AFLW 22: Sa Labas ng Palasyo

869 31 10
                                    

AFLW 22: Sa Labas ng Palasyo

***

Prinsesa Yuki POV

Sa aking pakiramdam ay napakabigat ng hanging nakapalibot sa Palasyo. Nahihirapan akong huminga sa napakataas na tensyon sa paligid. Nangangamba ang karamihan sa mga Maharlikang Angkan sa nangyayaring patayan ng kanilang kauri.

Napadaan ako malapit sa tirahan ni Binibining Reina ng masaksihan ko ang kanyang pagtangis na puno ng pagdadalamhati. Hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa sapagkat nais kung mabatid ang dahilan ng kanyang pagluha.

Ng mapagtanto ang aking ninanais ay agad kumilos si Yoshie upang magtanong sa mga tagasilbi na nasa malapit lamang. Kung pagbabasehan ang kanilang umpukan at panaka-nakang pagsulyap sa Binibini ay mahihinuha mong ang tagpong aming nakita ang kanilang pinag-uusapan.

Bumalik si Yoshie na hindi maipaliwanag ang emosyong nakabakas sa kanyang mga mata.

"Mahal na Prinsesa, ayun sa mga tagasilbi ay nagdadalamhati ang Binibini sapagkat walang-awang pinaslang ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki."

Mabilis kung naibaling ang aking paningin kay Yoshie. "Ano ang iyong sinabi Yoshie? Pinaslang ang nakababatang kapatid ng Binibini?"

"Iyon ang impormasyong aking nakuha, Prinsesa Yuki. Ilang linggo pagkatapos mapaslang ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki."

"Ang nakakatandang kapatid na lalaki ng Binibini ay nararapat lamang na napaslang. Subalit ang pagpaslang sa nakakabatang kapatid ay isang krimen na kahit kailan ay sasang-ayunan." Mahigpit na aking ikinuyom ang aking mga palad sa matinding galit na aking nararamdaman. Napaka-walang puso ng taong pumaslang ng isang batang walang puwang sa kalalakaran sa lipunang kanyang kinabibilangan.

"Ano ang iyong binabalak, Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Shuji.

Nagsimula na uli akong maglakad pabalik ng aking tirahan. Ang aking balak na pagpunta sa Hardin ng Palasyo upang muling silayan ang mga magagandang bulaklak ay hindi ko na itinuloy. Biglang nawalan ng aliw sa aking paningin ang pagmasdan ang mga ito.

"Nais kung alamin mo sino at bakit pinaslang ang batang kapatid ng Binibini."

"Masusunod, Mahal na Prinsesa."

Inihatid lamang ako ni Shuji sa aking tirahan at umalis na siya upang alamin ang lahat ng nangyari. Hindi ako mapalagay habang nakatigil lamang sa aking silid. Palakad-lakad ako ng pabalik-balik habang malalim na nag-iisip. Napatingin ako sa aking mga kamay, inangat ito at pinakatitigan.

Pagkatapos ng nangyari sa nakakatandang kapatid ng Binibini, sa oras na aking malaman at matiyak na may kinalaman ang sinuman na nasa aming panig sa pagpaslang sa batang kapatid. Hindi ako mangingiming kumitil ng buhay gamit ang sandata at sariling mga kamay kahit pa isa siyang kakampi.

Kahit kailan ay hindi ko binalak na idamay ang mga taong walang kinalaman at walang alam. Batid ko rin na hindi magagawa ng aking ama o ng Mahal na Hari na idamay ang isang bata kahit pa may kinalaman siya. Kaya sino ang pumaslang o nagpapaslang sa batang kapatid ni Reina?

"Mahal na Prinsesa, dinalhan kita ng tsaa. Batid kung hindi ka mapalagay sa iyong nabalitaan kaya uminom ka muna." Wika ni Yoshie ng maabutan akong palakad-lakad sa aking silid.

"Hindi pa ba dumating si Shuji?" Ang aking tanong ng maka-upo sa harap ng mesa kung saan ipinagsasalin niya ako ng tsaa.

"Hindi pa Prinsesa Yuki. Huwag kayong mag-alala, naniniwala akong hindi nagmula sa ating panig ang may gawa."

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now