Chapter Sixteen: Try at Someone

1.4K 63 5
                                    

(Regine POV)


Nakakainis. Iniiwasan ba ako ni Paul? Psh. Simula ng kinulong sila sa bodega biglang nag iba ang lahat!


"Mag isa ka yata." nilingon ko ang nagsalita at mas lalo akong na bwiset Si Mercy.


"Eh ano naman ngayon kung mag isa ako?" wag nya akong sinisimulan. Badtrip ako ngayon.


"Well, nagtataka lang kasi ako kung bakit yung mga friends mo ang saya saya sa canteen samantalang ikaw, heto nag iisa. Ni wala lang mang may paki kung wala ka sa tabi nila." sapul ako sa sinabi ni Mercy. Hindi man lang ako nakasagot pabalik.


Nagsalita ulit sya, "Mukhang iniwan ka na ng mga kaibigan mo. How pitifuly dear."


"Correction. Pitiful NOT pitifuly. Mag aral ka nga hindi yung pinapakialaman mo buhay ko!" sya din nagdala sa sarili nya sa kahihiyan. Ayun umalis din. Sarap isampal sa kanya yung makapal na dictionary ng library.


Teka nga, ba't ba ang sungit ko? Tsaka ano naman kung close na sila Lean at Paul? Pakialam ko ba sa kanila? Gusto ni Lean si Paul kaya dapat sinusuportahan ko sya.


"Ba't di ko ba kase magawang maging masaya para sa kanila?" salita ko sa sarili ko at namugtong hininga.


"Regine, anong ginagawa mo dito sa locker?" napalingon ako sa nagsalita.


"Ikaw pala Chinee. Uhm. May kinuha lang." palusot ko.


"Umiiyak ka. May problema ka ba?" tanong nya. Hinawakan ko ang pisngi ko. Umiiyak nga ako.


"Wala Chinee. Hehe. Sige mauna na ako." nauna na akong lumabas ng locker room.


Pumunta na ako ng classroom. Pagpasok ko, nakita ko na agad sila Lean at Paul. Upuan ko yung inuupuan ni Lean.


Tumingin silang pito. Hindi pa naman ako late aa. Ba't ganyan sila makatingin?


Anyway, naglakad na ako papalapit sa kanila. Wala naman akong choice dahil groupmates ko sila. Ngayon ko lang na realize na ang malas ko.


"Rege, san ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." bati saken ni Sam.


"May kinuha lang ako sa locker." nag fake smile ako sa kanila.


Wala atang balak si Lean na umalis sa upuan ko.
"Regine, palit muna tayo ng upuan. Hindi ko kasi makita yung sulat ni teacher sa board. Malabo mata ko e." salita ni Lean. Para san pa yung salamin nya? Tsk. Ang landi landi.


"Walang problema. Ikaw pa ba Lean? Ang lakas mo kaya saken. " nakakainis.


Pumunta na ako sa upuan nya at naupo. Katabi ko si Ceds ngayon. Bumulong ito saken.


"Uy Regine. Nagseselos ka ba sa kanila?" hindi ko ugali ang magtaray pero bakit ganito ang nangyayari saken? Buong araw galit ako.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now