Chapter Twenty Nine: Deadly Poison

1K 39 7
                                    

(Cedrics POV)



Psh. Oo na ako na tryador! Okay na yun kesa naman naihi ako sa harapan nila edi buong araw na nila akong pagtatawanan nun! Nakakainis!



Sa sobrang inis ko nasipa ko yung metal na trashcan. Sakto pa tumama sa bakal paa ko. "Shit."



"Cedrics, bakit naandito ka pa sa hallway? Malapit ng mag lunch time. Siguradong mahaba na pila ngayon sa canteen." nilingon ko sya. Si Chinee na nakatayo at nakatingin sakin.



"Oo nga ee. Pupunta na rin nanaman ako dun. Hehe."



"Sige. Mauna na ako sayo." saka na sya umalis.



Nagugutom na rin ako kaya naglakad na ako papuntang canteen.



Pagkarating ko dun ang dami na ngang estudyante. Pipila na rin sana ako kaso naalala ko mga kaibigan ko na kasalukuyang nakaluhod sa asin ngayon na may nakapatong na nga libro sa magkabilang kamay nila. Baka isipin nila, nagpapakalunod ako sa pagkain ng mag-isa samantalang sila.. *sigh* So, hindi nalang ako kakain?



Hay. Ibinalik ko ang tray at saka umalis sa pila. Dadamayan ko nalang mga kaibigan ko sa gutom kahit iniisip nilang trinaydor ko sila.



Naglakad na ulit ako para puntahan at para makahingi ng sorry sa kanila. Nasa hallway na ulit ako. Walang tao dahil na rin siguro sa nagsisikainan na ang lahat.



"Ilang oras nalang at magtatagumpay na tayo sa mga plano natin."



Natigil ako sa paglalakad sa harap ng isang malaking pintuan. Parang kilala ko yung boses na yun.



"Siguraduhin mo lang na lahat ng pagkain ay nalagyan mo." sagot naman ng isa pang babae na familiar rin ang boses.



Hay nako. Umiiral nanaman pagka chismoso ko. Nakakabawas ng pagkalalaki 'to. Tss.



Maglalakad pa lang ulit ako ng may narinig ako na ikinalaki ng mga mata ko.



"Ilang oras nalang ay mamamatay na silang lahat. *evil laugh*"



Mamamatay? Lahat? Teka sino ba 'tong mga babaeng nag-uusap.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now