AFLW 35: Ang Pagpili

633 32 2
                                    

AFLW 35: Ang Pagpili

***

Prinsipe Daiki POV

Mariin akong napapikit habang nakatingala sa kalangitan. Ang araw na hinihintay ng lahat ay dumating na. Ngayon na ang araw ng pagpili. Ang mga tagasilbi at taga-lingkod ay abala sa pagparoo't parito. Noong isang araw pa sila nag-uumpisa sa paghahanda kaya ngayon ay tinitiyak na lamang nila na nasa ayos ang lahat.

Napatanaw ako sa malayo, ang aking isipan ay kasalukuyang naglalakbay patungo sa kanya. Umaasang kahit kaunti may maramdaman siyang pagtutol sa aking nalalapit na pag-iisang dibdib. Subalit mulat ako sa katotohanan na wala siyang katiting na nararamdaman sa akin. Maging ang magalit sa akin ay hindi niya ata magawang maramdaman.

She's one hell of a cold woman!

Napangiti ako ng mapakla. Mula sa araw na ito ay makukulong na ako sa isang kulungan na bukas palad kung hinayaan. Walang maaaring sisihin kundi ang aking sa sarili sa kahihinatnan ng lahat ng ito. Sapagkat hindi ko magawang ipaglaban ang nilalaman ng aking puso.

Madali lamang gawin para sa akin ang iwan ang aking tungkulin at sundan ang babaeng pinakatinatangi ko. Subalit hindi ko magawa. Ang kahulugan ng pagtalikod sa nakatakda ay ang kaligtasan ng aking Ama, Ina, Kapatid at ng buong Imperyo. Higit sa lahat ay ang kalayaan ng aming nasasakupan na tahimik, malaya at masayang namumuhay. Wala silang kinalaman sa alin mang kaguluhan. At madadamay sila kapag talikuran ko ang lahat. Ang aking kaligayahan kapalit ng inosenteng buhay? Hindi ko magagawa na piliin ang nauna kung huli ang maging kapalit. Sapat ang kaligayahan ko lamang ang maging sakripisyo.

"Napakalalim ng iyong iniisip, Mahal Kong Prinsipe."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang aking Ina na papalapit. Isang ngiti na puno ng pang-uunawa ang nakapaskil sa kanyang labi.

Yumuko ako bilang pagbati sa aking pinamamahal na Ina. "Mahal na Emperatris, bakit naparito kayo? Batid ko na kayo ay abala sa maraming bagay."

"Subalit hindi kaabala upang makita ang aking anak bago ang lahat." Masuyong hinawakan ni Ina ang aking balikat. "Handa ka na ba?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Kailangan ko ba talagang gawin ang bagay na ito, Mahal Kong Ina?"

Marahang tumango ang aking Ina sa tanong. "Patawad Daiki, anak, kung kailangan mong gawin ang lahat ng ito. Subalit ito lang ang alam naming paraan ng iyong Ama upang matiyak ang kaligtasan ng nakakarami. Pakiusap, gawin mo sa amin ng iyong Ama, kay Daisuke at sa Prinsesa."

Inabot ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking balikat at ikinulong ito ang aking mga palad. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo, Ina. At para sa buong Imperyo."

"Salamat, Prinsipe Daiki. Maraming Salamat." Inabot ako ni Ina at niyakap saglit. Hinalikan niya ako sa noo gaya ng palagi niyang ginagawa dati bago kami matulog. "Hinihintay ka na ng iyong Ama sa bulwagan."

Bumitaw siya at tumalikod patungo sa bulwagan kung saan tiyak kung naghihintay na ang lahat. Tumanaw ako sa maaliwalas na kalangitan at ngumiti ng pait ng nakikinita ko ang kanyang mukha. Itinaas ko ang aking kamay sa anyong aabutin ito. Sa huling pagkakataon ay ibulong ko ang katagang kailanman at hindi ko na magagawang banggitin sa kanya.

I love you, always!

Ipinilig ko ang aking sarili. Makalipas ang ilang saglit ay sinundan ko na si Ina sa Bulwagan. Gaya ng kanyang ay naroon na ang Mahal na Emperador at ako na lang ang hinihintay. Ng makaupo ako sa upuan na laan sa akin, sa kanan ng Emperador. Nagsimula na ding magsalita ang isa sa kabilang ng konseho.

A Fairy Tale Like WorldUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum