Chapter Forty-One: Vague

688 34 0
                                    

(Irish's POV)





"Nakakadiri talaga. Nasusuka pa rin ako pero wala na akong masuka." sambit ni Rendell. Ako nga rin. Nakakahilo pa ang amoy ng bangkay ni Karl. Sobrang baho na talaga!! 



"I can't still *sob* believe na wala na si Lads, na nabawasan *sob* na tayo." salita ni Trishia. Hmm. Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari. Akala ko walang may mamamatay sa amin. 





"At kinain pa natin ang mga laman nya." singit naman ni Lean na kanina pa umiiyak. Sya pa naman ang naunang kumain kanina.





"Wag mo na ngang paalalahin yun. Nakakasuka na nga ee." naiinis na sinabi ni Paul. 





Nagsalita naman si sister Elsie na naka pwesto malapit sa may bintana. "Kung hindi nyo sana sinuway ang iniutos ko sa inyo, edi sana ligtas na kayo ngayon." seryosong sabi nya. Parang bumalik ang stern aura nya. 





I know, malaki ang possibility na maligtas kami pero hindi naman kakayanin ng konsensya  namin na iwan sila dito. Naalala ko yung gabing tatakas na sana kami, unti-unti ni Cabeya na ginigilitan ang leeg ni Trishia, hindi namin magagawang hayaan na lang na mamatay ang kaibigan namin. 





Hindi ko rin inakala na mamamatay si Lads. Wala lang man akong nagawa para mailigtas sya. 





"Dammit. Ang hirap naman kasi mag desisyon ng mga oras na yun lalo pa't papatayin na nya si Trishia,.. at si sister tsaka si Karl." pangangatwiran ni Cedrics. 





Tumawa ng mahina si Paul at nagsalita rin. "Nag decide kayong mag stay para sa kaibigan nyo at para kila sister. Then, what happened next? Nailigtas ba natin sila? Hindi naman di ba? In fact, your other friend got killed, Karl got killed and that fucking bitch will kill us also ONE-AT-A-TIME. We are all going to die here." 






Nakakainis 'tong Paul na 'to. Wag nyang sagarin pasensya ko. Palibhasa wala syang kaibigan kaya hindi nya alam ang salitang "walang iwanan". Tang ina. Masasapak ko 'to e!





"Hindi naman namin ginusto na mamatay si Lads. Akala ko k--" hindi pinatapos ni Paul sa pagsasalita si Ceds. "Akala mo ano? Na hindi nya tayo kayang patayin? What a fucking brain Ceds! Akala ko pa naman matalino ka." 




Kung hindi lang sila nakagapos, baka kanina pa sila nagsuntukan.





"Patapusin mo muna kasi ako, pwede ba? Akala ko kaya natin syang talunin ng mga oras na yun. I TRIED to stab her at hindi ko naman alam na ang bilis nyang maka detect at maka respond. She suddenly cut off my finger with just a freaking glimpsed! Hindi ko ginusto ang mga nangyari! Ang gusto ko lang naman ay walang may mapatay ni isa sa atin!" paliwanag ni Ceds. Lumalabas nanaman ang mga ugat nya sa leeg, dahil sa galit.





Nag flashback nanaman sa isip ko ang nangyari. Kitang kita namin ang pag slice ni Cabeya sa daliri nya ng gabing yun. Simpleng kutsilyo lang ang hawak ni Cabeya kung tutuusin pero nagawa nitong putulin ang hintuturo ni Ceds.




Nagsalita na rin si Rendell. "Paul, akala ko ba gusto mong maghiganti? Bakit mas pinili mo sanang umalis? Tanong lang yan hah. Wala akong kinakampihan sa inyo." 





"Dahil nakita ko kung gaano ka demonyo ang kalaban natin. She killed hundreds of innocent people. At alam kong hindi ko sya kaya. I can't risk my own life just for a fucking revenge. Hindi ako ganun ka tanga." 





"Ang sabihin mo pare duwag ka! Takot kang mamatay." salita ni Ceds. 





"Sino bang may gusto ng mamatay?" tanong pabalik ni Paul. Gaaad! Umiinit lalo ang ulo ko.





"Uy tama na nga yan. Ayan nanaman kayo sa mga sagutan e! Mag-aaway away nanaman ba tayo dito?" pag-awat ni Regine. Mabuti naman at inawat na nya. Dapat nagluluksa kami ngayon dahil namatayan kami ng matalik na kaibigan pero iba naman ang nangyayari!




"Walang magandang patutunguhan ang usapan ninyo, gulo lang. Mabuti pa't magdasal ulit tayo." salita ni sister Elsie. 





"Dasal nanaman. Wala namang nangyayari ee. May Diyos ba talaga?" I uttered. Nawalan na ako ng pag-asa e. Lagi na nga kaming nagdadasal. Ano pa ba ang gusto Niya? Psh.





"Irish. Manampalataya ka." sabi ni sister. Tsk. Nag-aaksaya lang sila ng oras.





Sinimulan ni sister ang pagdarasal ng Hail Mary at sumunod naman ang iba pa naming kasama.



"Hail Mary, full of grace.
Our Lord is with you.
Blessed are you among women,
and blessed is the fruit of your womb,
Jesus."

"Holy Mary, Mother of God,
pray for us sinners,
now and at the hour of our death.
Amen."  





Isinandal ko ang likod ko sa pader sa gilid ng bintana at sumilip ng konti sa labas. Nalula ako, ang taas. Nasa anong floor kaya kami? Inalis ko ang tingin ko sa baba at tsaka ako pumikit. *sigh*





Konti nalang, susuko na ako.







Haunted AcademyWhere stories live. Discover now