AFLW 10: Petisyon at Pananda

1K 42 13
                                    


AFLW 10: Petisyon at Pananda

***

Prinsesa Yuki POV

Sa tuwing lalabas ako ng aking tahanan upang mamasyal sa Hardin ng Palasyo o sa kung saang bahagi man ng Palasyo ako pupunta, bawat taga-lingkod at tagasilbi na aming makakasalubong ay binibigyan ako ng lihim na pailalim na tingin. Magmula ng araw na iyon, ang araw ng pagpapakilala, ay lumaganap na sa buong Palasyo ang usapin hinggil sa aking anyo. Maraming hindi magagandang salita ang umaabot sa aking pandinig. Iniiwasan ako ng lahat at pinandidirihan, kahit ang sarili kong mga taga-lingkod, tagasilbi at mga bantay. Subalit may iilan sa kanila ang mas ninais na manatili sa aking tabi at maging tapat sa akin. Gayunman, maging sila ay iniwasan at pinadirihan din ng mga kapwa nila kasamahan.

Sa halip na malungkot sa mga pangyayari ay mas lalo akong nasisiyahan sapagkat halos wala ng nais lumapit sa akin. Maliban kay Kisana Sachi na sa kabila ng kanyang nasaksihan ay lumalapit pa rin sa akin at nakikipagkaibigan. Inaalam ko pa ang lahat ng tungkol sa kanya at sa kanyang angkan. Kailangan kong mag-ingat sapagkat hindi ko alam ang kanyang tunay na hangarin.

Hindi lang ang tungkol kay Kisana ang inaalam ko kundi sa lahat ng mga babaeng pagpipilian pati na mga opisyal ng Palasyo. Kailangan may hawak akong dokumento sa lahat ng mga ugnayan nila sa loob at labas ng Palasyo. Lalo na sa angkan ng mga Wakamoto, sa lahat sa kanila ako mas naghihinala.

"Shuji, may nalaman ka ba sa iyong pagmamatyag sa buong Palasyo?" Agad na aking tanong ng makita ko ang kanyang pagpasok sa tanggapan ng aking tahanan.

"Sa susunod na linggo ay lalabas ang Mahal na Prinsipe sa Palasyo. Dadalo siya sa pinal na paglalaro ng mga kabataan sa larangan ng larong basketball. Siya ang magbibigay ng parangal."

"Kailangan ko pa lang kumilos upang makumbinsi ang Mahal na Prinsipe upang ako ay isama sa kanyang pagdalo ng nasabing laro. Maganda ang pagkakataon na iyon upang makuha ang mga impormasyon na ating kailangan mula sa aking ama."

"Paano mo makukumbinsi ang Mahal na Prinsipe, Prinsesa Yuki? Hindi sapat ang minsan mo siyang nakausap upang siya ay pumayag. Lalo na sa sitwasyong ating kinakaharap sa kasalukuyan." Nag-aalangan na pahayag ni Yoshie.

"Ano ang nais mong ipahiwatig Yoshie? Atin ng nakamit ang bunga ng tagumpay sa mga nangyari."

"Hindi ka nag-aalala man lang Mahal na Prinsesa? Paano kung maging ang Mahal na Prinsipe ay pinandidirihan din kayo? Sa iyong palagay, papayag siyang makasama ang isang tulad mo pagkatapos ng mga nangyari?" Ang kanyang paliwanag.

"Hindi lang ang bagay na iyan ang dapat nating pagtuunan ng pansin, Prinsesa Yuki. Sapagkat ayon sa aking narinig mula sa mga taga-lingkod ng bulwagan maraming petisyon na po ang ipinapaabot sa Emperador. Petisyon upang kayo ay tanggalin bilang kinatawan ng kaharian. Sapagkat sinasabi nila na hindi kayo nararapat upang maging isa sa babaeng pagpipilian. Ayon sa aking narinig, may mga petisyon galing pa sa pinakasulok na lugar na nasasakupan ng Imperyo." Nababahalang pagtatapat ni Shuji.

"Ibig sabihin lumaganap na hanggang sa pinakasulok na bahagi ng Imperyo ang tungkol sa iyong anyo, Prinsesa Yuki. Sa aking paniniwala ay hindi ito makakabuti sa iyong katayuan." Nababahalang pahayag ni Yoshie.

Isang misteryosong ngiti ang aking pinakawalan. "Taliwas ito sa aking inaaasahan. Hindi ko inaakala na mas mabilis na lalaganap ang usapin hinggil sa aking kaanyuan."

"Paano mo nagagawang ngumiti sa ganitong pagkakataon, Mahal na Prinsesa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yoshie.

"Kilala ko ang ganyang ngiti. Ano ang iyong binabalak Prinsesa Yuki?" Tanong naman ni Shuji.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now