Chapter Twenty Six: All Boys

1.1K 54 22
                                    

(CEDRICS POV)

2017 na ngayon nalang ulit ako nagka POV!

So, nandito ako ngayon sa kwarto naming mga boys. Naka upo lang ako sa kama tapos si Rendell naman nagbabasa lang ng mga horror books.


Si Paul naman nakaupo lang din sa kama nya.


Si Karl nagliligpit ng mga gamit nya. Pinayagan na sya ng school na umuwi na sa kanila dahil sa trauma na inabot nya nung namatay ang girlfriend nya.



Apat na nga lang kaming natitirang buhay sa kwarto na 'to tapos mababawasan pa.



"Buti ka pa pare, makakaalis ka na dito." sabi ko sa kanya.



"Dalwang buwan nalang naman at makakaalis na rin kayo dito." dalwang buwan pa!



"Who knows? Baka hindi na tayo abutan ng dalwang buwan dito." hindi ko maintindihan ang sinabi ni Rendell.



"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.


Nagsalita sya pero nakatingin pa rin sya sa libro.


"Iniisa isa na niya tayo." biglang humidlis ang mga balahibo ko.


"Sinong siya?" tanong ko. Sumagot naman si Karl.


"Sino pa ba? Edi yung killer. Malakas ang kutob ko na iisa lang ang pumapatay dito." paliwanag ni Karl.


T*ng na. Natatakot ako! Nagsalita naman si Paul.



"Si sister Elsie ang killer."


"Pano mo naman nasabi yan?" tanong ni Karl.


May kinuha si Paul sa drawer nya at pinakita ito samin.


"Botones?" tanong ko. May natuyong dugo dito.


"Nakita ko yan sa tabi ng girlfriend ni Karl." natigil si Karl sa ginagawa nya ng marinig ito.



"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong nya. Oo nga naman. Ebidensya 'to laban kay sister Elsie.



"Gusto ko na ako mismo ang huhuli sa kanya. Kaya naghahanap pa ako ng ebidensya." - Paul



"Hindi ka pulis para hulihin sya. Isumbong na natin sya sa mga pulis!" salita ni Karl.



Tumayo naman si Rendell at nagsabi ng opinyon nya. "Hindi tayo paniniwalaan ng mga pulis lalo pa't ngayon lang sinabi ni Paul yan. Kailangan natin ng mas matibay na ebidensya." ang talino din talaga ni Rendell.



Natahimik kaming lahat. Maya maya ay napahilamos si Karl sa mukha nyang bakas ng galit at akmang susuntukin si Paul pero buti nalang nahawakan namin agad ni Rendell ang braso nya.



"Bakit hindi ka man lang nagsalita hah? Anong akala mo sa sarili mo?!! Ang gago mo pare!! Akala ko ba magkaibigan tayo dito!!" Karl.


"HOY! Ano ba! Wag nga kayong mag away dito! Baka may makarinig pa satin at masumbong pa tayo kay sister!" awat ko pero hindi sila nakinig.


"Wala akong pakialam!! P*TANG *INA!! GAGO KA PAUL!! Palibhasa hindi mo alam kung anong pakiramdam ng mamatayan!!!" sigaw ni Karl na nagpipigil na ng pag iyak.


Tumayo si Paul at humarap sa kanya. "Alam ko ang pakiramdam ng mamatayan Karl. Kaya ko 'to ginagawa. Namatay ang kambal kong babae sa lecheng paaralan na ito! Ayokong mga pulis ang maghuhuli sa kung sino mang demonyo ang pumatay sa kapatid ko. Dahil ako.. ako mismo ang papatay sa kanya!" pagkatapos sabihin ni Paul yun ay napaupo sya at nakahawak ang dalwang kamay nya sa noo nya.



Nagulat kaming lahat sa sinabi nya. May kakambal sya na nag aral dito? Kaya ba sya lumipat sa school na ito? Para maghiganti.


Nagsalita pa ito ng hindi tumitingin samin. "Walang may magsasalita sa mga pulis. Dahil ako ang kukuha ng hustisya para sa kapatid ko."


Binitawan na rin namin si Karl at napaupo din sya sa kama nya.


"Pareho lang tayo na naghahanap ng hustisya dito Paul kaya wag mong solohin." buti naman at kumakalma na sila pareho.



"Mabuti pa ay gumawa tayo ng plano para mahuli natin si sister Elsie!" salita ko sa kanila na ikinatingin nilang lahat sakin.



"Any good idea?" tanong ni Rendell.


"Wala pa naman. Pero atleast gumawa tayo ng team. Magtulong tulong tayo sa pagtugis sa killer. Dahil hindi yun kakayanin kapag mag isa lang." napaisip naman sila sa proposal ko sa kanila.



"Magandang idea." at nag agree silang lahat.



"Pero dapat sa ating apat lang ito. Walang ibang dapat na makaalam." sabi naman ni Karl.


"Teka, yung mga kaibigan ko.." di nya ako pinatapos sa pagsasalita.


"Hindi mo pwedeng sabihin sa kanila. Wala dapat tayong pagkatiwalaan ngayon lalo pa at hindi pa tayo sigurado kung si sister Elsie nga. Pano nalang kapag estudyante, staff at nasa paligid lang natin ang killer?" - Karl


"Pero mapagkakatiwalaan mga kaibigan ko pare." depensa ko.


"Tama si Karl, Ceds. Maiingay ang mga babae. Mabuti na yung tayo lang ang nakakaalam." dagdag ni Paul.


Tumingin ako kay Rendell na inaantay ang sagot nya na pag sang ayon sakin.


"Sorry Ceds pero agree ako sa kanila. Kaya na nating apat 'to. Para walang makahalata satin kung tayo tayo lang." - Rendell


Hindi ko na rin pinilit ang gusto kaya pumayag na ako sa sinabi nila.

(a/n: Hanggang dito na lang muna ang Chapter 26. Sorry talaga sa matagal na pag update. Ang gulo po kase ng buhay ng author ng story na ito kaya naging busy sya sa pag aayos ng buhay nya. Anyway, thank you sa time nyo sa pagbasa nito. Tsaka sa mga nagv'vote maraming salamat. Kung may feedbacks, opinions or suggestions kayo feel free guys sa pag leave ng comment sa comment box. Binabasa ko yan lahat at dyan ako humuhugot ng inspiraton. :) So ayun. Thank you so much. Love you guys. :* )

Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon