AFLW 27: Kapalit

641 33 3
                                    

AFLW 27: Kapalit

****
Prinsesa Yuki POV

Ng aking mabalitaan ang ginawang pakikipagtulungan ni Prinsipe Daisuke kay Binibining Miyako, sa hindi ko malamang dahilan, ay pinuntahan ko ang Prinsipe sa kanyang tahanan. Wala ang Prinsipe sa kanyang tahanan ayon sa taga-lingkod na aming napagtanungan. Hindi nila alam kung saan siya nagtungo kaya sinubukan ko siyang hanapin.

Sa lawak ng Palasyo ay duda ako na siya ay aking agad  makita. Sa halip na si Prinsipe Daisuke ay si Binibining Miyako ang aking nakasalubong. Ang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi ay hindi ko mawari ang ibig ipakahulugan. Napaka-simple ng kanyang pagngiti at napakaamo ng kanyang mukha subalit batid ko na hindi dapat pagkatiwalaan ang aking nakikita.

Bahagya siyang yumuko ng tumapat sa akin. Kahit ano pa ang kanyang gawin ay hindi maipagkakaila na ako ay may higit na mataas na antas lipunan.

"Magandang araw, Prinsesa Yuki." Ang kanyang pagbati.

"Magandang araw din sa iyo, Binibining Miyako." Bati ko sa kanya bilang pagpapakita ng isang mabuting asal.

Subalit sa aking loob ay nais kung pilasin ang nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi. Isang mapaglarong ngiti na sa aking palagay ay paghamon sa akin ang kaguluhan. Pinigil ko ang aking na sarili na magpakita ng anumang palatandaan na ako ay naaapektuhan sa paraan niya ng pagngiti

"Tila nagmamadali at may hinahanap ka, Prinsesa Yuki. Ako ba ay maitutulong?" Ang kanyang tanong habang kami ay binibigyan niya ng nagtatakang tingin.

"Maraming salamat sa iyong alok, Binibini. Subalit sa aking palagay ay hindi na kailangan. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ng Prinsipe sa kanyang tahanan. Maiwan na kita." Bahagya akong yumuko bilang tanda ng pagpapa-alam. Nilampasan ko siya, kasunod ang aking mga taga-lingkod, at kanyang mga taga-lingkod. Hindi pa man ako tuluyang nakalayo ay nagsalita siya kaya ako ay napatigil.

"Si Prinsipe Daisuke ba ang iyong hinahanap?" Naglakad siya papunta sa aking harapan. "Ang Mahal na Prinsipe Daiki ay naroon lamang sa kanyang tanggapan kaya hindi maaaring siya ang iyong hinahanap. Anong kailangan mo kay Prinsipe Daisuke."

"Nais ko lamang siyang makausap upang mabigyan ng linaw ang ilang mga bagay. Kung ano man ang mga iyon ay hindi mo ba kailangan na malaman pa."

Napaismid siya. "Tiyak ko na itatanong mo sa kanya ang dahilan kung bakit siya pumanig sa akin, tama ba?" Tinitigan ko lamang siya at hindi nag-abalang sagutin.

Ilang segundo ng pagtitig sa kanyang mukha sa pagbabasakaling may matutuklasan ay nakita ko ang pagsungaw ng galit at paninibugho sa kanyang mga mata. Ako ba ang dahilan ng kanyang nararamdaman? Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili. Minabuti ko na talikuran na lamang siya.

"Ikaw ang dahilan Prinsesa Yuki." Ang galit niyang wika. Napatigil ako sa paglalakad at napatayo ng tuwid sa aking narinig. Ano ang ibig niyang sabihin?

Marahas akong napabaling sa kanya. "Ano uli ang iyong sinabi?" Aking tanong sa matigas na boses.

"Hindi ko alam kung ano ang mayroon ka Prinsesa Yuki, maliban sa iyong pagiging dugong bughaw. Nakuha mo ang loob ng dalawang Prinsipe. Ang isang ay gagawin ang upang ikaw ang ay kanyang makasama. Samantalang ang isa ay nakahandang gawin ang lahat maibigay lang sa iyo ang isang bagay na natitiyak niya na iyong ninanais. Ang iyong kalayaan. At hindi ko mawari kung bakit nais mong maging malaya. Kung bakit nasabi niya na hindi ang pigiging Emperatris ang iyong pinapangarap."

"Ano ang ibig sabihin ng iyong mga tinuran Binibini?" Kunot-noong aking tanong sapagkat hindi ko maiintindihan ang kanyang mga sinabi.

"Hindi ka karapat-dapat na pahalagahan ng ganoon ng isa man sa dalawang Prinsipe. Dahil sa bandang huli pareho lang din silang masasaktan." Umiiling na wika niya. "Huwag mo ng kausapin si Prinsipe Daisuke. Tinitiyak ko sa'yo na hindi na magbabago ang kanyang pasya. At hindi kita hahayaang guluhin ang aming mga balak."

A Fairy Tale Like WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon