "Maging ikaw Yoshie ay nais ko na magpahinga. Ako na ang bahala sa aking sarili. Ang Punong Lingkod na lang ang aking tatawagin kapag ako may kailangan."

"Maraming salamat, Mahal na Prinsesa." Sabay na salita ng dalawa. Tumango lang ako bilang sagot.

Nang makaalis na ang dalawa ay nagmamadali kung inabot ang mangkok at sumuka. Dugo pa rin ang lumabas.

How pathetic, Shan. Why did you allow yourself to be in this mess? Why didn't you notice something was odd? I can't believe you. I bet you get a scolding from Zander once he know. This is so unlikely you.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now