Chapter One: Circle of Friends

11K 182 22
                                    

(Lean's POV)



"Uy ano ba??! Ang babagal nyo! Mga bwiset kayo! Usapan natin 7 am ang alis natin dito! 10 am na kayo dumating! Wow hah!" pagmamaktol ni Irish sa harapan namin habang nakapamewang.



"Sorry. Traffic sa edsa ee." paumanhin ni Lads habang pinapaypay ang sarili nya. Ang init init kasi.



"Oo nga. Na late pa ako ng gising. :3" sabay pout nitong si Sam.



"Buti pa ako. Maaga akong nakarating dito." nasa tabi ko na pala tong si Cedrics. Ang nag iisang lalaki ng tropa.



"Isa ka pa! Anong maaga ang pinagsasabi mo dyan? 9:59 ka dumating! Maaga na yun sayo?! Leche!" highblood na talaga tong si Irish. Sa bagay. Kanina pa kasi sya naghihintay. 6 palang nandito na sya. Ang aga nya naman kasi. Excited lang tumira sa school na paglilipatan namin.



"Wag ka ng magalit Irish. Kompleto narin naman tayo ee." salita ni Regine. Lumapit ito kay Irish at minasahe ang likod ni Irish pero inirapan lang sya.



"Bwiset. Nagsialisan na mga bus dito! Ang babagal nyo kasi! Nahiya naman ang mga pagong sa kabagalan nyo!!" ganyan talaga magsalita si Irish. Lalo pa na mainit ang ulo nya. Pero sanay narin naman kami sa mga sinasabi nya. Totoo rin kasi.



"Chill Irish. Wait nalang tayo ulit ng next trip." salita ni Trishia habang naglalagay ng face powder sa mukha at nakatingin sa maliit nyang mirror. Ang conyo magsalita ng isang yan.



"Kanina pa ako naghihintay. Bwiset. Maghihintay nanaman ako dito!!" galit parin sya. Mas mainit pa ang ulo nya kesa sa panahon.



"Buti nga dumating pa kami ee." pang aasar ko sa kanya. Hahaha. Nag agree naman mga kasama namin. Saya lang asarin nitong si Irish. Namumula na sa galit. Lol.



"Tigilan mo ko sa pagpipilosopo mo Lean! Ikaw ang pinakahuling dumating dito!!" nginitian ko lang sya. Pero sinamaan nya naman ako ng tingin.



Nasa bus terminal parin kami at naghihintay ng bus na magbabyahe papuntang pier ng batangas. Ang dalang naman ata ng bus ngayon.



Whooo. Grabeh ang init!! Summer parin kasi hanggang ngayon. 4th year high school students na kami sa pasukan kung saan pa namin naisipang lumipat ng school. Parang ang saya kasi dun dahil internship. Malayo sa mga pamilya namin. Tsaka trip lang din namin. Buti nga pinayagan kami ng mga parents namin.



Pupunta pa kami ng pier sa Batangas para sumakay sa pumpboat papunta sa kabilang lalawigan. Lalawigan talaga? Ah basta dun.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now