Chapter Forty: The Taste of Bitterness

694 30 2
                                    

(Irish's POV)


Tanghali na. Tang ina. Hindi pa rin nila binabalik si Lads.



Kahit obvious na nga na pinatay na nila si Lads, umaasa pa rin naman ako na buhay pa sya. Ang tanga lang. Tang ina talaga. Nagugutom na ako.



Nababalot ng katahimikan ang kwartong 'to. Ayaw naming pag-usapan ang tungkol kay Lads. Ang sakit lang kasi. Sana buhay pa sya. Sana...



"Guys." tawag ni Regine. Ayan pa ang isang pa bida e. Kainis.


"Yes Regine?" response ni Trishia sa kanya.


"W-wala." psh. Tatawag tawag, wala din namang sasabihin.


Tiningnan ko yung iba, tahimik lang rin sila. Ang papanget na ng mga mukha namin. At nangangamoy na kami pati na rin ang bangkay ni Karl.


Sinubukan kong alisin ang nakagapos sa mga kamay ko. Aarrgghhh! Ang higpit ng pagkakatali. Psh.



"Wag mo ng pilitin." salita ni Paul. Sinamaan ko lang sya ng tingin. 



Narinig kong may nagbubukas ng pinto at taddaah. Bumungad ang nakaka imbyernang mukha ni Chinee. May tinutulak itong mesa na may nakatakip na tela sa taas.


Ng nakapasok si Chinee ay sumunod naman na pumasok ang kakambal ni satanas, si Cabeya. Pangalan pa lang nakaka bwisit na.


"Mukhang gutom na gutom na kayo." panimula nya habang nakangisi sa amin. Naglakad ito papunta sa may bintana at binuksan ang kurtina. Nasilaw ako pakshet. Dahil na rin siguro sa konti lang ang liwanag na pumapasok dito sa loob kaya silaw na silaw ako. 



Humarap siya sa amin. "Ba't parang takot na takot ang mga mukha nyo?" tanong nya. Sino ba ang hindi matatakot? Harap-harapan ba naman nya pinakita sa amin kung paano nya pinatay si Karl. "Wag kayong mag-alala, wala muna akong papatayin sa inyo ngayon. Sa katunayan, may inihanda akong pagkain sa inyo. Ulam nga lang pero sigurado akong masasarapan kayo."



"Asan na si Lads?" nanginginig na tanong ni Sam. Ayoko naman talaga sanang isisi sa kanya kung bakit kami napadpad dito, kaso hindi ko na rin mapigilan ee. Defense mechanism ko yung pang sisi. Mahirap sa akin itago yung totoo kong nararamdaman. Gusto kong ilabas lahat ng tumatakbo sa isip ko at hindi ko ma control ang galit ko kahit alam ko na may nasasaktan na ako.



"Makikita nyo pa naman sya. Mamaya." at ngumiti sya. Bakit parang sumama ang pakiramdam ko sa ngiti niyang yun? Ah well, lagi naman talagang masama ang pakiramdam ko kahit makita lang anino nya. "Chinee, ilapag mo na sa harapan nila ang luto ko." tangina ang bagal kumilos ni Chinee. Gutom na gutom na ako.



Isa-isang nilalapag ngayon ni Chinee ang mga mangkok sa harapan namin. Tiningnan ko ng maigi ang pagkain. Baka naman may lason 'to? 



"Teka, wag nyo yang kainin. Baka naman may lason yan." salita ko. Aba, hindi imposibleng gawin nya yun. 

Naglakad papalapit sakin si Cabeya. "Eat it. Kapag hindi ka nalason, ikaw ang susunod na papatayin ko. Deal?" napalunok ako sa sinabi nya. 



"Ayokong makipag deal sayo. Hmm. T-tsaka mukha namang walang lason." salita ko habang nakatingin lang sa pagkain na parang dinuguan ang pagkakaluto. "Tama. Ganyan nga."



"Paano naman namin kakainin 'to? Nakagapos mga kamay namin." salita nu Ceds. Buhay pa pala ang isang yan.



"Nasa sa inyo na kung gagamitin nyo ang utak nyo sa pag-isip kung paano nyo kakainin yan." - Cabeya na ngayon ay nakapamalikat.



"Hindi ko na kaya ang gutom. Kakain na ako." salita ni Lean at tsaka kumain na parang aso, yung bibig lang ang gamit. Pumwesto na rin ang iba ko pang mga kasama, lumuhod sila at tsaka kumain gaya ng ginagawa ni Lean maliban kay sister Elsie. Hindi sya gumagalaw sa pwesto nya at nakikita ko nalang ang pagtulo ng mga luha nya. 

Napatingin ako ng masama kay Cabeya. Plinano nya talagang magmukha kaming aso sa harapan nya. "Ayusin mo mga tingin mo Irish, baka bunutin ko yang eyeballs mo." napaiwas ako ng tingin sa kanya. 



Nagugutom na talaga ako pero tang inang pride 'to pinipigilan akong kumain. 



Pinagmamasdan ko lang mga kaibigan ko, halatang nagugutom talaga sila. Wala lang sa kanila kahit ang dungis na nila at namamantsahan ng natatapon na pagkain ang mga damit nila. Honestly, naglalaway na ako. Gusto ko na talagang kainin 'to. 



Lumuhod ako at nilapit ang mukha ko sa mangkok. Dinilaan ko muna ng konti yung sabaw, masarap nga. may talent din pala sa pagluluto si Cabeya. 



Hindi pa ako nangangalahati ng sumigaw si Trishia. "AAAAAAAAAAHHHHHH!! EEWW!!" napatingin kaming lahat sa kanya. Panay ang pagsuka at pagdudura nya at hindi sya mapakali. 



"Bakit Trish?? Anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ni Regine.



"M-may.. eyeball sa.. sa.." at nasuka nanaman sya. 



Tumawa naman ng napakalakas si Cabeya. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Ano nanaman ba ang ginawa nya?! 



"Nakalimutan ko palang sabihin, si Ladellene yang kinakain nyo. Dugo nya ang pinanghalo ko sa sabaw at karne nya ang nginunguya ninyo." matapos niyang isiwalat sa amin ang kademonyohan nya ay halos isuka namin pati mga bituka namin.



"P-patay na si Lads.." naiiyak na sambit ni Sam.



Hindi ko na rin napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Biglang nag flash lahat ng memories ko kasama si Lads na ikinadahilan ng pagbuhos ng mga luha ko. Bakit humantong kami sa ganito? TANG INA! BAKIT?!!!!



"Demonyo ka!! Ba't mo pinatay ang kaibigan namin!!!" sigaw nila Lean. Pero tinatawanan lang sila ni Cabeya. 



"PAGBABAYARAN MO 'TO!!!" - Ceds na kitang kita sa mukha nya ang galit.



"Hahahaha. Ako nga yung may sinisingil dito ee. At mga buhay ninyo ang kabayaran. Maiwan ko na muna kayo and enjoy your meal." nag smirk sya at lumabas na ng kwarto. Sumunod naman si Chinee. 



"Wala na *sob* si Lads.. A-ang *sob* sakit siguro ng d-dinanas nya." salita ni Lean na pinipilit pigilan ang paghikbi nya.



"She's dead.. a-and we fucking ate.. her deceased body." nanghihina na sambit ni Trishia habang umiiyak.



Hindi ko 'to matatanggap. Magbabayad sila!!! Pagbabayaran nila ang pagpatay nila kay Lads!!

(a/n: Hello guys!! Hanggang dyan lang muna ang chapater 40. Sorry kung bitin. ✌ May sasabihin lang ako ng konti. As you can see, bago na ang book cover ng HA (YEHEY!!), made by daydreameristhename. Kung gusto nyo rin mag request ng book cover, just visit their facebook page, "Wattpad Book Cover Request". Mababait po at friendly ang mga admins dyan. 😊 Mention ko lang rin si RhenelynSaliendra. I dedicate this chapter to you, hope you'll like it. And that's it! Don't forget to vote. ^___~ Thank you so much! 😘)

Haunted Academyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن