AFLW 37: Pagsalakay

660 29 5
                                    

AFLW 37: Pagsalakay

***

Prinsesa Yuki

Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako kay Binibining Reina bago umupo sa aking umuupan at pormal siya ng tiningnan.

"Ang lakas ng loob mo na gawin ito, Prinsesa Yuki." Galit na wika niya. "Oras na maging Emperatris ako, titiyakin ko ako mismo ang magpapahirap sa'yo."

Tinaasan ko lamang siya ng kilay bago sumagot. "Umaasa ka bang ikaw ang magiging Emperatris pagkatapos ng lahat ng ito? Hindi ka makakatakas Binibini maliban kung hahayaan kita. At isa, hindi nararapat sa'yo ang korona. Isa ka ng huwad Binibini, sapagkat nasa akin ang lihim na kautusan na selyado ng Kamahalan. Bilang pagkilala na ako ang tunay na hinirang."

Nanlaki ang mga matang tumutig siya sa akin sabay iling at tawa. "Nananaginip ka ata, Mahal na Prinsesa." Tuya niya. "Naroon ka ng hirangin ako ng Kamahalan."

"Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi na lang natin tanungin ang bagong dating na panauhin?"

Agad na pumasok ng silid si Shuji kasama ang Heneral ng Imperyo. Yumukod siya bilang pagbati bago binalingan ang Binibini.

"Tama ang iyong narinig, Binibini." Pagkumpirma niya sa aking tinuran. "Hinirang ka lamang ng Kamahalan upang magkaroon ng pagkakataong makapaghanda para sa mangyayaring digmaan."

"Ginamit lamang ninyo ako upang pansamantalang mapigilan ang aking ama sa gagawing pagsugod?"

"Tama ka, Binibini." Aking sagot na may kasamang matamis na ngiti.

"Magbabayad kayong lahat. Lilipulin kayo ng aking ama at ng buong Yakuza." Galit na sigaw ng Binibini.

"Ilayo niyo ang babaeng yan. Tiyakin ninyong hindi siya makakatakas. Mananatili siya sa kakulangan hangga't malaman ang kalagayan ng isang taong bihag ng Yakuza." Tumayo ako at nilapitan ang nagpupumiglas na Binibini. Hinawakan ko ang kanyang mukha ng mahigpit at hinarap sa akin. "Gaya ng wika ko, kapag aking malaman na may nangyaring masama sa aking kaibigan na nasa kamay ng Yakuza at may kinalaman kayo ng iyong ama. Ako mismo ang papaslang sa'yo."

Kinaladkad na siya palayo ng dalawang tauhan patungo sa piitin. Kinalma ko muna ang aking sarili bago hinarap ang mga ng bawat pangkat. Ang mga kawal na kasama ng Binibini ay pawang nakakulong niya. Bumalik ako sa aking pwesto sa dulo ng mesa. Tiningnan ko ang mga Pinuno ng bawat hanay at maging ang Heneral.

"Bakit naparito kayo Heneral? Hindi natatandaang ipinaalam ko sa Kamahalan ang lugar na ito." Tiningnan ko siya ng mapanuri.

"Batid ko ang bagay na iyon, Mahal na Prinsesa. Subalit nakatanggap ang Kamahalan ng isang mensahe." Sagot ng Heneral.

Kinuha ni Yoshie ang mensahe at ibinigay sa akin. Inabot ko ito at kunot-noong binasa. Nakalagay sa mensahe ang mangyayaring pulong.

Tumikhim ang Pinuno ng may pananda na itim. Napatingin ang lahat sa kanya. "Ako ang nagpadala ng mensahe, My Lady. Mahigpit na ipinagbilin ng Grand na sa oras ng pulong sa nalalapit na digmaang magaganap ay kailangang narito ang Heneral ng Emperador."

Hindi ako umimik at nilimi ng husto ang kanyang sinabi. Napabuga ako ng hangin bago nagsalita. "Naintindihan ko." Tumatango-tango na aking wika.

"Sino ang Grand na ito, Mahal na Prinsesa? At sino ang mga taong ito?" Inilibot ang tingin sa lahat.

"Hindi mo na kailangang malaman pa ang tungkol sa kanya, Heneral. At tungkol sa mga taong ito. Sila ay mga tauhan ng Kaharian na lihim na nagkalat sa buong Imperyo. Sila ang dahilan kung bakit batid ng Mahal na Hari ang nagaganap sa bawat sulok ng ating bansa. At naparito sila upang tumulong at tiyakin ang aking kaligtasan."

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now