Chapter Thirty Six: Mend or End?

775 30 3
                                    

(Regine's POV)





Kinuha nila Mercy at Chinee si sister Elsie at dinala sa kung saan. Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nila kay sister. I don't have any idea why they're doing these insanities, especially Chinee. She's been a good friend to me since the start and I didn't contemplate her to be like this. Nakakagulat lang talaga. Napakahinhin niyang tao, inosente, mabait. Pero akala ko lang pala lahat yun. Minsan, akala natin kilalang kilala na natin ang isang tao pero ang totoo, wala talaga tayong alam tungkol sa kanila. 





Naiwan kaming lahat dito sa loob ng isang malaking kwarto. Madilim, magulo, mabaho. Nakagapos ang mga kamay at paa namin. Kanina pa ako nag-iisip ng way para makatakas but I can't think because of the tension inside of this creepy room. 





"I want to go home.. *sniff*" patuloy pa rin sa pag iyak si Trishia. Nanghihina na sya dahil sa mga tinamo nyang sugat. Kailangan na nyang magamot baka lumala ang mga sugat nya.





"Psh. May chance na tayong makaalis kanina pero.. god damn it!!" inis na inis na sambit ni Paul. Hindi ko maintindihan si Paul. Na kwento sakin ni Ceds ang tungkol sa kakambal nya na namatay dito. Sabi ni Ceds gusto raw maghiganti ni Paul pero bakit gustong gusto na niyang umalis? I mean, sa kwento ni Ceds napaka determined nitong si Paul na patayin ang killer na pumatay sa kapatid nya. 





Unexpectedly, nagsalita si Sam. "Ang selfish mong tao Paul. Kung okay lang sayo na iwan sila dito, pwes sa amin hindi okay."





Tumawa naman si Irish, sarcastically. "Wow Sam. Napaka thoughtful mong kaibigan. Baka nakakalimutan mo, IKAW SAMANTHA ang puno't dulo kung bakit tayo andito ngayon."





"Irish..." pigil ko sa kanya dahil nararamdaman kong gulo ang kakahinatnan ng usaping ito.





"Hayaan mo sya Regine. Anong gusto mong sabihin Irish?" tanong ni Sam. Sumagot naman si Irish.





"Well, sayo naman talaga nanggaling ang idea na mag transfer tayo ng school. At ikaw rin ang nag encourage sa aming lahat na mag take ng entrance exam sa letseng school na 'to!" she said frankly. 





"So sinisisi mo sakin lahat?!"





"Ikaw naman talaga ang dapat sisihin dito. You put our lives in danger!" response ni Irish.





"Eh tanga ka rin pala ee. Kinaladkad ko ba kayo papunta dito? Hindi naman di ba? Kusa kayong sumama!!" ngayon ko lang nakita na na galit si Sam.





Sumagot naman si Lads. "Tumahimik ka na nga Sam. Tama naman si Irish ee. Kung sana nanatili nalang tayo sa dati nating school na pinapasukan edi sana wala tayo ngayon dito. This was your entire fault, Sam." 





Haunted AcademyWhere stories live. Discover now