Chapter Eighteen: Two Faces

1.3K 67 3
                                    

(Irish POV)


Few days later..


Nakakabanas na talaga si Lean. Hindi na nakakatuwa mga kalokohan nyang pinagagawa samin.


"Nakasimangot ka agad Irish aa." bungad ni Ceds saken. Nasa classroom kami ngayon.


"Tse. Wag mo kong kausapin Ceds. Mainit ulo ko." sagot ko sa kanya. Leche. Wala nanaman kaming klase. Wala na akong may natututunan sa school na 'to. Bwiset!! Walang kwenta paaralan na ito!! Ibalik nila tuition fee na binayaran ko!!!


Nasipa ko ng malakas yung upuan. "Wag ka nga magwala dito." sabat ni Sam. Sinamaan ko sya ng tingin tapos nagtago sya sa likod ni Regine. Mga 'to. Sinabi ng wag akong kausapin e. "Bwiset." sabi ko.


"HELLO BEST FRIENDS!!!" natahimik kami ng pumasok si Lean. Psh. Ayoko na talaga ugali nya ngayon.


Lagi nya kaming nilalagay sa kapahamakan. Last time pinaglalagyan nya ng chewing gum mga unan namin kaya yun. Halos gupitin na namin mga buhok namin.


"Walang klase Lean. Puntahan mo na si Paul." salita agad ni Lads.


"True. Go ahead na." dagdag ni Trishia. Ayaw narin nila kasama si Lean.


"Okay. Babye. Mwuah!" palandi sya ng palandi. Bwiset.


"Ano kaya nangyari kay Lean." walang kwenta na tanong ni Sam. Abah malay ba namin. Nabaliw dahil sa lecheng pag-ibig na yan!


"Baka nasapian?" nagtinginan kaming anim sa sinabi ni Ceds. "JOKE ." agad ko naman syang binatukan.


"Leche Ceds. Di nakakatawa joke mo." badtrip e. Kala mo naman tatawa kami.


"True. I'm scared na." ang arte arte pa nitong si Trishia. Sarap putulin ang dila.


"Kasalanan ko 'to lahat kaya nagkaganun si Lean." salita ni Regine habang nakayuko. Ayan nanaman sya sa paninisi sa sarili nya. Tss.


"Don't blame yourself Rege. It's not your fault naman e. That was Lean's choice to be ganung kind of a friend kaya stop the blaming sa self mo." singit ni Trishia habang nagtatali ng buhok nya. Okay na sana yung sinabi nya kaso ang arte talaga magsalita ee. Nakakabanas.


"Pero kasi.. Dapat kasi.." hindi ko na sya pinatapos.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now