Chapter Eleven: Phantom

1.6K 74 2
                                    

(Sam POV)


Finally, nagka POV na riin ako. Ang tagal kong hinintay 'to. Hahahaha. By the way highway, I'm Samantha Morgan. Wala namang kakaiba saken. Mabait ako at medyo madaldal lang. Mahilig rin akong matulog. Idagdag nyo na rin ang pagiging dyosa ko.  Yun lang naman.


Nakikipagdaldalan ako ngayon sa dalwa kong classmates. Gusto ko kasi malaman kung ano ba talaga ang meron sa school na ito. Iba na ang may alam, di ba?


"Yun na nga. Sinasabi ng iba na may tao raw na involved behind sa mga crimes na nangyayari." sabi ni classmate #1.


"Ahh. So, meron ba talaga?" tanong ko. Kinikilabutan na rin ako. Kasi kung totoong may killer, hindi kami safe ng mga kaibigan ko dito.


"Ilang beses narin naman nag investigate ang mga police pero wala rin silang nakitang ibidensya." sagot ni classmate #2.


(a/n: Hindi ko na papangalanan ang ibang classmates nila. Hindi na rin naman importante. ^^)


"Kung ganun, may nagmumulto nga dito?" nakakakilabot talaga. Multo? Talaga bang merong ganun?


"Yun ang paniniwala namin. Madalas kapag hating gabi, may naririnig kaming umiiyak sa hallway." - classmate #2


"Tiningnan nyo ba?" baka naman kasi hindi yun multo. Baka tao lang na brokenhearted. 


"Hindi ee. Takot lang namin. Tsaka yang mga staffs dito at mga nuns, aware din naman sila na may nagmumulto. Hindi lang nila inaamin dahil kahit sila natatakot rin." - classmate #1


"Ee bakit dito parin kayo nag-aaral? Sana lumipat na kayo." sabi ko. Ngayon pa nga lang gusto ko na umalis.


"Gustuhin man namin pero wala ee. Mga parents namin ang nagpapaaral samin kaya kung saan nila gusto kami pag-aralin, sumusunod nalang kami." - classmate #2


Hay. Isang malaking pagkakamali na lumipat kami dito. Hindi ko na kinaya ang usapang ito. . Pupunta muna ako ng c.r para manghilamos.


"C.R muna ako hah." paalam ko sa kanila.


"Sige. Mag ingat ka. Baka ikaw na ang susunod na bibiktimahin." natakot naman ako sa sinabi ni classmate #2.


"Wag nga kayong manakot." sabi ko. Tumawa lang sila.


Naglakad na rin ako paalis. Nakayuko lang ako tapos may nagsalita kaya naman nagulat ako.


"Sam!" bati nito saken.


"Ayh palakang panget!" tiningnan ko sya. Si Lean pala.


"Nagulat ba kita? Mukhang malalim iniiisip mo ngayon aa." sabi nito.


Haunted AcademyWhere stories live. Discover now